Chapter 6: The Elite Group

36 1 0
                                    

Dasher Million, Iyun ang pangalan nung lalaking kulay abo ang buhok. Pansin kong sya ang pinaka malikot at maingay sa kanilang lahat.


Hestha Vellianis naman ang pangalan ng babaeng may maikli ang buhok. Sya ang pinaka maliit at mahinhin sa kanila.


Yung Blonde naman ang buhok na medyo maarte ay si Luna Seretine.


At yung isang naka kunot ang noo sakin kaninang lalaki ay si Lorion. Lorionis Esdaves, Sya yung may isang hikaw sa kanan at may kahabaan ang buhok. Ang masama kung makatingin.



At ngayon.Nasa harap ko silang apat. Pare-parehong nakatingin sakin. Si Gohan ay nasa gilid ng sofa habang si Zeronis at Ma'am Solene ay nasa parehong gilid ko, Ako naman itong nasa gitna nila at tahimik lang.



Tumitingin nalang ako sa ibang direksyon dahil hindi ko naman alam ang dapat gawin o sabihin sa harapan nila. Mga Student din sila ng Academy pero iba ang kulay ng uniform nila. May nakalagay sa gilid ng blazer ang isang logo ng school at sa ilalim noon ay nakasulat ang salitang 'Elite group'.



Nabanggit sakin ni Crizel at Loki na si Zeronis ang Captain ng pinaka magaling na grupo sa Academy. Siguro ito ang grupong sinasabi nila.



"Pag uusapan natin ang tungkol sa bago nyong mission". Panimula ni Miss Solene.



"Wait!--" Agad na nag taas ng kamay si Luna. "Pwede bang mag celebrate muna kami sa bagong member?. I liker her and i think mag kakasundo kami. Besides we need to introduce her to whole academy as a new elite member". Mahabang paliwanag nya pa bago tumingin sakin, Kinindatan nya ako kaya mahina akong natawa.




"Well, Kasama yan sa pag uusapan".
Sagot ni Miss solene. Tumayo si Miss Solene at humarap sa aming lahat.
"Masaya ako at nadadagdagan kayo, Malaking tulong din ito para sa atin. Si Thalia ay magaling makipag laban katulad nyo, at alam kong mag kakasundo sundo kayong anim".





"Nasabi samin ni Captain na halos dalawang buwan ang naging ensayo nila ha" Nakangising sabi ni Dasher habang nakatingin sakin. "Gusto kong i try kung magaling nga talaga". Dugtong nya pa kaya kumunot ang noo ko.




"She need to rest, Dasher". Agad na sabi ni Zeronis sa tabi ko. "Buong buwan ang ensayo at wala syang naging pahinga, We need to give her some rest" Dagdag nya pa.



"I agree". Pag sang ayon ni Hestha kaya napangiti ako. "Stop the joke Dasher, Hindi biro ang ensayo nya".





Umiling nalang ako. Isa na akong member at kasama ko sila. Ibig sabihin ay makakasama ko sila sa bawat misyon na aking pupuntahan.
Hindi na din masama dahil masaya ang may kasama lalo sa panganib, hinding hindi ka mag iisa.





"At dahil meron tayong bagong myembro. An event will be held inside the academy to welcome our new member of your group. The good news was also announced earlier to the students. So I hope you will be there fully prepared for the event". Anunsyo ni Miss Solene na ikinatuwa ng dalawang babae.



"Yes! i knew it!" Tuwang tuwang sabi ni Luna at makipag apir kay Hestha.




Natulala ako. May Event para lang sakin?. Kung ganun ay kailangan kong sumama at mag bihis ng maganda. Kaso wala akong magandang damit para sa mga kasiyahang ganyan.



"Problema mo? ". Tanong ni Zeronis kaya napatingin ako sa kanya. Kunot ang noong pinag masdan ako.



"Wala". Agap na sagot ko. Pinalapit ko sya para sa aking ibubulong, Nag tataka pa sya nung una pero kalaunan ay lumapit din. "Wala akong susuutin mamaya, Baka hindi ako makasama--".



"Anong hindi makakasama?! No way!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Luna. Narinig nya? Huh? Paano?.
"Ako na ang bahala sa damit mo, You. don't have to worry about that ok".




"Ang Event ay para i welcome ka, Thalia. Kaya kailangan ka doon at masaya kaming makasama ka bilang bagong miyembro". Dagdag pa ni Hestha.




"Yes. Ako.. Basta ako masaya ako". Singit ni Dasher kaya masama syang tiningnan ng dalawang babae.



"At ang Dorm mo--" Putol ni Miss Solene kaya napatingin ako sa kanya.
"Kailangan mong lumipat sa gusali nila para mag kasama sama kayo".




Natahimik ako. Kung ganun ay iiwan ko sina Crizel?. Ayaw ko sana pero alam kong aangal na naman si Luna kapag umayaw ako. Siguro mag papaliwanag nalang ako kay Crizel at kina Loki mamaya pag uwi ko. Siguro naman alam na nila ang Event na gaganapin mamaya.




"Pagkatapos ng Event ay pwede ka ng lumipat ng kwarto. Ipapasundo kita kay Gohan bukas ng Hapon para makapag pahinga muna kayo". Tumango kami sa sinabi ni Miss Solene.





"Tsk..." Napatingin ako kay Lorion ng marinig ko iyun sa kanya. Nakapangalumbaba sya habang nakatingin sa labas ng bintana. Halatang hindi sya natutuwa sa mga nangyayari sa harapan nya.




"So... Let's talk about your new mission" Panimula ng Headmistress kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.




"Balita ngayon sa bayan ng Utophia ang ilang bampira na kalat sa kanila.
Kahit sa umaga ay may mga bampirang umaatake sa bayan at halos marami na ding namamatay--" Napabuntong hininga si Miss Solene.
"Kailangan nyong pumunta sa Utophia sa susunod na araw".



"So, What's our mission then?" Tanong ni Lorion na seryoso na ngayong nakikinig.



"Kailangan nyong patayin ang mga nag kakalat na bampira sa Utophia.
Maraming mabababang ranko ang nag kakalat sa kanila at isa sa kanila ang may pinaka mataas na ranko... na syang kanilang pinuno".





Tumaas ang kilay ko. May mga ranko ang bampira?. Ibig sabihin ay iba iba ang lakas nila kung babasihin sa ranko. Ang mabababang ranko ay medyo mahina at ang pinaka mataas ay ang pinaka malakas na katulad ng sinabi ni Miss Solene ay isang pinunong syang dahilan kung bakit nag kakalat ang bampira sa Utophia.



Siguro ay kinakalat at inuutusan nya ang mga ito para mag hasik ng lagim.
Syempre Thalia... Masasama ang iba sa kanila.




"Ihanda nyo ang gamit nyo para sa pag alis sa susunod na araw. Hindi madali ang misyon nyo lalo na at kahit mabababa ang ranko ng bampira ay mababangis parin sila.
Ihanda nyo ang sarili nyo"Pinal na sabi ng Headmistress.





Lahat kami ay nakinig sa kanya, Tahimik ako habang nakikinig. Una kong misyon ito at napaka delikado. Unang beses ko itong lalabas ng academy at lalaban sa mga Bampira.





Matapos ay umalis si Miss Solene kaya naiwan kaming anim. Kausap ni Zeronis ang mga lalaki habang sina Hestha at Luna ay tinatanong ako.




"Marami akong damit sa kwarto kaya ipapadala ko iyun sa Dorm mo". sabi ni Luna sakin. Agad akong tumango.




"Ako din--"Nag taas ng kanang kamay si Hestha."Kung may gusto kang isuot ay marami din ako,Pwede kang humiram sa akin anytime" Mahinhin na sabi nya at nag salute pa, Mahina tuloy akong natawa.




"Everyone--" Lahat kami ay napalingon kay Zeronis ng mag salita sya. Seryoso syang pinag mamasdan kaming lahat. "Alam nyo na ang gagawin.."




Huh? Anong gagawin.




Nakita ko ang pag tango ng apat sa kanya. Kahit si Gohan ay ganun din ang ginawa. Nag tataka naman akong lumingon kay Luna at bumulong sa kanya.

"Anong ibig sabihin ni Zeronis?".


Mahina syang matawa at tinapik ang balikat ko, Napatingin ako doon.
"Sumunod ka nalang sa akin".


Lalo akong nalito sa sinabi nya.

______________________________________________________________________________________________

CHAPTER 6: THE ELITE GROUP

Huminous Academy:School of Magic (Academy Series 1)Where stories live. Discover now