Maaga kaming nagising para makapag ayos, at ngayon ay nag lalakad kami pataas sa bundok ng ashenia habang kumakain ng almusal.
Sinabi ni Zeronis na masasayang ang oras namin kung mag s-stay pa kami sa ibaba ng bundok, kaya mas maganda kung mag lakad na kami habang nakain ng almusal namin.Kasalukuyan akong kumakain ngayon, nahuhuli ako dahil hindi ko mapag sabay ang kumain ng mabilis habang nag lalakad, nasa likod tuloy ako nina Hestha at Luna.
"Excited na talaga ako maligo!" Rinig kong sabi ni Dasher, napalingon ako sa kanya habang puno ang bibig ng tinapay. "Sana wala tayong maabutan na mga diwata para walang problema"
"Kunin ka man ng diwata ay wala kaming pake" Pang babara sa kanya ni Luna. "Walang pipigil"
Ngumuso lang si Dasher sa sinabi ni Luna, alam naman nyang wala syang laban sa babae dahil sa ugali nito. Katabi ni Dasher si Lorion at Gohan, silang tatlo ang nagunguna. At so Zeronis, ay nasa likod ko.
Palihim akong sumisilip sa likod ko para tingnan sya pero agad akong umiiwas kapag nakikitang nakatingin din pala sya. Umiling nalang ako at pinag patuloy ang kinakain ko.
Nabigla ako ng muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa isang bato, isang kamay ang humawak sa braso ko kaya hindi ako tuluyang nawalan ng balanse.
"Watch your step, Thaliana" Baritong boses ni Zeronis na nasagilid kona, agad akong umayos ng tayo at tumingin sa kanya.
"Thank you" sabi ko, agad naman syang tumango at sinabayan akong mag lakad. "Hindi mo ginagalaw yang tinapay mo" panimula ko ng makitang hawak hawak na parin ang lagayan ng tinapay.
Napatingin sya doon. "Hindi ako gutom" tumango agad ako. "Mga ligaw na multo" Sabi nya sa kalawanan.
Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi nya, napatingin ako sa kanya at ganum din sya sakin, bahagyang bumagal ang lakad namin.
"Ligaw na multo?... Anong gusto mong sabihin, Zeronis?" nalilito ang ekspresyon ko tinanong sya.
Napabuntong hininga sya at napa himas ng batok. "Yung sinasabi mong tumulak sayo kagabi sa gubat.. mga ligaw na multo sila sa bundok na ito, Thaliana"
Muntik ko ng makalimutan ang isang yun, tumango nalang ako at hindi na nag salita. Mga ligaw na multo lang pala...teka, ligaw na multo? sa bundok ng ashenia?
"Bakit?, Anong nangyari at may nag paparamdam na multo dito?" Tanong ko.
"Sila ang mga sinaunang taong namatay sa digmaan noon" Paliwanag ni Zeronis "Dito nangyari ang pinaka huling digmaan sa pagitan ng Diyos sa itaas at Diyos ng kadiliman" Dagdag nya pa.
Hindi kopa napoproseso ang sinabi nya ng mauna na sya mag lakad, pinag masdan ko syang mag lakad at makisabay kina Lorion na nasa unahan. Nakita ako ang paglingon sakin ni Lorion kaya agad akong mgumiti at kumaway, seryoso nya lang ako tiningnan bago ibinalik ang tingin kina Zeronis.
Napaka ganda ng bundok ng ashenia, napaka presko ng hangin at berdeng berdeng mga halaman at puno, meron ding iba't ibang bulaklak na halos ngayon ko lang nakita.
"Napaka payapa ng bundok ng ashenia, kaya hindi na ako mag tataka kung bakit halos lahat ng tao ay gustong gusto ang bundok na ito" Sabi ni Gohan sakin.
"Kahit ako" ngumiti ako habang tinitingnan ang paligid "Gusto ko din sa ashenia kahit unang beses kong makapunta dito, payapa at ang sarap. mamuhay ng tahimik"
YOU ARE READING
Huminous Academy:School of Magic (Academy Series 1)
FantasySa isang mundong puno nang mahika, Hindi na normal na tao kungdi mga Immortal, Makapangyarihan at puno nang makulay na Pag subok sa buhay. Hindi akalain ni thalia ang mangyayari sa kanyang buhay matapos ng mangyari ang hindi nya inaasahan. Bampira...