Chapter 5: Training Partner 2

52 4 0
                                    

TRAINING PARTNER 2



"5 minutes break time".


Pawisan akong naupo sa sahig. Halos hingal na hingal ako bago uminom ng tubig at humugot ng hangin.




Halos araw-araw kaming nag eensayo. Walang palya. Minsan kapag na le-late ako ay hindi na ako makasabay ng pagkain kina Crizel sa Cafeteria. Kapag hapon lang kami nag kakasama para sabay sabay kami umuwi.



Pagkatapos ng 5 minutes ay bumalik kami sa pag eensayo ni Zeronis. Espada pa rin ang gamit namin at base sa pag susuri ni Gohan sakin ay malaki ang naging improvement ko.
Ilang beses ko ding napatumba si Zeronis meron o wala mang sandata.




Matapos ang pag eensayo namin ngayong araw ay nakaupo ako ngayon sa gilid. Wala pa akong balak umuwi dahil nagagandahan ako sa tanawin sa labas. Malaki ang buwan at sobrang liwanag. Isama mopa ang hardin na sobrang ganda at daming ibat ibang uri ng bulaklak.



" Maria Thaliana".




Inikot ko ang mata ko bago tumingin sa likod. Nakatayo si Zeronis habang nasa gilid nya si Gohan. Naiinis ako kapag sinasabi nya ang buong pangalan ko. Ilang ulit na ako na kahit 'Thalia' nalang para maikli pero ang kulit nya.


"Mamaya na ako uuwi. Mauna na kayo" Sabi ko bago muling tumingin sa buwan.



"Delikado". Rinig kong sabi ni Zeronis.


"Kaya ko. Uuwi din ako". Sabi ko habang hindi nakatingin sa kanila.



"Delikado". Sabi nya ulit. "Sumabay kana sa amin, Ihahatid ka ni Gohan sa tuluyan mo".



Hindi ako nag salita. Nakakapagod. Gusto kona mag pahinga pero ayaw kopang umuwi.




Naramdaman ko nalang na may umupo sa tabi ko. Kumunot ang noo ko ng makita si Zeronis na seryosong nakatingin na din sa malayo. Hinahawi ng malakas na hangin ang kanyang may kahabaan na buhok.





"Bukas..." Bumuntong hininga sya.
"Kailangan nating pumunta sa office ng headmistress para makilala mo anh iba pa nating kasama". Sabi nya.






Agad akong tumingin sa kanya. "Kung ganun, Walang ensayo bukas". Tanong ko.


"Ito na ang huling ensayo mo". Mahina nyang sabi kaya Kumunot lalo ang noo ko. "Isang buwan at kalahati na din ang pag eensayo natin at masasabi kong handa kana. Kaya kailangan nating pumunta bukas sa opisina ng kataastaasan para makita ang susunod nating gagawin". Mahaba nyang paliwanag.






Natahimik ako. Mahaba na rin ang isang buwan at kalahati. At masasabi kong wala naman akong pag kukulang sa araw araw na pag eensayo kasama sya. Magaling sya mag turo kaya ganun.




Huminous Academy:School of Magic (Academy Series 1)Where stories live. Discover now