"Ang bundok ng Ashenia..."
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko ng huminto kami. Sa wakas, nasa harap na kami ng bundok ng ashenia.
"Thalia, Maayos na ba ang likod mo?" Tanong sakin ni Gohan. "Meron pa akong pang lapat dito kung kailangan mo. Baka lumalala iyan". Dagdag nya pa.
Umiling agad ako. "Ok na ako!. Salamat sa pang lapat kanina, Nawala na ang sakit ng likod ko".
Kanina kasi. Pahawak hawak ako sa likod ko. Napaka sakit kasi at hindi ko alam kung iiyak ba ako o mananahimik lang. Nakatingin din sakin si Lorion sakin kaya hindi ko pinapahalata. Kapag dinederetso ko ang likod ko ay para akong mababalian....Salamat sa pang lapat na gamot ni Gohan.
"Kahit ano, thalia" Nakangiti nyang sagot kaya pareho kaming tumango.
"Tsk. Umayos ka kasi sa susunod" Rinig kong sabi ni Lorion. Ng lingunin ko sya, Nakataas ang kilay nya habang nakatingin sa malayo, hindi sa akin. akala ko ako na naman.
"Hapon na. Tutuloy pa ba tayo?" Tanong ni Luna. "Pwedeng mag stay nalang tayo kahit sa ibaba nalang muna ng bundok? Like, I'm scared!" Sigaw nya sabay yakap sa leeg ni Hestha.
"Aray! Nasasakal ako!" Angal ni hestha.
"Luna is right. Mahirap na kung mag papatuloy tayo sa kalagitnaan ng gabi palagpas sa bundok ng ashenia" . Sagot ni Dasher habang tinitingnan ang paligid.
"Captain"
Napalingon ako kay Zeronis. gusto nilang mag pahinga at huwag muna tumuloy. Inaantay lang nila ang desisyon ni Zeronis, Ang kapitan namin.
Pinag masdan ko ang bundok. Normal na bundok lamang iyun. Nakaramdam din ako ng pagod kaya gusto kong sumang ayon kina Luna, Pero ayaw ko din namang pangunahan si Zeronis.
"Ok.." Bumuntong hininga si Zeronis bago tumingin sakin. "Mag palipas muna tayo ng gabi sa paa ng bundok".
Tumango kaming lahat. Ganun ang ginawa namin. Hanggang sa lumubog ang araw ay doon kami.
"Ilang oras ulit para makarating sa ilog?" Tanong ko habang nakain kaming lahat... maliban kay zeronis na hindi ko alam kung nasaan.
"Isang oras lang" Sagot ni Dasher sabay kagat ng tinapay. "Hindi ako makapag hintay na maligo doon!Ilang taon na din ng huli akong makarating sa ilong ng mga diwata!Napaka ganda!" Mahaba nyang sabi na halatang excited.
"Shut up, Dasher!" Singhal sa kanya ni Luna. "Tumigil ka kung ayaw mong iuwi ka ng diwata sa mundo nila!"
Kumunot agad ang noo ko. "Iuuwi sa mundo nila? Anong ibig mong sabihin Luna?" Takang tanong ko.
"Bakit ba ang dami mong tanong?Nakakarindi ka!" Inis na putol ni Lorion at padabog na umalis sa pwesto namin.
Natulala ako sa bigla nyang pag tataray. Bakit ba inis na inis sya sakin? Konting tanong o salita ko lang naiinis na sya. Inisip ko din kung may nasabi ba ako o may nagawa ba ako sa kanya.. Pero wala. ni hindi kopa nga sya nakakausap ng matagal.
Siguro kung may pag kakataon, kakausapin ko sya para linawin ang bugnot nya."Hayaan muna si Lorion" Sabi sakin ni Gohan kaya tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Sa ilog ng mga diwata.. Halata naman diba, lugar ng mga diwata iyun o teritoryo nila--" Panimula ni Luna habang nag lalagay ng tubig.
YOU ARE READING
Huminous Academy:School of Magic (Academy Series 1)
FantasySa isang mundong puno nang mahika, Hindi na normal na tao kungdi mga Immortal, Makapangyarihan at puno nang makulay na Pag subok sa buhay. Hindi akalain ni thalia ang mangyayari sa kanyang buhay matapos ng mangyari ang hindi nya inaasahan. Bampira...