Zhiona POV:
• • •"Patay na daw si Rena."
"Hala we??"
"Buti nga, malandi kasi."
Palihim nalang akong natawa dahil sa mga pinagsasabi nila. Ilang araw na mula nong pinatay si Rena pero ngayon lang nila nalaman?
Kakaiba ka talaga, Kelsey.
Papunta ako sa library ngayon para hanapin ang libro ni Rizal na pinapahanap ni sir Ed para sa next class daw niya.
Ba't 'di niya hanapin mag-isa?
Hindi pa rin kami nagkakausap ni Kelsey dahil sa tuwing nakikita ko siya ay umiiwas siya o 'di kaya minsan ay nagtatago.
Pagpasok ko sa library ay tinungo ko ang pinakadulo dahil bago ko hanapin ang libro ni Rizal ay magbabasa muna ako.
"Ay pakla—Ano ba Xavier!?"
"Ba't ka sumisigaw?"
"Ba't ka nanggugulat?"
"Ba't ka naman galit?"
"Ba't ang pangit mo?"
Napahinto si Xav dahil sa sinabi ko. "Pangit? Ako?" Naluluha niyang tanong.
Para naman akong tanga na tumango-tango. "Oo, Xav. Sorry, hindi ka na daw ga-gwapo sabi nong doctor—Aray! Ayan ka na naman sa panghahampas mo, pag ako talaga magalit." Pagbabanta ko.
"Paano ka ba magalit?" Natatawang tanong nito.
Minamaliit ba ako ng taong 'to? Kahit maliit ako may part pa naman sa akin na kayang ipagmalaki.
"Kaya kong pumatay." Pagmamayabang ko. Totoo naman eh na kaya kong pumatay kaya hindi ko masasabing hindi ako makasalanan.
"Wait, ikaw siguro ang pumatay kay Rena." Anito na dahilan para mapatingin sa amin ang isang estudyante.
Ngumisi ako. "Siguro nga."
Lumapad ang ngiti niya at hinarangan ang dadaanan ko. "Paano mo ginawa?"
"Gusto mo try ko sa'yo?" Tanong ko na agad niyang inilingan. "Bakit? Takot ka?"
"Naman Zhiona! Gusto ko pa mabuhay gaga ka." Sabi ni Bakla. Yes, oo bakla siya. 99.9 % sure na sure!
Hinawi ko siya at umupo don sa may bandang bintana na ginawa ko nang tambayan.
"Hindi ka magbabasa?" Tanong nito.
"Hindi na, nagbago na isip ko." Sabi ko at kinuha ang bag at ginawang unan.
"May isip ka pala?" Hindi ko na sana papansinin ang sinabi nito pero hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi niya kahit pabulong lang 'yon.
"Piste ka! Lumayas ka nga sa harapan ko at baka maging huling araw mo na dito sa mundo." Aniko at tyaka inilagay sa mini table ang dagger.
Nanginginig siyang umiling. "Hindi ako aalis. Babantayan kita hanggang sa magising ka. Alam mo naman ngayo-"
"Oh, tama na kakadaldal. Babush!" Aniko at ipinikit ang mata.
YOU ARE READING
Who Is The Killer? [U-Xozi Den]
Mystery / ThrillerBumagsak ang ulan, isang ritmo na tumutugma sa bagyo sa loob ni Zhionaea. Anino na lamang siya ng dating dalaga. Ang kanyang ina, wala na, kinuha ng kanser. Ang kanyang ama, nawala, hindi para magdalamhati, kundi para tumakas kasama ang kanyang k...