[4]

22 15 0
                                    

Anastasia POV:
• • •

"Pumunta ka sa sementeryo." Sabi ko sa kakadating lang na kaibigan ni Zhiona, si Xavier.

Tinawagan ko siya kanina at pinapunta sa tambayan ko dahil bigla kasing nag-alarm ang bracelet ni Zhiona na matagal ko nang hindi naririnig, kakaiba ito sa normal lang na alarm pag in-danger siya.

Nagugulohan niya akong tiningnan. "Hoy, hindi nga kita kilala! Sino ka ba? At ba't naman kita susundin? Pano mo nakuha ang number ko?" Tanong nito at tinaasan ako ng kilay.

Nanganganib ang buhay ni Zhiona pero ang dami pa ring tanong 'tong hinayupak na 'to. Pag talaga may mangyaring masama kay Zhiona, papatayin talaga ako ni tita Zikee.

"Daming tanong. Hanapin mo si Zhiona don." Walang buhay kong sabi sa kaniya.

Bawal akong pumunta doon dahil may binabantayan pa ako na hindi dapat iwan.

Kinuyom niya ang kamay niya at masama akong tiningnan. "Baliw ka ba?! Hindi pa patay si Zhiona." Sabi niya at dinuro ako. "Baka gusto mo ikaw ang patayin ko."

Sa ikinikilos niya ay hindi halatang bakla siya. Ang boses niya ay nag-iba at ang inaasta niya ay parang hindi pangbakla.

"Nasa sementeryo ang pakialamera mong kaibigan dahil kinain na naman siya ng pagiging pakealamera niya." Aniko at tinalikuran siya. "Kung hindi mo siya pupuntahan, malamang bukas ng umaga siya na ang balit-." Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang siyang tumakbo palayo.

Natawa nalang ako sa isip dahil sa kaibigan ni Zhiona. Nakuha ko lang naman ang number nito dahil sa galing kong magcomputer. Tinatamad kasi akong pumunta kaya para hindi na ako mag-abala pa, ginawa ko nalang ang tiknik ko.

Nakatingin ako ngayon sa labing walong kamera na nakatutok kay Xavier sa iba't-ibang angulo. Tumatakbo siya sa kung saan, hindi ko pa siya nakitang huminto at nagpahinga. Parang hindi siya napapagod.

Alam kong malapit na siya kay Zhiona kaya kinuha ko ang controller na ayon kay Zhiona "Mahiwagang Remote" daw kuno.

Pinindot ko ang red circle na konektado sa bracelet ni Zhiona. Tiningnan ko ulit ang kamera at nakita ko doon si Xavier na sonusundan ang ingay na nanggagaling sa bracelet.

Nang makalapit na si Xavier kay Zhiona ay agad kong in-off and mga camera. Ayaw ko munang manuod sa kanila. Alam ko namang ligtas na siya sa kamay ng kaibigan kaya wala nang dahilan para tingnan sila.

"Ugh! Wala na akong magawa sa buhay kundi ang tingnan ang mga kamerang 'to buong araw." Bulong ko tyaka pumunta sa kama at humiga. "What if-nah! Don't do it Anas, siguradong pagagalitan ka ng mama ni Zhiona." Pagkausap ko sa sarili.

Hindi kaya magalit sa akin si Zhiona? Paano kung malaman niyang hindi pa patay si tita?

Hindi ko muna iisipin 'yan sa ngayon dahil may malaki pa akong problemang aayusin.

"Waaaag!" Rinig kong sigaw sa labas. Agad kong kinuha ang remote at in-on ang computer na konektado sa kamera na nasa labas ng tambayan ko. Ayaw ko munang lumabas dahil masyadong delikado.

Turning on... Ang tagal, nakakainis!

Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang bumongad sa akin ang isang lalaki na nakaluhod at dalawang babae na nasa harapan niya. Dugoan ang lalaki habang ang dalawang babae naman ay may hawak na dagger.

Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng may usapan pero dahil nasa teritoryo ko sila, why not? Matagal-tagal na rin simula nong may pinatay sa tapat ng tambayan ko eh. Tyaka, bored ako kaya manunuod nalang.

"Bakit mo ginawa yon?!" Sigaw nong babaeng matangkad. Nakaputi ang babae pero dahil sa dugo ay natakpan ang iba nitong parte. "Alam mo bang mapapahamak kami? Ha?!" Sigaw pa nito sabay sampal sa lalaking nakaluhod.

"Ginawa ko lang naman yon para maligtas ang anak ko..." Umiiyak na sabi nong lalaki.

Lumapit naman ang nakaitim na babae. Kung makikita ang babaeng 'to sa kalsada aakalain mong normal lang na bata. "Naisip mo rin ba 'yan sa aming mga kaibigan mo?" Tanong niya sabay tanggal sa takip ng dagger. "Anak ka ng anak tapos pipiliin mo siya kesa sa amin, eh limang buwan palang naman yon eh!" Sabay tutok sa kaniya ng dagger.

Base sa pagkakarinig ko, hindi naman kasalanan nong lalaki dahil niligtas niya lang naman ang anak niya. Itong mga babae naman ay hindi ata nag-iisip. Malamang! Mas pipiliin nong lalaki yong anak. Aanak-anak siya tas 'di niya paninindigan? Pet peeve ko talaga ang mga yan.

Pinatay ko ang computer at kinuha ang bag na may lamang pera. Isinuksok ko sa bulsa ang itim na dagger at agad na bumaba.

Lumabas ako at hindi na nagulat sa mga mukha nila. Si Stephanie ang naka-itim at si Peraliah ang nakaputi. Nakita ko sila sa computer ko, nakalist ang mga pangalan nila sa mga papatayin pero wala akong balak na gawin yon dahil mga bata pa ang nasa harapan ko.

Tiningnan nila akong dalawa mula ulo hanggang paa at ang lalaki naman ay gulat na gulat na nakatingin sa akin. "Sino ka?" Tanong ni Stephanie. Ayon sa info niya ay palaban daw 'to at walang inuurongang laban pero mukha namang pera.

"Sinusundan mo ba kami?" Tanong naman ni Peraliah. Hindi na ako nagtataka kung bakit mukhang pera din 'to, pangalan pa lang eh amoy pera na. Umaasa lang daw ang batang 'to kay Stephanie kaya buhay pa hanggang ngayon.

Napa-tsk nalang ako sa kanila at tiningnan ang lalaking hindi makagalaw at parang istatuwang nakatingin sa akin.

"Kung ako sa'yo aalis nalang ako." Sabi ni Peraliah pero hindi ko siya tiningnan. Pinagmasdan ko ang mga sugat sa katawan nong lalaki. Kung tutuosin mas malakas siya kesa sa dalawang 'to, siguro mas pinili niya nalang na magpabugbog?

Binalingan ko ang dalawa. "Twenty million." Sabi ko na ikinalaki ng mata nila. "Layuan niyo ang lalaking 'to at wag niyo nang gugulohin pa." Aniko at walang anu-anong inihagis sa kanila ang malaking bag.

Tinalikuran ko sila bumalik sa loob ng bahay. Hindi na ako makikinig pa sa mga sasabihin nila. Gusto ko lang na layuan nila ang lalaking 'yon dahil may anak siya at kailangan siya ng bata. Ayaw kong maranasan nong bata ang naranasan ko.

Ang mabuhay na walang ama...

• • •

Don't forget to vote and comment your concerns and feedback.

THANK YOU FOR READING! ^^
[NO EDIT!]

Who Is The Killer? [U-Xozi Den]Where stories live. Discover now