Zhiona POV:
• • •Nandito ako ngayon sa labas ng bahay ni Denise, siya yong batang palagi kong binibigyan ng lollipop. Natatawa nga ako sa sarili ko eh, kung kailan wala na ang bata, tiyaka ko lang nalaman ang pangalan niya.
"Ba't hindi ka pumasok?" Tanong nang kung sino. Oh, I forgot! Kasama ko pala si bakla.
Umiling ako. "Hindi na, nakakahiya eh." Aniko at tumalikod na.
Nagbigay ako ng malaking halaga sa mga magulang ng bata pero hindi ko pinasabi ang pangalan ko. Nakita kong naghihirap ang mga magulang ng bata, napag-alaman ko ding may kapatid pa itong ginagatas at yon ang dahilan kung bakit namamalimos si Denise araw-araw.
"San ka pupunta?" Tanong na naman ni Xav. Dapat pala hindi ko na sinama ang lalaking 'to. "Wag mong sabihin sa isa mo na namang pangit na kaibigan?"
"Excuse me, ako ba tinutukoy mo?" Sulpot ni Khent. May lahi ba 'tong kabute?
Naglakad nalang ako paalis at hindi na hinintay ang dalawa. Alam ko kasing mag-aaway na naman sila.
Dumaan ako sa isang tindahan para bumili ng paborito kong wafer stick, tinatamad na naman kasi akong magluto sa bahay kaya bibili nalang ako.
Dalawang gabi na akong walang magandang tulog kakaisip kay Denise, kung kasalanan ko ba ang lahat, kung may kinalaman na naman ba dito si Kelsey...
Matapos kong bumili ay dumiretso ako sa condo. Hindi muna ako babalik sa bahay kasi nakakairita na ang mga mukha nila lalo na yong pinangpalit ni papa kay mama tas yong sampid nitong anak.
"Kapagod..." Mahinang bulong ko at humiga sa malambot na kama. Tiningnan ko ang orasan. " Oh, alas dos na. Time to sleep, Zhiona."
Ilang minuto pa ako nagpagulong-gulong bago ako dalawin ng antok.
Nagising ako pasado alas onse ng gabi. "Mukhang napasarap ang tulog ko ah..."
Pumunta ako sa kusina at lumapit sa refrigerator. Napakamot nalang ako nang maalalang wala na pala akong stock ng pagkain.
"Ayan, Zhiona. Ang tamad mo kasi!" Pagkausap ko sa sarili.
Wala na akong nagawa kundi ang kunin ang jacket at susi ng kotse. Doon nalang ako sa labas kakain, tutal tinatamad din naman akong magluto tiyaka wala ding maluluto eh.
Dinampot ko ang cellphone sa tabi at tinawagan si bakla. Wala akong pake kung magalit man siya, kasalanan din naman niya kung bakit kami naging magkaibigan eh.
"Oh, men!" Sigaw ni Xav sa kabilang linya. Alam kong nagising ko siya mula sa pagkakatulog dahil halata sa boses nito.
Tumawa ako dahil alam kong nag-uumpisa na siyang mairita."Naistorbo ko ba labing-labing niyo ng apat mong lalaki?" Biro ko.
Hindi naman kasi ako naniniwala sa "Magbiro ka sa lasing, wag lang sa 'yong ginising."
Tumikhim siya. "Kailan mo ba ako nakitang may lalaki?" Tanong nito gamit ang panlalaking boses. Alam kong hindi siya nakikipagbiroan, seryuso na kasi ang boses niya at hindi kagaya kanina.
Ang sarap talaga sa feeling mang-badtrip ng kaibigan. Feeling ko tuloy ako na ang pinakamabait na kaibigan sa mundo.
"Samahan mo naman ako." Sabi ko sa kaniya gamit ang pabebe kong boses. Paawa epek ba.
May narinig akong pagtakbo at pagsara ng pinto sa kabilang linya. "Wait lang, tatae lang ako." Aniya kasabay ang malakas niyang pag-utot.
"Gago, pre, ang baho!" Sabi ko at humagalpak ng tawa. Sorry ako lang 'to.
"Hoy, ang bango kaya." Proud niyang sabi. Edi sana pinabillboard mong hayop ka!
Natanaw ko ang bukas pang kainan don banda sa may parkingan ng mga motor. No choice ako, yan lang ang nakita kong bukas at kesa naman magutom ako diba?
"Wag ka na nga lang pumunta! Mamamatay ako sa subrang tagal mong piste ka eh. Bye, good night!" Sabi ko at akmang ibababa na nang biglang may maisip ako. "Mahirapan ka sanang tumae." Sabay baba ng tawag.
Para akong tangang tumatawa habang papunta sa kainan. Medyo marami pa ang tambay sa paligid at may mga sasakyan pa ang dumadaan.
Hindi pa ako nakakapasok sa loob nang may masagi akong babae na nakaitim. "Ay sorry po." Sabi ko nang makitang may nalaglag siyang gamit. "Sorry po talaga."
Tinulongan ko siyang pulotin ang mga gamit niya. Nagulat ako nang may napulot akong plastic na may dugo na agad naman niyang binawi sa akin. "O-okay lang." Aniya sabay takbo palayo.
Dugo? Bumili ba siya ng karne? Imposible naman, sarado na kaya ang karnihan dito.
Tiningnan ko ang daan kung saan siya nagmula. Madilim ang parting 'yon at makipot ang daan.
Walang anu-anong pumasok ako kahit 'di ko naman talaga alam kung saan papunta ang daan na tinutungo ko.
Hindi pa ako nakakalayo nang biglang nakarinig ako ng ungol na para bang nahihirapan at nasasaktan.
Sinundan ko lang ang ingay hanggang sa makarating ako sa— sementeryo!?
May nakita akong matandang dugoan sa ibabaw ng semento at itoy nakatingin sa—akin!? "B-bata..." Tawag nito sa akin.
"B-bakit po? Gusto niyo po ba n-ng tulong?" Tanong ko at unti-unting lumapit sa kaniya.
Ang bobo mo talaga, Zhiona! Malamang gusto niya ng tulong!
"Hindi na... Mamamatay din naman ako. Alam mo ba... Pangarap kong ilibing sa sementeryong to. Dito kasi inilibing ang anak namin." Pigil iyak niyang sabi. Umiwad ako ng tingin para pigilan din ang nagbabadyang luha.
"Yong a-asawa ko..." Sabi niya. Umiiyak na siya. "Mahal n-na mahal ko 'yon... Kahit p-pas-saw-ay." Nahihirapan niyang sabi.
"Halata naman po." Sabi ko. Ano ba, Zhiona! Pinagsasabi mong hinayupak ka! Tulongan mo si lolo.
"B-bantayan mo... S-si-ya, pap-para s... A-akin." Aniya at para naman akong robot na tumango.
Ngumiti siya sa akin bilang pagpapasalamat at unti-unti niyang pinikit ang mata.
Ngayon alam ko na, gusto niyang bantayan ko ang asawa niya dahil hindi niya na ito maproprotektahan. Kahit hindi ko kilala si lolo ay wala akong magagawa kundi bigyan ng proteksiyon si lola. Ang asawa niya.
Kailangan ko pa siyang hanapin.
Hindi kaya ang babaeng nakabangga ko ang gumawa nito kay lolo? Pero bakit? Sa buong buwan ng abril ay sunod-sunod ang nagagawang pagpatay sa lugar namin.
Walang pinipili, bata man o matanda, lalaki man o babae, may kapansanan man o wala, mayaman man o hindi. Ano ang rason?
Usap-usapan sa lugar na ito na noong hindi pa daw dumarating ang mga KLG (Killiliasis Light Gang) ay may namuong grupo daw dito na namamatay ng mga tao. Kung sino man daw ang babangga sa kanila ay automatic mamamatay at sila ang UFQ (Uriño Fami-Quill). Nabuwag lang daw ito at tuloyan nawala nong dumami ang gang sa lugar at hanggang ngayon ay hindi na nila alam kung nasaan.
"Zhiona, Run!" Sigaw na nanggagaling sa kung saan. Walang pagdadalawang isip na tumakbo ako sa kung saan at sinunod nalang ang mga sinasabi ng babae sa utak ko.
May mali... May komokontrol sa— Akin....
• • •
Don't forget to Vote and leave a Comment, i will read your concerns and feedback. THANK YOU! ^^
(WALANG EDIT!)
YOU ARE READING
Who Is The Killer? [U-Xozi Den]
Mystery / ThrillerBumagsak ang ulan, isang ritmo na tumutugma sa bagyo sa loob ni Zhionaea. Anino na lamang siya ng dating dalaga. Ang kanyang ina, wala na, kinuha ng kanser. Ang kanyang ama, nawala, hindi para magdalamhati, kundi para tumakas kasama ang kanyang k...