Zhiona POV:
• • •"Patay na siya." Wala sa wisyo niyang sabi.
Napatingin ako sa kaibigan na ngayon ay nanginginig at lutang na nakahawak sa cellphone niya.
"Sinong patay?" Tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin at umiling-iling.
"Patay na siya..." Bulong nito habang nakatingin sa akin. "Patay na siya, Zhiona. P-patay na s-siya..."
"Putangna! Sinong patay?" Pigil galit na sigaw ko sa kaniya pero umiling-iling na naman siya. "S-sino...?"
"Si Rena. Patay na siya, Zhiona." Sabi nito na dahilan para sampalin ko siya.
"Hindi 'to magandang biro Kelsey! Sa tingin mo ba natutuwa ako?!" Kunti nalang talaga bibirahan ko na siya.
Pinunasan niya ang kaniyang luha at matapang na tumingin sa akin. "Hindi... Hindi ako nagbibiro. T-totoo nga! Nakita siya kanina sa daan bandang alas ocho ng umaga. W-wasak ang k-kani-niyang tiyan a-at... B-basag ang b-bungo at m-mga buto n-niya." Nahihirapan niyang sabi.
"Hindi ko maintindihan—!"
"Patay na siya, Zhiona. PATAY. NA! Saan ba don ang hindi mo maintindihan?!" Biglang sigaw nito na hindi niya kailanmang ginawa sa akin.
"P-pupuntahan ko si Khent. Dito ka lang." Aniko at akmang tatakbo nang harangin ako nito.
May nararamdaman akong kakaiba kay Kelsey. Ang mga galaw niya ay hindi normal at para siyang balisa. Para bang may ginawang kasalanan.
"Wag mong sabihin sa kaniya, please..." Sabi nito sa lumuhod sa harap ko na never niya ding ginawa sa taang buhay niya.
Kahit na alam kong may ginawa siya ay hindi pa rin ako nagpahalata na nahahalata ko na siya. "Boyfriend niya si Khent, Kelsey. Dapat lang na malaman niya."
Hindi siya sumagot. "Ano bang problema, Kelsey? Sabihin mo sa akin at baka matulongan kita." Aniko at
"Ikaw ang problema. Tulong mo? Okay, just shut up." Sabi niya. Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako. "Sinasagad mo ang pasensiya ko!" Sigaw niya at tumayo.
Parang may naamoy akong... Kakaiba.
Tumawa ako."Sagarin pa natin." Biro ko na halata namang hindi niya nagustohan.
May binunot siya sa likod niya at alam ko kung ano 'yon. "Eh kung sagarin ko 'to sa tiyan mo?" Anito, tinutukoy niya ang kutsilyo niyang marami nang napatay.
Paano ko nalaman na marami nang napatay? Nandon lang naman ako sa gilid-gilid sa tuwing may pinapatay siya.
Alam kong hindi niya magagawang patayin si Rena para lang sa mababaw na dahilan. Ano nga ba ang dahilan mo Kelsey at nagawa mong patayin ang pinakamatalik mong kaibigan?
"Sige, isagad mo dito oh." Sabi ko sabay turo sa pinakagitna ng tiyan ko. "Kalikutin mo rin katulad nong ginawa mo kay Rena." Aniko na agad niyang ikinagulat.
Hindi naman ako tanga para isiping hindi siya ang pumatay. How many times did I hear them fighting just because of that one boy? A hundred times? Tyaka inaasahan ko na din 'to.
"How did you know?" Nababalisa na naman siya. Kinakalmahan lang 'yan eh.
Kanina pa kita nahahalata. Tatanga-tanga kasi...
"Alam mo ba kung sino ang kaharap mo?" Tanong ko na nagpaawang sa bibig niya.
"Tanga ka ba? Malamang! Ikaw si Zhiona." Natatawa niyang sabi sabay hampas pa.
Kaya mong tumawa ngayon... Pero sa susunod sisiguradohin kong iiyak ka naman.
"Ako tanga? Ikaw ata. Panong hindi ko malalaman? Eh kanina pa kita nahahalata." Pag amin ko sa kaniya.
Tumawa siya. Kakaiba sa tawa niya kanina. "As expected! Your such a smart person Zhiona." Anito at inakbayan ako.
Hinayaan ko lang ang kamay niya na nakaakbay. "Yeah, I know." Proud na proud kong sabi. Dapat lang na maging proud ako sa lagay kong 'to.
"Isunod mo kaya ako kay Rena?" Suhestiyon ko sa kaniya.
Kung ang mukha niya kanina ay balisa, parang tanga, hindi mapinta at kunot noo. Ngayon? Wala ng buhay ang nasa mukha niya.
Alam ko namang may kailangan ka sa akin Kelsey kaya gustohin mo mang patayin ako ay hindi pwede.
Malaman ko lang talaga kung ano ang dahilan mo.
"Lets go." Anito at naglakad papalayo na para bang walang nangyari.
Sino ka ba talaga, Kelsey?
At...
Ano nga ba ang ginawa mo?
• • •
Halo! Walang edit-edit na ni HAHAHA
SALAMAT SA PAGBABASA ^^
Don't forget to Vote and Comment your concerns and feedback.
YOU ARE READING
Who Is The Killer? [U-Xozi Den]
Misterio / SuspensoBumagsak ang ulan, isang ritmo na tumutugma sa bagyo sa loob ni Zhionaea. Anino na lamang siya ng dating dalaga. Ang kanyang ina, wala na, kinuha ng kanser. Ang kanyang ama, nawala, hindi para magdalamhati, kundi para tumakas kasama ang kanyang k...