[2]

32 15 0
                                    

Zhiona POV:
• • •

Nakakapagtaka lang... Hindi kasi nila alam na patay na si Rena, ang tanga naman nila.  Boyfriend si Khent pero 'di niya alam? As-in? Kahit kalat na sa school na patay na si Rena parang normal lang 'yon kay Khent nong mga nakaraang araw.

Ano ba ang nangyayari? Ba't parang 'di nila alam?

Ano na naman ang ginawa mo? Kelsey...

"Oh, ate Zhiona!" Tawag sa akin nong batang babae na palagi kong binibigyan ng lollipop pero 'di ko pa rin alam kung ano ang pangalan.

Lumapit ito sa akin. "Sorry ha? Pero wala kasi akong dala." Aniko sabay yuko para mapantayan siya. "Tumakas lang kasi ako sa hospital." Bulong ko na ikinagulat niya.

"P-po? May sakit ka po ba? Ba't ka tumakas?" Tanong nito sa akin at pinakiramdaman ang nuo ko.

"May nangyari kasi kanina." Aniko at tumingin sa tumunog na bracelet na nasa kamay ko. "Aalis na ako. Sorry ha? Sa susunod magdadala ko ng marami." Aniko sabay tap sa ulo niya na gustong-gusto niyang ginagawa ko.

Lumaki ang mata niya at malapad ang ngiting tumingin sa akin. "Talaga po?"

Tumango ako. "Oo. Mauna na ako ha? Mag-iingat ka." Sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin nito at agad nang tumakbo paalis.

Kinabahan ako dahil lumalakas ang tunog ng bracelet na nasa kanang kamay ko.

Red light... Danger!

"Zhiona, run!" Sigaw ng kung sino pero hindi na ako nag-abala pang hanapin ang sumigaw at tumakbo nalang ng mas mabilis pa sa normal na takbo.

Lumiko ako sa may lumang building dahil sa likod nito ay may short cut papuntang tambayan ni Anastasia o mas kilala bilang unknown acer.

"Wag kang lilingon!" Sigaw pa nong sumigaw kanina. Sinunod ko nalang ulit ang sinabi nito at hindi lumingon.

Nang makarating ako sa tambayan ni Anas ay agad akong pumunta sa loob at pumunta sa cr nito. Tumapak ako sa bowl at kumapit sa may shower para maabot ang pinto ng secret room niya.

Alam kong nakapasok na sa loob ng tambayan ni Anas ang taong gusto akong patayin at ngayon ay naghahanap na sa akin. Ramdam ko na papalapit na siya sa cr at bago paman niya mabuksan ang pinto ay nakapasok na ako sa itaas.

"Ang kulit mo talaga." Si Anas. Kahit hindi ko siya lingonin ay alam kong hawak-hawak na naman niya ang mahiwaga niyang remote na nakakonekta sa bracelet ko. "Mabuti nalang napindot ko kaagad. Nakipag-usap ka pa talaga sa bata." Sermon niya sa akin.

Nilingon ko siya at nginusoan. "Sorry na..." Parang bata kong sabi. Palagi nalang siyang ganito.

Siya ang napili ni mama na magbabantay sa akin bago ito namatay. Magaling daw kuno sa computer 'to na hindi ko naman alam kung ano ang konek sa akin. Siguro dati akong robot na need ng lambing.

"Don't look at me like that, Zhiona." Aniya sabay bato sa akin ng unan. "I know that look." Aniya na parang kilalang-kilala niya ako.

Ba't ko nga ba naging kaibigan ang nonchalant na 'to? Ah, dahil nga hacker siya. Pareho kaming hacker non nong naging kaibigan ko siya. Nong una ayaw pa akong tanggapin pero nong sinabi kong kaibigan ko ang crush niya, putangina hinabol ako.

Who Is The Killer? [U-Xozi Den]Where stories live. Discover now