[7]

10 7 0
                                    

Zhiona POV:
•  •  •

"Who is that bitch?" Tanong ko kay Kelsey.

Kanina kasi habang nagda-drive ako ay bakatanggap ako ng mensahe galing sa kaniya. Sabi niya may sagabal na naman daw, eh wala naman akong pake.

Wala nga ba?

Umirap siya. "That Anas." She said before turning her back.

Nagulat ako sa sinabi niya. "Sino?"

"Hindi ako updated na hindi ka na pala nakakarinig." Aniya na ikinataas ng kilay ko.

This is the reason why I don't like this woman. Very much.

"Don't you ever touch her, Kelsey." Banta ko sa kaniya. Alam naman niya kung ano ang kaya kong gawin.

"Weak." Bulong niya na hindi nakatakas sa pandinig ko.

Oh, yeah, describing herself?

Naglakad siya papunta sa kung anong daan na malapit lang naman. Pagdating namin doon ay nakita ko si Anas na nakatali sa kahoy. Wtf?!

"Hoy, narinig ko ang sinabi mo!" Sabi niya sabay taray sa akin.

Nilapitan ko siya at kinaltukan sa ulo. "Malamang, may tainga ka."

"Tsk." Si Kelsey.

Tumingin si Anas kay Kelsey. "Ikaw naman bugwita! Patas na laban ang gusto ko!" Tenatry niyang tanggalin ang pagkakatali sa kamay niya pero sa subrang higpit nito ay hindi niya magawa.

Bumuntong hininga si Kelsey. "Ayaw ko ng laban may gusto lang akong ipagawa sa 'yo."

Agad namang naglapit ang dalawang kilay ni Anas. "Aba! Anong akala mo sa akin, tauhan mo?"

Para akong tangang nakatingin sa kanila habang sila namang dalawa ay nagpapalitan ng masamang tingin.

"Fine! Ano ba gusto mo?" Pagsuko ni Anas.

Binalingan ako ng tingin ni Kelsey kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Tanggalin mo yung pagkakatali." Aniya sabay turo sa kamay ni Anas.

Tauhan din ba ako dito?

Wala akong nagawa kundi ang sundin nalang ang utos niya para makauwi na din. Hindi ko nalang muna itutuloy paghahanap ng clue kainis kasi 'tong dalawa.

Pagkatapos kong tanggalin ang pagkakatali ay umayos ng tayo si Anas. "Alam mo bang mahal ang sahod ng mga tauhan ngayon. Pero maswerte ka dahil free sa'yo."

"Layuan mo si Khent."

Napatingin ako kay Anas. Ineexpect ko na magagalit siya pero shota! Nakangisi siya. May sapi ba 'to?

"Okay! Yun lang pala eh." Sabay tingin sa akin. "Tara na Z." Sabay hablot sa buhok ko.

Pagdating namin sa kotse ko ay agad ko siya tinampal. "Kung makahablot ka naman sa buhok ko, parang ikaw yung may-ari."

Pinandilatan niya ako ng mata. "Baka nakakalimutan mo yung pinahabol mo ako sa aso mong si Digong."

Napatawa nalang ako at papasok na sana sa loob pero agad din niyang hinablot ang buhok ko.

Na naman?!

"Ano ba?!"

"Ako magda-drive."

"Ay, hindi. Ayaw ko pang —"

"Too late! Sakay na!" Aniya nang makapasok siya sa loob.

Umiling ako. "Mamamasahe nalang ako."

Hinablot na naman niya ang buhok ko. Sumusubra na 'tong bruhang 'to. "Naranasan mo na bang mawalan ng brand new car?"

Hala! Oo nga. Four months ko palang 'tong kotse. Wag naman sana.

Nagmamakaawa kong tiningnan si Anas. "Alam kong mabuti kang tao."

"Walang mabuti sa panahon ngayon kaya sumakay ka na. Mas malaki pa ang chance na makita mo si San Pedro."

"Alam—"

Tinutukan niya ako ng baril. Seryuso? "Sasakay ka o sasakay ka? Mamili ka ng maayos."

Wala akong nagawa kundi ang sumakay nalang. Kapait na kapit ako sa seatbelt habang hindi makatingin ng diretso sa kalsada.

Hindi na ako uulit!! Promise...

"Why are you looking at me like that?" Ay wow, ang galing niya na mag English. Parang kahapon lang tinatanong niya ako kung correct na ba ang essay niya.

Ugh! This woman is getting into my nerves. "Sa nakikita ko ngayon, mukhang kompleto pa naman ang buhok ko." Aniko at hinawakan ang pula kong buhok.

Inirapan niya ako. "Ang pangit naman." Bulong niya.

"As if maganda yung buhok niya." Bulong ko.

"Heh!" Naglakad siya papuntang kalsada. "Babush." At umalis na siya na para bang walang nangyari.

Maglalakad ako ngayon pauwi? Alam niyo ba kung ano nangyari? Malamang hindi! Ayun nga, nawalan ng gas ang kotse ko tas subrang layo pa ng condo kaya literal na mamamasahe ako ngayon. Si dad nalang ang bahala sa kotse ko tutal siya rin naman nagbigay niyan na naging sanhi ng pagdami ng problema ko sa buhay. Oo te, gas is my big problem. May pera naman ako kaso sayang kung igagastos ko lang para sa gas kung pwede namang lakarin.

Hindi naman ako tamad maglakad, pero ngayon? Gusto ko nalang umuwi at humiga sa malambot kong kama.

Nagpara ako ng kotse at sakto namang huminto ang itim na sasakyan sa harap ko. "Sorry, bawal pumarking sa lugar na 'to." Sabi ko nang bumukas ang bintana ng sasakyan. Malamang! Kalsada 'to eh. Hindi pwede magpark dito.

Ngumisi lang siya. Luh! Parang tanga.

"Miss, aso ka ba?" Tanong nito at tiningnan ko lang siya.

Yawa, mukha ba akong aso? Hindi naman siguro!

Mukhang naghihintay si kuyang adik sa sagot ko. "Bakit?"

"Kasi ang ganda mo."

"Luh, nasan yung aso don?"

"Nasa harapan ko."

Aba, demunyo 'to ah—

Nagulat ako nang biglang may tumunog ng malakas kaya napatingin ako sa kung saan at... Nako, malaking problema.

Nabangga lang naman ang kotse ni pareng adik. Pero hindi ako nanghihinayang sa sasakyan ni adik, sa sasakyan ni rich-boy o kung-sino-mang-hampaslupang 'yan ako nanghihinayang. Imagine Lamborghini?!

Lumabas ang anghel— "Sa kalsada pa kayo naglalandian." Binabawi ko na pala ang sinabi ko. Mas demunyo pa pala 'to sa pinakademunyong tao na nakilala ko.

Ako? Makikipaglandian sa adik? Gross, kasuka! Mas pipiliin ko nalang magrugby at maging palaboy sa kalsada.

Lumayo ako sa kanila at baka mahawa pa ako sa virus na dala nila. Kakainis, ba't ba kasi nagkalat ngayon ang mga galing sa mental hospital?

Tiningnan ko ang cellphone ko nang tumunog ito. "Ate, kung nasaan ka man umuwi kana! Nasagasaan ang aso mo." Basa ko sa chat ni Xav.

Kanina sama ng loob ang dala ko. Ngayon? Subrang sama na na may halong kalungkutan.

•  •  •

VOTE and COMMENT your concerns and feedback about this story.

THANK YOU FOR READING ^^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 4 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who Is The Killer? [U-Xozi Den]Where stories live. Discover now