Zhiona POV:
• • •"Ang tamlay mo ata ngayon?" Sabi ko nang makitang tulala na naman ang kaibigan kong si Xav.
Kanina pa siya tudo buntong hininga at minsan naman ay umiiling ito na para bang may pumapasok sa isip niya na hindi niya maintindihan.
"Nakita mo na ba yung news?" Tanong nito sa akin at napahilamos sa kamay niya.
Anong news?
"What's the news?" I asked, grabbing my phone from beside me to check Facebook.
I was greeted by a ton of notifications and messages, something I rarely receive. Ano na naman ang kailangan nila?
"S-si—"
"Bad news na naman?!" Sigaw ko dahil sa inis. Nalaman ko na agad na hindi magandang balita dahil sa tuno ng boses niya.
Mapait siyang ngumiti. "Wala na naman akong nagawa. Wala akong kwentang tao." Aniya.
Kilala si Xav sa lugar namin dahil marami na siyang nasagip na buhay, bata man o matanda, mayaman man o mahirap. Wala siyang pinipili.
Pag talaga may nababalitaan siyang hindi maganda sarili niya agad sinisisi niya, like what the fuck?! "Hoi! Baliw ka ba?! Ang laki nga ng ambag mo sa l—"
"Ssshhhh.. ingay nito." Sabay irap.
Luh?
Bumuntong hininga na naman siya. "Tumawag sa akin si kuya Kosit, may natanggap na naman daw silang banta galing sa bagong grupo na sikat ngayon." Aniya na ikinabuntong hininga ko rin.
"Pansin ko lang, ang dami nang grupong nagsisilabasan ngayon. Pinapauso lang ba nila o pare-pareho lang talaga ang ulo ng mga grupo?"
Tumingin siya sa relo niya. May hinihintay ba 'to? "Siguro yung ibang grupo ay membro din ng greenwardom noon. Kilala ang grupo na yon noong panahon nila lolo. Wala naman daw nang balita sa mga tauhan ni Green dahil bigla nalang daw itong nawala." Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko. "Don't overthink too much. Sige ka, papangit ka niyan."
Hinampas ko siya pero agad niya rin namang naiwasan. Grabi talaga ang speed ng lalaking 'to.
Kumaway siya sa akin. "Bye! See you on Monday!" Aniya at tumakbo.
Tumalikod ako at naglakad papalayo sa istambayan namin ni Xav. Magkaiba kasi kami ng daanan papunta ng kaniya-kaniya naming bahay. Pero kahit malayo ay one call away lang siya kahit nga pagbili ng napkin kaya niya.
"Anas, kailan ba kita naging secret admirer?" Tanong ko at lumingon sa likod. Kita ko kasi siya kahit nakatalikod. Ewan ko kung bakit, basta talent ko ata yun.
Tumikhim siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Assuming." Tyaka nangunot ang mukha. "Nakakadire!!!!"
Tinarayan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Alam kong nakasunod siya sa akin at alam ko rin na may kailangan siya. Siya susunod sa akin ng wala lang? Tsk! Impossible.
"Ano ba kailangan mo?" Tanong ko habang siya naman ay nasa likod ko.
Rinig ko ang pagtawa niya. "Ahehe, alam mo ba—"
"Hindi ko alam at kung may tsismiss kang dala, sa 'yo na yan. Your welcome."
Hindi niya ako tinigilan at kinulit niya ako hanggang sa makarating ako sa condo ko. Kanina ko pa siya pinipilit na umalis pero tudo iling lang siya.
Alam kong hindi niya ako titigilan hanggat hindi ako makikinig sa dala niyang "tea" daw, eh hindi naman naiinom. Wala akong nagawa kundi ang makinig sa kwento niya.
About kanino? Aba, syempre! About sa crush na naman niya. Kailan kaya balak magmove-on nito? Alam niyang nasa healing process pa yung crush niya dahil sa pagkamatay ni Rena.
"Diba nakakakilig?!" Aniya. Ang tinutukoy niya ay ang pinadala daw niyang sing-sing.
Pakasal agad? Ang creepy naman nito! Alam ko pa naman na balak ng magjowa na yun na magpakasal this month pero hindi natuloy dahil sa nangyari nga kay Rena.
Pilit ako tumawa sa kabaliwan niya. Kaibigan ko ba 'to? "Ah... Hehe, oo. Ang galing mo nga eh. Akalain mo, makakasal na din kayo sa wakas." Aniko.
Huminto naman siya sa kakangisi at napahinto din ako. Grabing mood swing ang meron kay Anas. "Sinusuportahan mo ba ako sa kabaliwan ko?" Tanong nito.
"Mukha bang hindi?"
"So sinasabi mo ring baliw ako?"
"Tangina, wala akong sinabi!"
"Hindi, sinabi mo eh!"
Tumakbo ako papasok sa kusina at sinundan niya naman ako. "Wala talaga akong sinabi!"
Tinaliman niya ako ng tingin. "Rinig kitang gago ka!"
Bad words? Normal lang samin yung magkaibigan. Parang love language na namin ang batuhan ng masasakit na salita.
"Alam mo hindi ka magugustohan ng crush mo!" Emotional damage. Aba, kung makapag-salita naman 'to kala niya naman gusto siya ng crush niya.
Ang sakit non...
"Unggoy ka! Ikaw din." Binato ko siya ng kutsara at binato niya naman ako ng luwag.
Binato ko siya ng baso at binato niya naman ako ng plato.
Binato ko siya ng spatula pero... What the? Kutsilyo?!
Inilagan ko yun at hindi makapaniwala siyang tiningnan. "Yawa! Balak mo ba akong patayin?"
Humihingal siyang tumingin sa akin at napakamot ng ulo. "Sorry, kung ano lang kasi ang madampot ko—"
"Haizzz... Tangina mo!" Ngayon ako naman ang humahabol sa kaniya papunta sa sala.
Pagdating namin don sa sala ay nakita ko si Digong, aso ko. Pinalapit ko ito sa akin.
"Habulin mo si Anas hanggang sa intrans." Bulong ko kay Digong. Si bruha naman ay nakaamoy nang kung ano at bigla nalang tumakbo.
"Humanda ka sakin Zhiona!" Rinig kong sigaw nito na ikinatawa ko. Babaeng yun talaga.
Hindi ko natanong sa kaniya kung bakit niya nagawang iwan yung tambayan niya. Napapadalas na din siya sa university namin.
Dumadamoves na ata ang beshy ko. Hindi na ako magtataka kung bukas makalawa mabalitaan ko na naka-inom si Khent ng "love position" daw kuno ni Anas.
Hindi naman ako na-inform na may lahi pala si Anas na aso. Kaya pala habol nang habol si aish... Bakit ko nga ba iniisip 'to? Dapat ang iniisip ko ngayon ay si Kelsey at ang kumokuntrol dito.
Mabuti pang simulan ko na ang paghahanap ng clue. Pwede ko pa namang kausapin si Kelsey kasi nga ramdam kong hindi niya ako kayang patayin hanggat walang may iniuutos galing sa taas.
"Mag-antay kayo." Bulong ko at kinuha ang itim na jacket at susi ng kotse.
Simula? Yes... SIMULA.
• • •
Don't forget to vote and comment your concerns and feedback.
THANK YOU FOR READING ^^
YOU ARE READING
Who Is The Killer? [U-Xozi Den]
Mystery / ThrillerBumagsak ang ulan, isang ritmo na tumutugma sa bagyo sa loob ni Zhionaea. Anino na lamang siya ng dating dalaga. Ang kanyang ina, wala na, kinuha ng kanser. Ang kanyang ama, nawala, hindi para magdalamhati, kundi para tumakas kasama ang kanyang k...