Chapter 11

93 6 4
                                    







Maingat na tinawag ni Jafiro ang kaniyang Fairy.  Lumitaw ang  isang lagusan kasabay naman lumabas ang Fairy na halata kakagising pa lang.

“Master may kailangan ka ba?”

Nanginginig ang kamay ni Jafiro habang itinuro ang nilalang naka upo sa truno.

“Master bakit tela nakakita ka dyan ng multo sa itsura mong yan?” natatawang sambit habang tinatakpan ang bibig ng munting nilalang.

“Tu-Tumingin ka Doon,” mahinang sambit ni Jafiro na halos na parang hihinto na Ang tibok ng puso.

“Hay naku matatakutin talaga itong Master, asan ba dyan? Wala na-na...”

Bumagsak ang kamay ng munting nilalang, ang masayang mukha ay napilitan ng pagkatulala. Paulit ulit na sinambit ng munting nilalang ang katagan “Paano?“ at “Imposeble”  hindi akalain sa tanang buhay nito, awtual niyang makikita ang isang pambihirang nilalang.

“Hindi ako maaari magkamali Master. Ang nakaupo sa truno ay isang tunay na elf "subalit wala na itong buhay. Kahanga-hanga mapahanggan ngayon ay nanatiling maayos ang katawan nito.”

Ang nakaupo sa truno ay matangkad, matulis ang tenga na may nakasabit na dyamate na kulay berde. Nakakatakot pagmasdan ang kabuohan nito lalo na ang ekrespyon napapikit ang nilalang na ito.

Kapansin pansin ang dahon nakapatong sa palad ng nilalang. Pinalilibutan ito ng kinang na mula sa nagyeyelong malaking dahon kung saan bumagsak si Anami.

Napaatras ang dalawa na simula kumilos ang kamay ng elf kasabay ang mabigat na aura kumawala mula sa palad nito.

Nataranta ang fairy na lumikha ng panangga na sapat sa kanilang dalawa, tuluyan niya nabuo ang panangga at sakto na tumama sa kanilang direksyon ang aura ng elf.

Nanginginig ang panangga likha ng fairy sa malakas na alon ng aura. Nang humapa ang alon at Doon lang sila nakahinga ng maluwag.

“Akala ko ba patay na ang isang yan. Niluluko mo yata ako, Sha.”

Nabasag ang panangga saka tumilapon ang fairy ngunit ginamit niya ang kapangyarihan upang pigilan ang patuloy na pag tilapon.

“Mawalang galang po. Hindi ko inaasahan ang pangyayari ito, sigurado ako patay na ang nilalang na iyong base sa nilabas na aura nito!”

“Tahimik,” kinakabahan sambit ni Jafiro.

Ang tanging nasa isip nilang dalawa ang kaligtasan ni Anami. Hindi na nila alam kung ano ang gagawin sa pagkakataon ito. Makatakas sila sa Snow Storm subalit mas malala pa ang kanilang sasapitin sa loob ng kweba.

Samantala nagising si Anami na masakit ang ulo. Subrang bigat ng kaniyang katawan, hindi niya maunawaan kung bakit. Napasigaw na lang siya sa subrang sakit

Kusa lumitaw ang magic circle na kulay itim sa paanan at ibabaw ng ulo ni Anami. Ang kulay itim na magic circle hindi naglaon ay naging kulay berder na dumapo ang aura ng elf sa katawan ni Anami.

“Hindi ko na kaya subrang sakit....!” tanging na sambit ni Anami.

Lumutang si Anami na kapantay ang nasa truno. Nabasag ang nagyeyelong dahon na huminto sa pagkilos ang kamay ng elf.

Ang dahon ay dahan-dahan naging bahagi ng enerhiya ng elf at hindi inaasahan hinigop ito ng katawan ni Anami ang natural na enerhiya ng elf.

Lumutang ang dahon nasa palad ng elf, sa kisap mata dumikit ito sa palad ni Anami na mas lalo nakaramdam ng sakit siya.

“Parang sasabog ang katawan ko, tu-tulungan niyo....ako!”

Tuluyan bumigay ang katawan ni Anami na naging dahilan na walang siya ng malay. Nag mulat mata si Anami ngunit purong puti na ito.

“Master ang bangkay ng elf ay dahan-dahan naglaho!”

“Anong nangyayari?”

Mabilis lumipad ang fairy patungo Kay Anami upang malaman ang kalagayan nito. Hindi magawang nakalapit ng tuluyan ang Fairy sapagkat parang may pumipigil sa kaniya na hindi nakikitang pader na nakapalibot Kay Anami.

“Hindi kaya i-” Tumilapon ang Fairy na kumawala ang marahas na enerhiya mula sa pader.

Kinontrol ni Jafiro ang kadiliman upang saluhin na hindi nasasaktan ang kaniyang Fairy.

“Ayos ka lang Sha?”

Umiiling ang munting nilalang.

“Mas mabuti bumalik ka na lang sa mundo mo Sha.”

Lumitaw ang lagusan kusa hinigop ang Fairy papasok dito. Napalingon si Jafiro sa direksyon ni Anami.

“Anami?”

Nakalutang isang nilalang na mahalintulad sa elf, mahaba ang buhok na hanggan beywang na kulay gray.

Walang ibang nilalang ang nandoon bukod sa nilalang nakita ni Jafiro.

“Anami ikaw ba yan?!”

Parang isang babae elf ang kabuohan ng panibagong anyo ni Anami. Dahan-dahan nagmulat mata siya. Hindi maiwasan ni Jafiro na manginig na magtama ang kanilang mata sa isa't isa.

Kasing lamig ang mata nito na kulay bughaw, kahit sino ang tumitigi dito ay makaramdam ng panginginig.

“Anong nangyayari?”

Hindi sumagot si Jafiro, nanatili nakatayo sa kaniyang kinaroroonan.

“Jafiro sagutin mo ang tanong ko,” nalilito sambit nito.

“Anami mukhang mahihirapan ka tuklasin ang iyong tunay na pagkatao sa mundong ito.”

Hinawi ni Anami ang hindi nakikitang pader na naging sanhi na wala ang besa nito ng tunay na may likha ng pader.

“Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan.”

“May panibagong anyo ka na naman, pagmasdan mo ang iyong sarili sa pamamangitan nito!”

Ikinumpas ni Jafiro ang kamay sa direksyon ni Anami. Lumitaw doon ang malaking salamin.

Natulala nakatingin si Anami sa salamin habang maingat na hinawakan ang mukha.

“Nanaginip yata ako?”

Ngunit napagtanto ni Anami na tunay ang nangyari nang nakaramdam siya ng sakit nang pisilin niya pisnge niya mismo.

Biglaan lumindol at nagsisimula na mahulog ang mga bato mula sa itaas.

“Umalis na tayo ngayon din!” 

Nagmamadali tumakbo si Jafiro palabas ng kweba at ganoon din si Anami na nagtataka.

Sa kanilang paglabas sa kweba kasabay naman bumagsak ang kweba sa ikalaliman ng lupa hanggan sa wala sila matanaw na kahit katiting na bakas ang na iwan.

“Anami nasa iyo ang kapangyarihan ng isang elf ,kaya nag bago ang iyong wangis. Hindi ko alam kung ano naghihintay sa atin.”

“Elf?”

Tamango si Jafiro, sinimulan i kwento ni Jafiro ang nangyari mula nang matagpuan si Anami na walang malay hanggan sa kanilang paglabas sa kweba.

Matapos malaman ni Anami ang nangyari. Hindi na niya alam kung paano maibabalik ang tunay niyang wangis sapagkat hindi siya pamilyar sa kakayahan ito.

Hindi basta basta Unknown summoner si Anami sa pagkakataon ito. Kahit sino maluluko niya na kabilang siya sa mundong ito sa pamamangitan ng bagong kakayahan.

“Anami huwag mo kalimutan ang pinunta natin dito. Nag alala ako sa iyo baka maligaw ka ng landas sa oras na makita ka ng mga naninirahan sa mundong ito.”

Napagtanto ni Anami ang nais gusto iparating ni Jafiro sa kaniya. Naalaala niya ang tungkol sa mga guhit. Nanglaki ang mata niya sa kaniyang na isip na impossibleng mangyari sa kaniya.

“Hindi maaari ito, may panibagong problema na naman ako kakaharapin sa mundong ito...!”

Kumawala sa katawan ni Anami ang malakas na enerhiya na umalon sa kapaligiran. Ang bawat natatamaan nito ay nagyeyelong mala crystal.






The Young Summoner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon