Chapter 8

105 8 0
                                    



Hinarang ko ang kamay ko at doon tumama ang malakas na kidlat halos bumaon ako sa lupa. Lumitaw sa paanan ko ang magic circle. Nahihirapan ako pigilan ang sunod sunod na kidlat.

Hindi sila makalapit sa akin maging ang may-ari ng atake ay walang nagawa kung hindi tumingin lang sa akin.

Nag liwanag ang magic circle maging ang mga mata ko. Lumakas ang ulan ng niyebe sabayan pa ihip ng hangin. Walang nakakaalam kung ano ang nangyayari maging ako man, ngunit umaasa ako maipapaliwanag sa akin ito ng light Summoner.

Bumagsak  ang kamay ko matapos na tumama ng huling kidat sa palad ko. Naglaho ang magic circle at bumalik sa normal ang mga mata ko na kulay bughaw.

Kapansin-pansin ang usok na nagmula sa akin pwesto. Napa suka ako ng dugo. Hindi ko ma igalaw ang paa ko.

“Zamira anong ibig sabihin nito?!” galit na tanong ni Kuya Zeus.

Lumapit si Kuya Zeus sa akin. Pilit niya ako inalis ngunit hindi siya nag tagumpay masyado bumaon ang paa ko sa lupa.

“Ana-”

“Kuya Zeus huwag mo banggitin ang pangalan ko. Anima ang itawag mo sa akin,” mahinang sambit ko na sapat na siya lang ang makarinig.

Tumango siya, ginawa niya ang lahat ng paraan para maalis ko ngunit hindi siya nag tagumpay.

“Patawad sa nagawa ko. Hindi ko sinasadya saktan ang batang iyan. Nagulat lang ako at hindi ko makontrol ang nakahanda atake ko nanatili sa mga ulap.”

Malapit na bibigay ang katawan ko. Sa isang iglap hindi ako makagalaw maging ang tibok ng puso ko huminto.

Para ako namatay muli ngunit hindi ko maintain kung bakit nanatili gising ako. Bumagsak ako sa lupa kasabay nawalang ako ng malay, hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Nagising ako sa ingay ng ibon. Inilibot ko ang paningin ko. Dahan-dahan ako bumangon mula sa pagkahiga.

Nakaupo si Kuya Zeus sa patay na puno sa hindi kalayuan habang kausap nito ang babae si Zamira.

“Mabuti nagising ka, Anima. Kumusta ka?”

Napalingon ako sa nag salita. Seryuso ang mukha ni Erela halata mula ito sa seryusong usapan.

“Medyo ayos naman ako. Nasaan ako?”

“Nandito ka pa rin sa Ghost City ngunit nasa bahagi tayo kung saan walang buhay ang umiiral.”

“Sabihin na natin dito nag simula ang sumpa sa amin ng isang Guardian.”

“Bakit mo sinasabi sa akin ito? Wala naman ako kinalaman sa inyo.”

Guardian? May bigla ako naisip na hindi ako sigurado kung tama ba ang hinala ko. Ngunit wala ako balak sabihin sa kahit kanino.

“Dahil kagaya mo kami. Ayon kay Zeus ikaw ang bagong naninirahan sa Ghost Forest. Ngunit hindi ko alam, bakit hindi kita nakita sa mga pangitain ko.”

“Siguro dahil bago lang ako. O nga pala Ate Erela, na hanap niyo na ba ang kapatid ng babae?”

Malungkot na umiiling si Erela. Hindi ko makita ang tatlong kasama niya.

“Kasalukuyang hinahanap  ng mga kasama ko ang naiwan bakas ng kapatid ni Zamira.” dagdag niya “Mabuti walang problema sa Ghost City, kasalukuyang protektado ng mga Summoners lanan sa Dark Summoners.”

Hindi ko pinansin si Erela, patuloy pa rin ito sa pagsasalita. Maingat ako nag tungo sa kinaroroonan ni Kuya Zeus. Hindi nila napansin ang presensya ko.

The Young Summoner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon