Na alerto si Jafiro na naramdaman ang panganib na paparating sa kanilang direksyon.
“Anami kailangan natin makalayo sa lalong madaling panahon,” natatakot na sambit ni Jafiro.
Hindi sumagot si Anami, kasalukuyan ito hindi kumikilos habang nanglalaki ang mga mata.
Lumapit si Jafiro sa kaniya saka hinawakan ang kamay sabay hila. Wala sa sarili nagpaubaya si Anami habang tumatakbo sila patungo sa kung saan.
Kahit nalilito si Jafiro nagawa niya tahakin ang tamang landas, maraming panganib ang nagkalat sa kagubatan. Ang tanging hiling ni Jafiro ay makahanap ng ligtas na lugar. Ngunit paano Hindi niya alam ang pasikot sikot.
“Shannel lumabas ka!” sigaw ni Jafiro.
Lumitaw ang lagusan kasabay lumabas ang munting nilalang.
“Master ano na naman sadya mo sa akin?”
Sinamaan ng tingin niya ito. “Lumipad ka sa himpapawid para makita mo ang ligtas na lugar,” nanginginig ang kamay ni Jafiro.
Kahit nahihirapan ang munting nilalang lumipad sa eri, nagawa pa niya gamitin ang mahika nito.
Sa tulong ng Fairy ni Jafiro nakatakas sila sa panganib. Dahan-dahan bumalik si Anami sa dati niyang anyo na hindi namalayan.
Lumipas ang tatlong araw na puro takbo at tago lang sila. Kung minsan nakikipaglaban sa mga halimaw nakakasalubong nila.
Tulala nakatingin si Anami sa kaharian ng North Anima. Maraming mga tao ang nandito ngunit lahat ay bihisa sa mahika ng yelo.
Sa pag tapak nila sa teritoryo ng kaharian dahan-dahan nanumbalik ang tunay na wangis ni Anami. Habang sila sa kakatingin sa palibot.
May lumapit sa kanila na dalawang bantay.
“Mukhang bago lang kayo dito ah?” sambit ng bantay.
“Tama ka dyan Omar. Bago lang ang mga yan sa Kaharian at ngayon ko lang nakita sila.”
Hindi alam ang isasagot ni Jafiro. Hindi naman siya sanay makipag usap.
“Tama. Hindi kami taga dito. Subalit pahintulutan niyo kami nakapasok mula kami sa malayong lugar.”
Nagakatinginan ang dalawang bantay.
“Paumanhin Ginoo. Ngunit maaari ba Namin Makita ang inyong mahika? Paumanhin kami ay naninigurado upang maiwasan na may makapasok na kalaban.”
Hindi nag dalawang isip si Anami na ipakita ang magic circle sa kaniyang palad. Namangha ang dalawang bantay.
Hindi nag pahuli si Jafiro ipakita ang kaniyang mahika sa ibang paraan na may kaugnay sa mahika ng yelo.
“Sa nakikita namin kayo ay nasasakupan ng kaharian sapagkat ang iyong mahika ay kabilang sa North Anima Kingdom. Maaari na kayo pumasok ngunit pinaalalahan ko kayo na huwag gumawa ng gulo,” ngiti ng paliwanag ng bantay.
Hindi pa man sila nakalayo.
“O nga pala mag tungo kayo sa Winter Garden upang magparehistro. Huwag niyo kalimutan mahalaga ang bagay na yan!” sigaw ng bantay sa kanila.
Nagpatuloy ang dalawa na walang alam kung saan sulok na sila ng kaharian. Mahiyain si Jafiro kaya si Anami na mismo ang nag tanong. Sa tulong gabay ng karamihan nahanap nila ang winter garden.
“Wow ang ganda, mala crystal ang mga bulaklak ng halaman. Sa tingin mo, masungit kaya ang Winter Master?”
Hindi sumagot si Anami sa halip pumasok na siya at sumunod na lang si Jafiro.
“Maligayang araw sa atin lahat. Nais ko ipaalam sa inyo isasara ko na ang winter garden sa mga may balak magparehistro,” paliwanag ng babae.
“Isasara?!” sigaw ni Anami.
Napalingon sa kaniya ang lahat. Nagtataka tumingin.
“Sino ba ang dalawang yan? Ang lakas ng loob sumigaw dito sa Winter Garden.”
“Lagot baka magalit niya ang Winter Master tiyak na mapaparusahan sila.”
“Kakasabi lang isasara, nagtatanong pa.”
Ilang lang yan sa bulong bulongan ng karamihan patungkol sa kanila.
“Tama ang iyong narinig. Kung gugustuhin niyo mag pumilit na sumali, may paraan naman kaso baka mapahiya ka lang,” naka ngising sambit ng babae.
Lakas loob sumagot si Anami. “Kung ano man yun nakahanda kami harapin. Maaari ko ba malaman?”
Sa pananalita ni Anami na halata ng karamihan hindi kilala ang kausap nito. Napagtango ang babae habang nagtataka kung sino ang dalawang ito. Sapagkat bago lang ito sa kaniyang paningin, kahit kailan hindi niya ito nakita sa kahit saan parte ng kaharian.
“Madali lang gawin upang nakapasa sa pag subok na ibibigay ko. Simple lang yun ay kung may mahika kayo ng yelo at nakakamangha ang pamamaraan niyo sa pag gamit nito.”
Tawang tawa sa isipan ang babae. “Kailangan niyo talunin ang alaga ko!” sa kumpas ng kamay ng babae. Dahan-dahan naka likha ng isang goblin, pandak lang ito na mataba, may kulay bughaw na balat, matutulis na ngipin, kalbo at higit sa lahat may mapupulang mata. Kapansin pansin ang hawak na malaking kahoy na hawak nito.
“Yun lang ba?” takang sambit ni Anami.
Nakaramdam ng takot si Jafiro sapagkat sila ang sentro na pinagtuonan ng pansin.
“Huwag puro dada, simulan na!”
Nagmamadali tumakbo ang mga tao sa ligtas na lugar ng Winter garden. Samantala ang babae nakaupo lang ito sa tipak na bato habang masayang nakatingin sa kanila.
Hindi kumilos si Anami. Nanatili nakatayo na parang walang nangyari. Samantala si Jafiro ay hindi mapakali sa kinatatayuan lalo na umatake ang goblin.
“Hindi!” sigaw ni Jafiro.
Lumikha siya ng pader na likha sa yelo ngunit hindi ito matigas katulad ng mga mahikero sa North Anima na pag likha. Sa kadahilanan hindi niya taglay ang mahika ng yelo.
Madali lang ito nasira na hampasin ng goblin na ikinaatras ni Jafiro. Umatake muli ito Kay Jafiro. Hindi mapigilan ni Jafiro na humiram ng mahika sa kaniyang spirit upang maiwasan ang mapang wasak na atake.
Inutusan ng babae isunod atakehin si Anami. Ngunit walang kahirap hirap na iniwasan ang lahat ng atake ng goblin.
Tumakbo ang goblin saka tumalon sa harapan ni Anami habang akma na siya hampasin.
“Tumabi ka dyan!” sigaw ni Anami.
Nanginginig ang mag kabilang kamay ni Anami. Hindi inaasahan ng lahat na masaksihan ang nakakamangha mahika ni Anami.
Tumalsik ang goblin na tumama ang atake nito sa malaking snow flake ni Anami.
Napatayo ang babae na makita ang nangyari. Hindi niya akalain may iba pang natuto ng ganyan klase taktika bukod sa royal family.
“Hindi ito maaari. Pribado ang taktikang iyang sa royal family at piling tao ang pinalad na matuto.”
Ang Snow Flake Technique ay isang higher magic. Kailangan ng mahabang panahon upang humusay sa taktikang ito. Espesyal ito kung ituring ng North Anima lalo na ang royal family.
“Pasado na ba kami?” Tanong ni Anima sa babae.
Hindi makasagot ang babae. Malalim ang kaniyang iniisip tungkol sa snow flake.
BINABASA MO ANG
The Young Summoner
FantasyThe Young Summoner: Mythic Anima Saga Daniel died in love. but he didn't think he reincarnated in another world as a young summoner, called the Unknown summoner. A guardian who is being chased by a monster accidentally finds him. Because of this...