Chapter 3

134 12 0
                                    

Lumipas ang maraming oras nakabenta si Zeus na sapat na para pambili ng kailangan niya sa bahay. Hindi na niya kailangang ng trabaho sa ngayon pero maghahanap pa rin siya. Nakabili na sila ng ka kailanganin sa bahay.

Huminto sila sa isang shop na walang pangalan. Pumasok ang dalawa, bumungad sa kanila ang maraming libro nag kalat sa sahig.

“Anong atin?” Bigla sambit ng lalaki naka upo sa tuktok ng pyramid na binubuo ng libro.

“May libro po ba kayo tungkol sa mga mahika?” masayang sambit ni Anami.

Napatingin sa kaniya ang lalaki. Tumalon na may napansin kakaiba sa kay Anami na hindi niya matukoy.

“Mayroon, marami. Ikaw ba ang magbabasa?”

Akmang sasagot si Anami ngunit. “Hindi. Ako ang gagamit at bibili na rin.” sagot ni Zeus.

“Limang ginto para sa new book at sampung ginto para sa old book. Kung sakali gusto ng bata magbasa, malaya niya gawin kung gusto niya. Libre magbasa basta bata.”

Nabigla ang lalaki na lumapit sa kaniya si Anami. “Maraming salamat po. Balak ko magbasa ng sandali po.”

Hindi sumagot ang lalaki sa halip tumango lang ito. Kaagad umalis si Anami para maghanap ng libro na gusto niya babasahin. Sa kumpas ng kamay ng lalaki bumalik sa lalagyan ang mga libro nag kalat sa sahig.

“Sino siya?”

Natigilan si Zeus. Hindi niya alam ang isasagot. “Anak ng kakilala ko,” pag sinungaling niya.

“Talaga? Sa nakikita ko parang hindi.” Ngumiti ang lalaki. “Hindi ko pa siya nakita sa tanang buhay ko dito sa Ghost City. Kilala ko ang lahat ng naninirahan sa Ghost Forest.”

Nabigla si Zeus sa sinabi nito. 'Ang akala ko, ako na lang ang naninirahan doon dahil sa ghost tree sobrang mapanganib. ʼ isip ni Zeus.

“Huwag ka na mga sinungaling. Na aamoy ko na ang batang iyun ang tinadhana sa iyo.”

“Hindi mo maunawaan ang nais mo iparating sa akin. Tadhana? Nakakatawa isipin. Hindi ako naniniwala tungkol dyan,” patawang sagot nito.

Naguguluhan si Zeus sa sinabi ng lalaki.

“Huwag ka mag salita ng tapos.”

Iniwan si Zeus nalilito ng lalaki. Bumalik ito sa tuktok ng pyramid.

'Masyadong misteryoso ang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali siya si Zamura. Isang tangyag na manunulat. ʼ isip ni Zeus.

Napansin niya may napili na si Anami na libro. Hinayaan lang niya ito magbasa. Muntik na niya makalimutan ang pinunta niya dito.

Nagmamadali siya maghanap ng libro tungkol sa Summoners ngunit sa kasamaang palad wala siya makita maliban sa libro na patungkol Familiar.

Pagbalik niya sa kinaroroonan ni Anami tapos na ito magbasa. Hindi niya alam kung ilang libro ang natapos nito basahin.

“Bago kayo lumabas, iwan mo sa mesa ang bayad!”

Nilapitan ni Zeus si Anami na napansin na parang may mali sa kilos nito. Binuhat niya si Anami na bigla ito nanghina.

Nag taka nakatingin sa kanila ang lalaki. Napangiti na nilagay sa mesa ang bayad bago lumabas ng shop.

“Tadhana? Sa nakikita ko mukhang pinagtapu ang dalawa para sa iisang mithiin sa buhay,” sambit nito bago mag patuloy sa pagbabasa ng libro na may simbolo ng magic circle.

Anami Point Of View

Hindi ko maintindihan nanghina ako bigla sa hindi malaman dahilan. Nakatingin ako sa mukha ni Zeus na alang ala sa akin.

The Young Summoner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon