Zeus Point Of View
Isang buwan na lumipas na pumasok si Anami sa Anima Tree pero hanggan ngayon hindi pa muli nag bigay liwanag ang puno.
Kung dati-rati kinatatakotan ang punong ito. Ngunit simula pumasok sila Anami bigla mag bago. Parang naging pang karaniwang na lang ito.
Hindi ko maiwasan mag alala sa kaniya lalo na mahina ang kaniyang mahika. Inaamin ko sa sarili habang tumatagal mas lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Hindi ko maintindihan bakit ako nag ka ganito. Sa tagal ng panahon ngayon lang ako nag ka ganito. Anami, binago mo ang pananaw ko sa buhay.
Naging mapayapa ang lahat na mag kasundo ang pinuno ng Dark Summoner at Ghost City. Matagal ko ito pingarap ngunit hindi ako masaya sa kadahilanan pakiramdam may kulang.
“Zeus, nandito ka na naman ulit. Si Anami ba ang hinihintay mo?”
Napalingon ako sa nag salita. “Oo eh. Zamira buhay pa ba sila?” sa tanong kong ito nag bago ang ekrespyon niya.
“Hindi ko alam Zeus. Pero umaasa ako na buhay pa sila, ginagawa ko ang lahat para hanapin ang patungkol sa Anima Tree. Hindi ko lubos na isip na dala ako sa emosyon at hindi nag dalawang isip na ipadala agad sila na kulang pa ako sa impormasyon.”
Hindi ko mapigilan ang tumayo, “Zamira! Kung may hindi magandang nangyari kay Anami. Hindi ko alam ang gagawin ko sa iyo.”
Nakaramdam ako ng takot. Ayaw ko mawala sa akin si Anami. Kung alam ko lang , sana hindi ko siya pinayagan sumama na pumasok sa Anima Tree.
“Patawad pero ang ginawa ko nakakatulong kay Anami na kilalanin ang kaniyang sarili. Noong una kita ko pa lang sa kaniya, na Sabi ko ka agad sa akin sarili hindi niya tunay na wangis ang paging bata.”
Natulala ako sa akin nalaman. Hindi ako makapaniwala na ang tulad niya kakaiba.
“Aminin mo Zeus, hindi mo kilala siya ? aksidente mo lang siya natagpuan dito sa Ghost Forest.”
“Paano mo nalaman?” Wala ng dahilan para itago ang katotohanan. Gusto ko rin malaman kung sino at saan nag mula siya?”
Napailing si Zamira sa akin sinabi. Hindi ko alam kung bakit pero masama ang kutob ko.
“Kung ganoon nasa panganib siya. Kailangan may sumunod sa kanila upang masigurado ang kanilang kaligtasan. Nasisiguro ang paging especial ni Anami at Jafiro ang maging dahilan ng kanilang kapahamakan,” seryusong paliwanag niya.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“Ang Anima Tree ay isang lagusan patungo sa ibang mundo na sakop ng Anima. Hindi ko alam kung saan banda ito.”
Hindi ako makapag salita sa akin nalaman. Hindi ako mapalagay kung anong nangyari sa kaniya ngayon.
“May paraan ba para sumunod sa kanila?”
Malungkot na tumingin sa akin si Zamira. Hindi ako makakapayag na walang paraan. Hindi ko kaya mawala sa akin si Anami.
“Nakikita ko sa akin pangitain na ngayon ang takdang oras na mabuksan ang lagusan ng Anima Tree!” sambit ni Erela na kakadating lang.
“Zamira gamit ang iyong mahika mapipilitan mabuksan ang lagusan ng Anima Tree. Ngunit Malaki ang kapalit nito.”
Napalunok ng laway si Zamira bago tumango.
“Kung ganoon simulan niyo na!”
Binalutan ng enerhiya ni Zamira ang kaniyang sarili lalo na ang dalawang palad na nakatapat sa direksyon ng Anima Tree.
“Ako na ang susunod sa kanila. Sinisigurado ko sa inyo mahahanap ko sila.”
Tumama ang liwanag ni Zamira na naging sanhi na dahan-dahan na buo ang lagusan sa katawan ng Anima Tree. Hindi na ako nag patumpik-tumpik ka agad ako pumasok sa lagusan na hindi hinintay ang hugyat ni Zamira.
Napasigaw ako sa sakit naranasan ang kakaibang ang lamig ng temperatura sa loob ng lagusan. Halos nanginginig ang buong katawan ko samahan pa ng matinding pag ka hilo na masilayan ang kakaibang pattern ng lagusan na paikot ikot.
Kung hindi ako nagkakamali ang pattern na ito ay mula sa North Anima. Ang mundong yun sobrang mapanganib ayon sa mga nagbabasa ko sa libro. May mayaman na kultura at kasaysayan na puno ng misteryo.
“Hindi...!” sigaw ko na iluwal ako ng lagusan.
Hindi ko inaasahan ang lagusan ay mula sa kalangitan. Mabilis na bumulugsok ako paibaba sa mga naglalakihan dahon sa ibaba.
“Hindi ito pwede!” ang tanging na sambit ko na bumagsak ako sa dahon. Sa sobrang lakas ng epekto halos mawalang ako ng malay. Akala ko tapos na ngunit muli ako na hulog sa ibaba hanggan sa tuluyan ako nawalang ng malay bago bumagsak sa tubig.
Anami Point Of View
“Nasaan ako? ”
Nasa gitna ng kapatagan na balot ng niyebe. Alam ko sa sarili nasa loob ako ng panaginip ko.
“Anami!”
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses ngunit wala ako makita. Paulit-ulit na tinawag ang pangalan sa iba't ibang direksyon. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng kung sino man.
“Tigil!” sigaw ko.
Ang sakit pakinggan ang boses na halatang bunga ng paghihirap. Paghihirap na sigurado ako na kahit sino ay hindi nanaisin maranasan.
Nagsitayuan ang balahibo ko sa buong katawan na may humawak sa balikat ko. Sobrang kinabahan at hindi ko napigilan humiyaw na sanhi na sobrang hapdi.
“Anami maligayan pag dating sa kabilang mundo.”
Halos natulala ako. Hindi pa ako patay, naalaala ko nawalang ako ng malay.
“Ano ang ibig mong sabihin?” Saka nilingon ko ang nag mamay-ari ng boses.
Ngunit wala ako makita maliban sa lumulutang na Crystal.
“Ikaw ba ang nagsasalita?”
Nagliwanag ang Crystal kasabay narinig ko ang tinig ng isang nilalang.
“Ako nga wala ng iba. Nandito ka ngayon sa kabilang mundo kung saan hindi mo mararanasan ang sakit at paghihirap. ”
Napahawak ako sa mag kabilang pisngi ko. “Hindi pa ako patay, sabihin hindi!”
Muli nag liwanag ang crystal na may kasamang enerhiya.
“Hindi ka patay Anami. Nandito ka upang ipaalam ko sa iyo. Ikaw ang napili ng kalangitan na bigyan ng misyon. Naalaala mo ba?”
Napagtanto ko nakuha ko ang kapangyarihan ng sinaunang gumamit ng kapangyarihan Crystal.
“Tama. Yun na nga. Dahil nakuha mo ang hindi dapat na kapangyarihan.”
“Anong misyon? Sabihin mo agad sa akin upang mapaghandaan ko. Nalilito pa ako sa tunay Kong katauhan kaya nandito ngayon sa North Anima.”
Nakakasilaw na liwanag ang linabas ng Crystal.
“Patawad walang nakakaalam kung ano misyon ang ibinigay sa iyo ng kalangitan. Ngunit magpakatatag ka may darating na malaking gulo sa North Anima. Nasa iyong kamay nakasalalay ang kapalaran nila.”
“Sinong sila?!”
Wala na ako nakatanggap na sagot. Bigla linamon ng kadiliman ang paligid hanggan sa hindi ko namalayan na sakop na ako nito. Naging dahilan na walang ako ng kakayahan makakita.
Naririnig ko ang tinig ng isang lalaki. Napagpasyahan ko piliin labanan ang panaginip na naging dahilan na habol hininga ako nagising.
BINABASA MO ANG
The Young Summoner
FantasyThe Young Summoner: Mythic Anima Saga Daniel died in love. but he didn't think he reincarnated in another world as a young summoner, called the Unknown summoner. A guardian who is being chased by a monster accidentally finds him. Because of this...