Chapter 16

32 2 0
                                    


Anami Point Of View

Hanggan ngayon hindi ko maiwasan matakot baka ako'y maparusahan sa akin nagawa sa pangatlong prinsipe.

“Kanina ka pa dyan tahimik. Hindi ka pa kumain na damay tuloy ako,” reklamo ni Jafiro.

“Hindi ko naman sinasadya yun,” tanging na sagot ko.

“Manalangin na lang tayo na maging ayos ang lahat. Balita ko sa mga katulong dito, hanggan ngayon walang malay ang pangatlong prinsipe.”

“Walang malay?”

Tumayo ako saka lumapit sa bintana upang tingnan kung ano ang nangyari sa ibaba. Maraming mga kawal ang nag kalat pinangungunahan ng isa pang lalaki na may salamin sa mata.

Nagmamadali ako umiwas ng tingin nang tumingin ito sa direksyon ko.

“Ba't parang nakakita ka diyan ng multo?”

“Sa tingin ko pupunta rito ang lalaki yun.”

Lumapit siya sa akin upang malaman kung sino ang tinutukoy ko.

“Akala ko kung sino,” Saglit natulala siya. “Ahh... Hindi ako maaari magkamali, siya na siguro ang tinutukoy na pangalawang prinsipe.”

Nagmamadali ako tumakbo palabas ng pinto. Tinawag pa ako ni Jafiro, ngunit hindi ko na siya nilingon.

Bahagya ako napaatras na makasalubong ko si Prinsipe Nivo.

“Saan ka pupunta?”

Napalunok ako ng sarili Kong laway, ang sama niya tumingin sa akin.  Galit kaya siya?

“Ahh...Hehe,” tanging lumabas sa bibig ko.

“Sinasabi ng Prinsipe kung saan ka pupunta Ginoong Anami?” Wika ng lalaki kasama ng prinsipe.

“Pupunta ako sa pagamutan. Tama sa pagamutan dahil may malaking pinsala ang akin katawan sa nagawa Kong atake,” Mahinang wika ko. Noong una ang tapang ko sobra, ngunit ngayon nakagawa ako ng kasalanan parang bumalik ako sa dating ako. Sa dating Kong buhay.

Humakbang ako na parang lasing bago bumagsak na una ang pang upo.

“Ayos ka lang?” Lumapit siya sa akin habang nakangiti, “Tulungan na kita tumayo.” Lahad niya ng kamay sa akin.

Hindi ko magawang makapag salita, sa halip tumango lang ako. Tinanggap ko ang kaniyang kamay saka dahan-dahan tumayo.

“Anami, paumanhin sa nangyari kahapon. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko ang tunay mo nararamdaman ngayon kung hindi takot. ”

Nakahinga ako nang maluwag na siya mismo ang nagbukas ng paksa namin tungkol sa nangyari. Ang galing ko umarte, paniwalang paniwala ang prinsipe.

“Sa katunayan takot talaga ako. Hindi ba ako maparusahan ng hari ?”

Mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Nakatitig sa mga mata ko na parang kakainin na ako nang buhay.

“Nivo, ano ibig sabihin nito?”

Bibitawan niya ang kamay ko nang marinig ang boses nang bagong dating.

“William kung ano man ang iyong nakita, walang ibig sabihin yun.”

“Mabuti, kung ganoon.”

“Prince William, anong masamang hangin ang nag dala sa iyo rito?” wika ng kung sino man.

“Ito na naman tayo, lumabas ka na dyan Cassie. Alam ko nandito ka.”

Lumabas ang babae mula pader. Kulay puti ang buhok nito na hanggan balikat, pang katulong ang kasuotan.

“Mawalang galang na kamahalan. Ako'y nandito upang ipaalam sa inyo, pinatawag kayo ng mahal na hari, ngayon din mismo.”

Nagkatinginan ang magkapatid. Pansin ko hindi magkasundo ang dalawang ito.

“Kasama ba ako?”

Tinapunan ako nang masamang tingin ng pangalawang prinsipe na si William.

“Bakit ka naman tatawagin ng hari?”

“Huminahon ka Prince William. Nakalimutan ko sabihin kasama ka Anami. Kung ano man ang problema mo, Prince William sa kaniya, ang mismong hari na ang paliwanag.”

Walang nagawa ang tatlo kung hindi ang sumunod Kay Cassie. Hindi nag tagal dumating sila sa harap ng hardin.

“Mahal na Hari nandito na sila.”

Lumingon sa amin direksyon ang matandang lalaki na may suot ng kurona. Gaya ng ibang kalalakihan mahaba ang buhok ng hari.

“Cassie, makakaalis ka na, tatawagin muli kita pag kailangan.”

Hindi nag salita ang babae matapos napakinggan ang boses ng hari.

“Oh na huli ako ng dating!” sigaw ng pangatlong prinsipe.

“Mabuti nandito ka na Prince Finor. Kumusta ka?” Tanong ng hari.

Palihim ako nakaramdam ng takot, hindi ko pinahalata. Siya yun bata muntik na matamaan ng atake ko.

Inilibot ang tingin ng batang prinsipe hanggan sa huminto sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya, ngunit huwag naman sana umabot sa punto mapapahamak ako.

Hindi ako mapalagay na masama niya ako tiningnan. Lagot ako nito, ngumisi ang loko. Ipinagdasal ko sa panginoong, huwag naman sana.

“Ayos lang ako, Amang Hari,” masayang wika niya, “Sino siya?” kasabay na itinuro ako.

“Prince Finor siya si Anami ang bagong membro ng Winter Garden na pinamumunuan ni Crystal,” sagot ni Prince Nivo.

“Prince Nivo, ang ibig mong sabihin siya ang tinutukoy ni Crystal na alam ang Snowflake Technique?” Tanong ng hari.

“Siya na nga,Amang Hari. Walang duda taglay niya ang snowflake Technique at nasubukan ko na ang kaniyang husay sa larangan ng mahika.”

Tahimik ako na tinitigan ng hari.

“Pero Amang Hari ang siya ang dahilan kung bakit nawalang ng malay ang Kapatid ko,” singit ni Prince William.

Itinaas ang kanang kamay ng hari, upang bigyan ng hugyat na tumahimik. Matapos tumahimik ang lahat saka naman ibinaba ang kamay.

“Alam ko ang tungkol sa nangyari, Prince William. Patunay na aksidente ang nangyari ayon Kay Prince Nivo. May problema ba?”

“Wala Amang Hari.”

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti mabait ang hari at sa tulong ni Prince Nivo nalinis ang akin pangalan. Hindi ko namalayan nakangiti na pala ako habang nakatingin sandali Kay Prince Nivo.

“Bweno kaya ko pinatawag ko kayong lahat para sa mahalaga pagpupulong. Batid ko hindi niyo pa alam ang patungkol sa pag litaw ng ilang hindi taga-dito sa atin mundo.”

“Amang Hari, ang ibig mo nais iparating sa amin, may bagong Anima Tree ang lumitaw,” mahinang wika ng pangatlong prinsipe.

“Tama.” Sang ayon ng Prime Minister nakakarating lang. “Ang ikinabahala ng Mahal na Hari baka may makapasok sa atin mundo na may masamang hangarin,” dagdag na wika pa nito.

Hindi ko maiwasan maisip ang patungkol sa amin pag dating. Sino-sino ang tinutukoy nila na dayuhan. Hindi nila alam na kaming dalawa ni Jafiro ay dayuhan sa kanilang mundo. Hindi ko hangad mag sinungaling subalit kinakailangan ko upang ma protektahan kami laban sa panganib.

“Paano nangyari may iba pang Anima Tree? Sa pagkakaalam ko ang Anima Tree ay nandito sa loob ng palasyo at matagal nang hindi gumagana ng mahabang panahon patungo sa iba pang mundo na sakop ng Anima,” mausisa paglalahad ng pangalawang prinsipe.

Bahagya natawa ang Prime Minister. “Hindi natin alam kung gumagana ang Anima Tree ng ibang Mundo.”

Hindi ko mapigilan sumingit sa usapan. Nais ko rin malaman nang higit pa ang patungkol sa Anima Tree. Sa kinamulatan ko na mundo sa South Anima. Ang Anima Tree ay tinuturing na lubhang mapanganib, ngunit sa mundong ito ay hindi ko paalam ano ang kakayahan ng Anima Tree na taglay ng mundong ito.


Author Note: Edit ko na lang name ni Prince Nivia, pinalitan ko Prince Nivo sa previous chapters.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Young Summoner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon