"Mam nandito na po tayo" tumango naman ako sa taxi driver at binigay ko na ang bayad bago ako bumaba.Sumalubong naman sa akin ang malakas na hangin habang amoy na amoy ko ang dagat, mabuti na lang ay may payong akong dala dahil sobrang sakit ang sikat ng araw.
Lumakad naman ako papunta sa bahay nila tatay mario at nanay rose, "Tao po!" sigaw ko sabay katok. Ilang ulit pa ako nag tawag bago ito bumukas.
"A-ate ganda?" sumalubong naman sakin ang muka ni joey na kakagising lang. Ngumiti naman ako sa kanya sabay sigaw nito sa kanyang magulang. "Nay! Tay! Nandito si ate ganda"
"Pasok kayo ate" walang alinlangan naman ako tumuloy. Tinignan ko naman ang loob ng bahay nila at hanggang ngayon wala pa din pag babago. Ganon pa din ito.
"Huh? Trinity naparito ka?" bungad naman sa akin ni nanay rose habang pababa sila ni tatay ngumiti naman ako at sinalubong ito ng isang yakap na ginantihan din ng ginang.
"Namiss ko dito nay rose at tay" ngumiti naman ang dalawa.
"Halika kayo at magsi-upo na tayo" tumingin naman ito sa anak "kuhaan mo muna kami ng makakain joey tamang-tama at gumawa ang nanay rose mo ng malagkit na kakanin"
"Kamusta kana hija?" wika naman sa akin ni nanay rose.
"Ayos lang po nay, naging busy lang po sa trabaho" wika ko dito, nagkatinginan naman ang dalawa at kita ko ang lungkot sa kanilang mata.
"Bigyan mo ng oras ang sarili mo hija, nangangayat kana hindi kana kagaya nung unang punta mo dito" wika naman ni tatay mario.
"I have a problems, so many problems even me i can't result" hinawakan naman ni nanay rose ang aking kamay.
"Walang ibibigay ang diyos sa tao na hindi nila kaya lagpasan anak, naniniwala kami ng tatay mario mo na kaya mo lagpasan ang lahat" ngumiti na lang ako sabay huminga ng malalim.
"Oo nga pala, bakit hindi mo kasama si steve pumunta dito?"
"He is busy, i don't want to disturb him actually nanay rose and tatay mario , gusto ko po sana kayo makausap in privately?"
Lumabas naman kami sa kanilang bahay doon kami sa kubo nila nag-usap "Alam ko po na kayo ang mas nakakakilala kay steve" tumigil naman ako saglit habang may kaba sa aking dibdib
"Bago po naging kami may babae po bang na una sakin?"
"Hindi niya ba sayo na kwento anak?" wika ni nanay rose, napakunot naman ako ng noo dahil wala pa ito na kwento sa akin.
"Rose" tawag naman ni tatay mario sabay tingin sa akin "anak, hindi dapat kami mag sabi sayo pasensya na ayaw namin pangunahan si steve"
"Hangga't kaya niya itago gagawin niya yun tay, ganon ang ugali ni steve lalo alam niya masasaktan niya ang taong yun"
"Pero anak ang isang relasyon hindi titibay kung mag lilihim kayo sa isa't-isa" napayuko naman ako sa sinabi ni nanay rose.
Ngumiti naman ako sa kanila, siguro mas maayos kung ako mismo ang makatuklas kung ano ba ang tinatago ni steve sa akin.
Umuwi ako sa bahay na walang nakuha na sagot miski isa, napahiga na lang ako sa kama ko at nakatitig sa kisame. I love Steve but I'm scared to know his secret.
Bigla naman nag ring ang cellphone ko at lumitaw ang unknown number. Bumangon naman ako bago sagutin iyon.
"hello?" hindi ito nag salita habang pinakinggan ko ng maigi kaso walang ingay ako naririnig. "I'm tired if you can't anything stop me"
Ibaba ko pa sana ang cellphone ko ng marinig ko ang kanyang bungisngis, nakakatakot iyon pero nag bigay iyon sa akin ng curiosity upang hintayin ang pag salita nito.
YOU ARE READING
Ghost of Past (Dela ruel Series 4)
Ficción GeneralMARIA TRINITY VALENZUELA GOMEZ he grew up with his best friends who never left him since his mother died. that they promised each other that they would never leave. he can break the promise he gave because of what he did in the past? or he will stay...