CHAPTER FOUR

54 34 5
                                    

Year 2014-2015 (Fourth year high school)

“Fern, nasaan ka?” Chim on the other line asked when I answered her call.

“Bakit?” I asked.

“Puntahan mo naman ako dito sa bahay, ako lang mag-isa.”

Napabuntong-hininga ako. “Ngayon na ba?”

“Kung hindi ka naman busy, okay lang.”

Kinuha ko ang notebook na nahulog sa ilalim ng side table saka ipinatong iyon. “Sure.” then I ended the call.

Bumaba na ako para maligo pero nakasalubong ko si kuya. Mukhang may lakad ito kasama ni Ate Judy. Hindi ko na siya pinansin pa dahil alam ko naman na nagmamadali siya kaya nung makarating sa banyo ay naligo na kaagad ako. Ilang minuto lang din ay lumabas na ako saka umakyat sa kwarto ko para magbihis.

Ginawa ko na ang daily routine ko saka bumaba pagkatapos. “Ma, punta lang ako kina Chim.” nagpaalam ako ng maayos sa mga magulang ko saka umalis ng bahay.

Since kailangan ko pang mag-commute pumara pa ako ng taxi papunta sa bahay nila. Buti nalang hindi gaano ka traffic kaya nakarating rin kaagad ako. Nung makarating, bumaba ako sa taxi after magbayad.

Hindi ko na kailangan pang mag doorbell dahil kilala na ako ng guard nila. Pumasok na kaagad ako sa loob ng bahay nila Chim pero walang tao sa sala. Tinanong ko pa tuloy 'yung katulong nila kung nasaan si Chim.

“Nasa garden siya maam.” nagpasalamat lang ako at naglakad papunta sa back door kung saan naroroon ang garden nila.

“Chim?” tawag ko sa bruha kong kaibigan nung hindi ko siya mahagilap.

“Fern!” nakangiting tawag niya sa akin at nilapitan ako. “Buti naman at nandito ka na.” nakangiting aniya. Isinukbit niya pa ang mga braso sa braso ko at inakay ako papunta sa swimming pool area.

Natigilan ako dahil nakita ko kung sino ang naroroon. Si Gelbert, Janine, Maria, at Reinz. Naliligo sila Janine at Maria sa swimming pool habang nag-iihaw naman si Gelbert at Reinz.

Nakita kaagad ako ni Reinz at nginitian niya pa ako pero hindi ko siya pinansin at inis na tinignan si Chim. “Si-net up mo pa talaga ako?”

“Kasi beshy ko, he wants to talk to you.” mahinang aniya pero umiling lang ako saka inirapan siya.

“Hindi, uuwi na ako. Akala ko pa naman pinapunta mo'ko dito dahil wala kang kasama.” malumanay na sabi ko pa.

Naiinis ako dahil gumagawa talaga sila ng paraan para makapag-usap kami ni Reinz. Ilang araw na nilang ginagawa iyon pero todo iwas lang ako kay Reinz. Hindi dahil sa ayaw ko sa kanya pero umiiwas ako sa maraming posibilidad na mangyayari.

“Uuwi na ako, Chim.” sabi ko pa at tatalikuran ko na sana siya pero hinawakan niya ang kamay ko.

“Fern.” seryosong tawag niya sa pangalan ko. Tinignan ko pa at nun ko lang napansin na nasa tabi na niya si Reinz habang may bitbit pang plato na may laman na barbeque. Mag-usap kayo.” bulong niya sa akin at iniwan ako kasama ni Reinz.

“Hi.” bati pa sa akin ni Reinz at ngumiti pa siya ng tipid. “K-Kamusta?”

Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa malayo. Hindi ko siya kayang tignan sa mga mata niya. Hindi ko kayang ibuka ang bibig ko dahil iniiwasan ko ang sarili ko na makapagsalita ng masasakit.

“Fern....” mahinang tawag niya sa pangalan ko. Lumambot ang puso ko dahil sa emosyon na nararamdaman ko sa boses niya. Tiningala ko siya at nakita ko na naman ang umaasang mga tingin niya. Nangungulila ako sa'yo.”

Love, Sorry (IDBIHES#1) Where stories live. Discover now