LAST PART

44 27 3
                                    

Natapos ang school year na tanging sa malayo ko nalang siya nasusulyapan. Sinusubukan ko pa rin na tanggapin ang nangyari sa aming dalawa. Mahirap pa rin kasi. Mahal na mahal ko pa rin siya kahit alam kong wala na akong pag-asa.

Nalaman ko sa mga kaibigan ko na hindi nag-work ang relasyon nila ni Kaizer. Ang sabi nila ay laro lang pala ang lahat, kung nalaman ko 'yon ng mas maaga baka naupakan ko na ang gagong 'yon. Iniingatan ko nga 'yon ng mabuti para hindi masaktan pero nagawa niya lang saktan si Fern ng ganun kadali.

Gusto ko siyang balikan, gusto ko. Pero alam kong hindi na siya papayag sa gagawin ko. May nagbago sa kanya.

Nung may open forum sa section ko at section niya, doon naglabasan lahat ng mga sekreto ng mga kaklase namin. May tawanan, biruan, kasiyahan at iyakan. Nagnanakaw lang ako ng tingin sa kanya habang siya naman ay sinusubukan ang sarili niya na makisali sa larong iyon kahit alam kong kabaliktaran naman ang nararamdaman niya. Kaya nung kumikirot ang dibdib ko, hindi ko na naiwasang umalis sa classroom at sinundan naman ako ni Gelbert. Wala naman siyang sinabi o tinanong kung bakit umalis ako sa classroom pero alam kong alam niya kung bakit.

Nung graduation day namin, sinubukan ko siyang lapitan pero pag napapansin niya na lumalapit ako sa kanya ay iniiwasan na niya kaagad ako. Gusto ko rin siyang kausapin kasi alam kong ito na ang huling beses na makikita ko siya.

Nung nagsibalikan na kami sa classroom, nasulyapan ko siya na nahulog ang dalang gamit niya sa hagdan kaya dali-dali ko iyong kinuha at ibinigay sa kanya. Napaangat siya ng tingin sa akin pero kaagad rin naman siyang napaiwas ng tingin.

“T-thanks.” sabi niya saka nilampasan ako pero hinawakan ko ang braso niya. Tila hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya napatingin siya sa akin.

“C-Congrats nga pala.” nahihiyang sabi ko sa kanya.

Malumanay na inagaw niya ang braso sa pagkakahawak ko.

“Congrats din.” saad niya pa saka tinalikuran ako.

“F-Fern...” napatigil siya sa akmang paglalakad. “Pwede ba tayong mag-usap?”

Hinarap niya ako.

“Saan?” walang emosyon na tanong niya.

“G-Gusto ko lang kasi---” natigil ako sa sasabihin ko nung umakbay si Chim kay Fern. Tumabi naman si Gelbert sa akin.

“Guys, mabuti naman at nakita namin kayo.” nakangiting sabi ni Chim.

“Anong meron?” nagtatakang tanong ni Fern.

“May kaunting salo-salo sa bahay namin since graduate na tayo.” nakangiting aniya. Tinignan niya pa kami isa-isa.

“So? Kailangan ba andun kami?” nagtataka pa rin na tanong ni Fern.

“Oo naman. Tara na! May kotse naman akong dala sa parking lot.”

Binigyan ko naman ng makahulugang tingin si Gelbert pero tumango lang siya kaya sumama na rin ako.

Pumasok ako sa kotse at akma na sanang uupo sa passenger seat pero tinabig ako ni Chim kaya napatingin ako sa kanya. “Hehehe si Gelbert na sa passenger seat, dun ka na sa likod tatabihan ko lang 'tong ex ko, baka may ‘comeback’ na magaganap.” madiin na aniya pero umiling nalang ako sa kabaliwan niya at naupo sa tabi ni Fern.

Since four-seater ang kotse ni Chim. Kaming dalawa ni Fern ang nasa likod at silang dalawa naman ang nasa harap. Si Chim ang nagmamaneho. Nag-uusap pa sila ni Gelbert at halatang nagpaparinig sila sa amin.

“What if tayo nalang ulit, Gelbert?” pagpaparinig ni Chim sa amin.

Napabuntong-hininga ako ng palihim. Sa peripheral vision ko naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana si Fern.

Love, Sorry (IDBIHES#1) Where stories live. Discover now