CHAPTER EIGHT

48 30 1
                                    

Nagising nalang ako dahil may umuuga ng balikat ko. Napatingin ako sa kung sino iyon at nakita ang naluluhang mga tingin ni Chim sa akin. Niyakap niya ako nung bigla akong napahikbi.

Shhh, magiging maayos rin ang lahat.” umiiyak na aniya habang nakayakap siya sa akin.

“C-Chim...” umiiyak na bigkas ko sa pangalan ng kaibigan ko. “H-Hindi ko ginusto 'yung nangyari.”

Shhh, alam ko.” aniya. Lumayo siya sa akin para tignan ako sa mga mata ko.

“P-Paano mo ako nahanap dito?”

She sighed. “Bryan told me everything, Fern.” she said in a serious tone of voice. “They had a bet and sadly you were their victim. Noong una ay ayos lang sa kanya na sakyan 'yung laro nila dahil akala ni Bryan hindi hahantong sa ganitong bagay. And he tried to stop him. Sinubukan niyang kausapin si Kaizer na hindi na lang itutuloy 'yung plano nila but Kaizer was determined to take your virginity. Kaya ka niya nilasing ng sobra.” nangingilid ang luha sa mga mata niya.

Ako naman ay napahikbi. Hindi ko na rin mahagilap si Kaizer sa room na iyon kaya sigurado na akong hindi siya seryoso sa kung ano man ang meron sa amin.

“This is all my fault.” my voice cracked. “Kung sanang pinakinggan ko at sinunod ang sinabi mo baka hindi na ako humantong sa ganito. Nagsisisi na ako, Chim.” umiiyak na sabi ko pa.

“It already happened. We can't do anything about it and just accept the fact that it meant to be happened.” mahinang aniya habang hinahaplos niya ang buhok ko. “Fern, I don't want to be unfair especially kay Reinz. Ayaw kong isipin na hindi ako patas sa nararamdaman niya para sa'yo dahil alam ko ang nararamdaman mo kay Kaizer. I told him everything except sa bet thingy kasi natatakot ako na baka may gagawin siyang masama kay Kaizer.”

Natigilan ako saglit sa sinabi niya pero napabuntong-hininga nalang ako. “Mas mabuti na rin iyon kasi may karapatan naman siyang malaman ang totoo.”

“I know, babe. And he's waiting for you sa labas ng bar.”

Bumilis ang pagtibok ng puso ko.

“Fern, he stayed up late last night because he had a surprise for you sa dalampasigan. He called you many times but you weren't answering his calls.” mahihimigan sa boses niya ang pag-aalala. Ako naman ay napahikbi na lang nung bigla kong maalala na hindi siya nagpakita sa akin kahapon ay dahil may surpresa pala siyang hinanda para sa monthsarry namin ngayon. “Gusto niya kasi sanang salubungin 'yung monthsarry ni'yo. But yeah, things happened...”

Napatakip ako sa bibig ko dahil kung kailan ko pa NAREALIZED yung worth ni Reinz, huli na para sa lahat.

“Are you ready to face him?” malumanay na tanong niya habang pinunasan ang luha sa magkabilang pisngi ko. “Hindi ka pwedeng magtago sa kanya habambuhay because of what happened, Fern. Take this as a lesson, okay?” malumanay na aniya at tumango naman ako. “Kasi nasasaktan rin ako kapag hindi ka masaya, Fern. Iniwan na tayo ni Rena pero hindi ibig sabihin nun ay pababayaan na rin kita.” umiiyak na sabi niya at niyakap ko siya ng mahigpit. “You're not just a friend to me, parang kapatid na rin kita.”

“Salamat, Chim.”

“May dala akong mga damit dito na pwede mong suotin.”

Ilang saglit pa ay nagbihis na ako nung damit na dala ni Chim. Inayos niya pa muna ang magulong buhok ko at ginabayan ako palabas ng bar.

Naglalakad palang kami papunta sa parking lot pero grabe na 'yung kaba na nararamdaman ko. Mas lalo pa akong kinabahan nung makita sa hindi kalayuan si Reinz. Nakasandal siya sa kotse ni Chim at nakatingin ng deritso sa akin.

Love, Sorry (IDBIHES#1) Where stories live. Discover now