CHAPTER NINE

51 29 1
                                    

Akala ko nasa punto na kami na 'label' nalang ang kulang. Pero hindi ko aakalain na darating din pala sa puntong hindi niya ako kayang ipagmalaki sa mga tao. Noong una, naintindihan ko naman kung bakit gusto niyang sekreto na muna ang relasyon namin dalawa. Kasi alam ko na hindi magiging mabuti sa mga magulang niya ang ideya na may karelasyon na siya sa murang edad.

Naiintindihan ko 'yon at kahit na may lungkot akong naramdaman pero nirespeto ko pa rin ang desisyon niya. Mahal ko eh. Kahit anong desisyon ang gusto niya ay gagawin ko kung doon siya masaya.

Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para maging masaya siya sa akin at para hindi niya maramdaman na hindi seryoso ang relasyon namin. Kahit mahirap lang ako ginagawa ko naman ang lahat para sa kanya. Para lang sa kanya. Ngiti niya pa lang ay sapat na sa akin. Ganoon kababaw ang kaligyahan ko sa kanya, ayaw kong makatanggap ng kapalit sa ginagawa ko maliban nalang na mahalin lang niya din ako.

Hindi naman ako nagmamadali. Kaya ko naman siyang hintayin kahit gaano pa katagal 'yan. Mahal ko eh. Pero hindi ko kayang tanggapin na n-nagkaganun nalang kami.

Noong unang beses na nalaman ko 'yung tungkol sa kanila ni Kaizer. Sinubukan ko namang maniwala sa mga kaibigan ko kung totoo ba ang mga sinabi nila pero hindi ko kasi nakikita sa mga mata ni Fern na nagsisinungaling siya. Na may nililihim siya. Kaya noong una ay balewala sa akin iyon.

Pero hindi nagtagal, napapansin ko na ang pagbabago ni Fern. Sa lahat, kung paano siyang tumingin sa kanya, kung paano siyang palaging nagagalit sa akin kahit wala naman akong maisip na maling nagawa ko, ang pag-iiwas niya sa akin. Lahat 'yung napansin ko sa loob ng maikling panahon.

Pero tanging si Chim lang ang nasa tabi ko nung mga panahon na nagpapakasaya siya sa iba, na minsan hiniling ko na lang sa sarili ko na sana si Fern ang nasa tabi ko ngayon. Kasi sabi nila, kung sino pa 'yung nanakit sa'yo sila pa 'yung gusto mong nandyan para mawala ang sakit na nararamdaman mo.

LAHAT. Lahat ng mga pagsisinungaling niya sa akin ay alam ko. Simula pa nung tinawagan ko siya sa umaga para ihabilin na sabay kaming kakain sa lunch break namin. Alam kong kasama niya si Kaizer nun. Nasaktan ako kasi sobrang iniisip ko kung anong ginagawa nila sa loob ng apat na oras na iyon. M-May nangyari na kaya sa kanila? Tuwing naiisip ko na hinahalikan siya ng ibang lalaki parang binibiyak ang puso ko at gusto kong puntahan sila sa kung nasaan man sila para saktan ang lalaking 'yon.

Matatanggap ko naman kasi sana kung hindi na ako 'yung gusto ni Fern. Hindi ko lang din maintindihan kung bakit hindi niya ako kayang deristuhin. Dahil ba ayaw niya akong masaktan? Tssk, sinasaktan na niya ako sa paglilihim niya. Malaman ko man o hindi, wala pa rin 'yung pinagkaiba.

Tapos isang araw nun, nagkasakit ako. Lagnat lang 'yon pero siya lang gusto kong nandun sa akin nun. Pero hindi niya naman sinasagot ang mga tawag ko eh. Napakasaklap. Tinawagan ko si Chim pero siya pa 'yung nag-aalala sa kalagayan ko. Tinawagan ko lang siya para itanong kung alam niya ba kung nasaan si Fern. Hindi niya naman ako sinagot kasi paniguradong alam niya kung nasaan ang kaibigan niya pero ayaw niya lang sagutin dahil baka masaktan ako. Hindi naman ako nagalit sa kanya kung hindi niya kayang sabihin sa akin dahil naisip ko rin na baka naiipit siya sa sitwasyon namin.

Si Chim lang din ang nandun sa tabi ko nung mga panahon na may lagnat ako.

Tapos nung kinabukasan, Queenie told me everything what she saw sa library. Parang binagsakan ng langit at lupa ang itsura ko nun kasi nakita niyang naghahalikan sina Kaizer at Fern. Gusto ko silang komprontahin nun pero wala akong lakas ng loob na gawin 'yon. Kasi kahit ipaglaban ko man siya sa dahilan na ako 'yung boyfriend niya, talo pa rin ako sa katotohanan na hindi ako ang minahal niya. Saklap.

Pero kahit na sobrang bigat na ng puso ko dahil ilag na siya masyado sa akin. Mas pinili ko pa rin na maghanda sa darating na monthsarry namin dahil baka mamulat siya sa katotohanan na kaya ko siyang tanggapin ng ilang beses basta sa akin pa rin siya bumalik. Pero ano pa ba ang aasahan ko? Tumakas pa siya ng gabing 'yon para sumama kay Kaizer kasi may inuman daw sa bar na pinuntahan nila.

Love, Sorry (IDBIHES#1) Where stories live. Discover now