"Josefina, I'm leaving," paalam ni Riffle. "I'll be back later, don't go outside, okay?"
Tumango lamang ako habang patuloy sa pagnguya ng banana chips na binili niya para sa 'kin.
"If something happen, just call me," dagdag pa nito. "Azuke is on this way now."
"Sige, mag-iingat ka," tugon ko.
Pupunta siya ng underground niya dahil may nangyari daw. May nag-hack ng system nila at kailangan niyang maayos 'yon. May mga nag-ta-traydor na rin daw kaya kailangan niyang mapanagot ito.
I can't blame him, he's still a rebel mafia king after all.
Lumapit sa 'kin si Riffle at gigil na hinalikan ang labi ko.
"Take care," sabi nito bago tuluyang umalis.
Nakatanaw lamang ako kay Riffle nang sumakay ito sa motor niya at nag-drive palabas ng gate. Automatic na nagsara naman ang gate kaya napanguso na lang ako.
Mag-isa lang ako ngayon dito sa farm niya. Si Azuke kasi, bumalik kahapon sa Manila dahil kawawa na raw ang mga business niyang puro illegal.
Nandito ako nakatambay sa may kubo niya dahil masarap ang simoy ng hangin at masarap sa pakiramdam. Mukhang maganda kung mag-o-open ng business si Riffle. Open niya itong farm niya bilang tourist spot.
Nakakatawa ngang isipin, dati ang hawak ko puro baril at iba't ibang armas. Ngayon, puro pagkain na pinaglilihian ko. Wala sa plano ko ang magbuntis, kaso umeksena ang lintik na Riffle at inakit ako. Ayon, tigil sa pakikipag-laban.
Nakaramdam ako ng antok kaya itinigil ko muna ang pagkain at natulog muna. Nang magising ako ay wala pa rin si Azuke, pero nagtaka ako dahil bukas ang pinto ng bahay ni Riffle.
Bumaba ako ng kubo at maingat na dumaan sa likod bahay. May nakita akong tao sa loob ng bahay. Naka-itim ang mga ito at tila may hinahanap.
"Wala rito," narinig kong sabi ng isang lalaki.
"Hanapin mo, nandiyan lang 'yan," tugon ng isa pa. "Kailangan nating mahanap 'yon."
Muntik na akong mapasigaw nang may humawak sa 'kin. Inis kong sinamaan ng tingin si Azuke.
"May magnanakaw," bulong niya.
"Papaanakin mo pa ako nang maaga!" inis kong bulong sa kaniya.
Natawa naman ito. "Ako nang bahala sa kanila. Bumalik ka sa kubo at baka may mangyari pa sa 'yo."
Tumango lang ako at bumalik sa kubo. Natigilan ako dahil may baril na sumalubong sa 'kin.
"I was right," nakangising sabi ng isang lalaking hindi nalalayo sa edad ko.
"Sino ka?" walang emosyong tanong ko.
Hindi ito sumagot at dumampot ng banana chips ko at kinain 'yon. Mabilis namang nagsalubong ang kilay ko.
Eksperto kong inagaw ang baril at binaril ang kamay niya. Napahiyaw naman ito dahil sa sakit.
"That's mine," I said, coldly.
Kinuha ko yung isang mangkok ng banana chips habang nakatutok pa rin ang baril sa lalaki.
"Tauhan ka ni Isaiah Gallego, anong ginagawa mo rito?" salubong ang kilay na tanong nito, habang sapo niya ang kaniyang kamay na binaril ko. "Tama si Maglanque, traydor si Riffle."
"So tauhan ka ni Riffle?" nakangising tanong ko bago maupo. "Ano sa tingin mo ang gagawin ni Riffle kapag nalaman niyang muntik mo na akong patayin?"
Ito naman ang ngumisi ngayon. "Sa tingin mo ba, nilalapitan ka ni Riffle dahil interesado siya sa 'yo? Ginagamit ka lang niya para makakuha ng impormasyon."
"Hindi mo ba alam? Binibigyan ako ni Riffle nang impormasyon tungkol sa organisasyon niyo," nawala ang ngisi nito dahil sa sinabi ko. "Ay, secret lang pala 'yon. Kaso nalaman mo na, kailangan mo nang mamatay."
Bago pa ito makapagsalita ay agad ko na itong binaril sa ulo. Tumalsik ang dugo nito sa paligid ng kubo at bumagsak ang walang buhay niyang katawan sa lapag.
"Death!" Pumasok si Azuke, na hinihingal. "Gagi, akala ko kung napano ka na. Papatayin ako ni Riffle kapag may nangyaring masama sa 'yo."
"Ayos lang ako," tugon ko. "Wag kang ma-stress diyan." Tumayo ako, bitbit yung mangkok na may banana chips. "Ligpitin mo 'yan. Thank you."
Lumabas ako ng kubo. Didiretso sana ako sa loob ng bahay, kaya lang natigilan ako nang makita ang dalawang binata na nakatali sa garahe.
"Sila yung nahuli kong magnanakaw," sabi ni Azuke, na sumunod pala sa 'kin.
Bata pa pala sila. May takip kasi kanina ang mukha nila kaya akala ko matanda na sila.
"Pakawalan mo," sabi ko sa kaniya. "Hindi sila kasama nung lalaki kanina."
"Sigurado ka ba?" nagdududang tanong nito.
Tumango ako kaya agad niyang nilapitan 'to at pinakawalan.
"Pasensiya na po, hindi na mauulit," sabi ng isa sa mga binata. "Noong wala pa hong tao rito, madalas kaming dito natutulog ng kapatid ko. Naiwan ho kasi niya yung kwintas na bigay ni Mama kaya binalikan namin."
"Sa susunod, kumatok kayo para hindi ko kayo mapagkamalan," nakangiting sabi ko. "Yung narinig niyo lang putok kanina, 'wag niyo na lang ipagsabi para hindi kayo mapahamak." Binalingan ko ng tingin si Azuke. "Bigyan mo sila ng pera bago paalisin. Pababayaran ko mamaya kay Riffle."
"Duda ako sa babayaran na 'yan, eh," nakasimangot na maktol nito.
Kinindatan ko lang siya bago pumasok ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at agad na kinuha ang cellphone ko para tawagan si Riffle.
"Hey, is there something wrong?" bungad agad nito sa 'kin.
"Riffle, may dumalaw sa 'king parte ng organisasyon niyo," mahinang sagot ko.
"What!? I'm on my way now–"
"–Kalma, nailigpit ko na," putol ko sa sasabihin niya. "Wag kang umuwi agad, 'wag mong hayaan na maghinala sa 'yo ang traydor. Pare-pareho tayong mapapahamak kapag nagpadalos-dalos ka."
"But they tried to kill you and our baby!" inis na sabi nito. "I will fvcking bomb this underground."
"Siraulo, umasta ka ngang King!" sita ko sa kaniya. "Hindi ganiyan ang mga King, dapat sila ang sisindakin mo at hindi ikaw ang nagpapasindak."
"Tang ina, nasisindak ako sa reyna ko." Tila nawala ang pagkainis ko dahil sa sinabi nito. Minsan na nga lang magtagalo, nagpapakilig pa ang gago.
"Tigilan mo ako sa kalandian mo," pagsusungit ko sa kaniya kahit nakangiti ako ngayon. "Wag ka nang mag-alala dahil nailigpit ko na yung lalaki."
"Fine," mahinahong sabi nito. "Take care there. Just call me if something's bad happened again, okay?"
"Sige na, mag ingat ka rin." Ibinaba ko na ang tawag dahil alam kong hindi manlalandi pa siya.
Nakangiting kinain ko na lang ang banana chips na hawak ko.
Kainis! Tiklop na tiklop ako masyado pagdating kay Riffle.
BINABASA MO ANG
UNDERGROUND SERIES 4: Unbreakable Chain
ActionIsa lang naman ang gusto niya. She wants to kill Riffle Guemez-The King of rebel mafia. The guy who always mocking her and the reason why she's always mad. Galit na galit siya sa binata dahil sa ginawa nito sa kaniya. But what if something happens...
