five

1.3K 104 64
                                    

"SURPRISE!"

Nagkunwari akong nagulat at iniyakap kay Mere ang mga braso at isa kong binti nang sigawan kami ng mga kamag-anak at kaibigan namin pagbukas na pagbukas ng mga pinto ng elevator sa floor namin. Masaya ang tawa ng misis ko na kumaway-kaway mula sa ilalim ng kilikili ko.

"Oh my god! Hello!" bungisngis niya. Surprise naman kasi talaga. Ang inaasahan lang naman namin eh pamilya namin kasi sinabi na ng nanay ko na maghahanda sila ni Mommy Marianne para sa pagdating namin. Eh ayan na pati sila Marlon.

Sa harapan ng grupo ay si Kent na may dalang isang bouquet ng blue, pink at purple na flowers na mas malaki pa yata sa kanya. Dinala niya 'yun kay Tita Mere niya na gaya kung paano niya dinala 'yung mga singsing namin sa 'min n'ung kasal namin at inabot ‘yun kay Mere na may “welcome home, tito and tita!" Tumawa si Mere, tumungo at binuhat silang dalawa n'ung bouquet para paghahalikan siya sa mga pisngi. Sina Kevin at Karina ang unang sumalubong sa ‘kin at niyakap ko silang dalawa bago ang mga magulang ko. At siyempre, kung sino 'yung wala, 'yun ang hahanapin di ba?

"Si Kuya Lex?" tanong ko nang sa wakas ay pakawalan na ako ng nanay ko.

"Ma-le-late lang nang kaunti. May pinuntahan lang na client na may emergency," sagot ni Mommy. Ah, okay. Akala ko kasi nagkukulong siya sa kuwarto at nagmumukmok dahil bumalik na ng US si Erica.

Sinapo ni Mommy ang mukha ko para inspeksyunin. "Are those freckles?"

"Yes, Ma. Gan'yan talaga kapag naarawan ang tisoy. Reku!" reklamo ko nang kurutin niya ako sa ilong.

Si Alessa ang sumunod na yumakap sa 'kin pero inabot niya na din si Mere na masaya muling tumawa at nakiyakap. Naki-group hug na sina Charlie, Pia at Laura, na hindi pinalampas nila Marlon, Lester, Hank, Paul, at (gasp) si Ron! Buhay at nandito si Ron! Binigyan ko silang lahat ng isang malaking hug. At nang pakawalan nila kami, sinapo ni Alessa ang mukha ko at hinalikan ako sa magkabilang pisngi.

“Welcome home!" masaya niyang sabi bago siya tumabi para mabigyan din ako ng mag-asawang kiss sa cheek nina Pia at Charlie. Si Laura ang sumunod na humawak sa pisngi ko para halikan din ako, ‘tapos eh ‘yung asawa niyang tarantado. Lumapit din si Hank at sinapo ang mga pisngi ko at binigyan din ako ng kiss sa magkabilang pisngi. Pagkatapos n'ung eh pinilahan na ako ng mga walangya. Sumunod si Paul na humalik din sa pisngi ko! ‘Tapos ay sina Lester at Ron bago si Marlon.

"Dude, na-miss kita," sabi niya sa 'kin saka ako hinalikan sa pisngi sabay kiskis ng balbas niya sa pisngi ko.

"Hayop ka!" Itinulak ko siya palayo at malakas lang siyang tumawa bago binalingan si Kuya Midel na kanina pa isa-isang itinutulak palabas ng elevator ang mga bagahe namin. Siya naman ang nilapitan ng mga kabarkada ko kasi alam nilang pasalubong namin sa kanila ang mga dala namin.

Hindi ko mapigilan ang ngisi ko. It /is/ good to be back home. Parang apat na taon na kasi 'yung lumipas mula nang magdesisyon kami ni Mere na mas maagang umuwi mula sa Maldives at sa bahay na lang ituloy ang honeymoon namin. Mga two hours ago kami dumating. Pagod kami ni Mere sa biyahe, gutom, at pakiramdam ko eh amoy ensaladang sibuyas na 'yung kilikili ko pero masaya din naman akong makita ang barkada... 'yun eh bago ko nakita 'yung display ng balloons na iba't-ibang shade ng violet na naka-ayos palibot sa isang banner na may nakasulat na "Welcome Home, Baby Boy and Baby Girl!" 'tapos may drawing (na halatang si Marlon ang gumawa) ng dalawang cartoon babies na nakasuot ng diapers na magkatabing naka-upo at magka-holding hands. Langya, para kaming newborn ni Mere na bagong uwi ng mga magulang namin galing ospital!

"Kumusta ang biyahe?" tanong ni Daddy Eman mula sa pintuan ng condo at napalingon ako sa kanya. Malaki ang ngiti niya, malamang dahil may hawak na siyang isang mangkok ng fruit salad. At pansin mo, "biyahe" ang kinumusta niya at hindi 'yung honeymoon? Sa palagay ko eh hanggang ngayon kailangan pa rin niyang paniwalaan na nag-sa-Scrabble lang kami ni Mere kapag magkasama kami sa kama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For the Rest of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon