two

10.4K 492 203
                                    

A/N: Ngayon lang po ako nakabalik sa pagsusulat at nasa mood lang ako sa kulitan so nauna 'to. Kaya bago pa po ninyo itanong kung kelan si Marlon, sandali lang po. 'Tatapusin ko lang 'yung UD niya ^_^

Rated SPG. Reader discredtion is advised.

★・・・・・・★・・・・・・★

Kinabukasan, pagkatapos ng almusal, saka pa lang namin naharap ni Mere 'yung paglilipat ng mga damit namin sa closet. Bago 'yun kay Mere kasi madalas pagdating namin sa tutuluyan namin, nakakapag-ayos na siya kaagad. Sabihin na lang nating distracted kasi siya nitong huling dalawang araw kaya toiletries, swimsuits at 'yung isusuot lang talaga namin sa araw na 'yun 'yung nailabas namin galing sa mga maleta.
Pero nitong ikatlong araw na namin dito sa Maldives, kahit pa naupo ako sa likuran niya sa sahig habang sinisinghot-singhot 'yung batok niya at pasimpleng nanghihipo, hindi siya nagpatinag. Kaya napatulong na lang din ako magligpit.

Kakatambak ko ng mga damit ko sa aparador nang marinig ko siya.
"ASH!"

Mabilis ko siyang nilingon sa pag-aakalang may ahas siyang nakita sa maleta. "Bakit? Bakit?"

"Dinala mo 'to?!"

Hawak niya 'yung malaking paper bag ng mga natanggap naming regalo galing sa mga kaibigan namin n'ung bachelor's/bachelorette's party namin.
"Akala ko naman-"

"Oh, my God! Buti hindi nila binuksan 'to sa airport!" tili niya. "Nakakahiya!"

"Ba't nila bubuksan? 'Tsaka hindi ko naman dinala 'yung mga posas!" tawa ko na lumalapit na sa kanya.

Nilagay namin sa isang malaking paper bag 'yung mga regalo at nilagay ni Mere 'yung paper bag na 'yun sa itaas ng aparador ko pagdating namin sa bahay. Nahulog 'yung paper bag na 'yun sa ulo ko n'ung may kinukuha ako habang nag-e-empake para sa honeymoon namin. Naisip kong di pa namin nagagamit 'yung mga 'yun. At ang perfect time na subukan namin sila eh siyempre, sa honeymoon.

Ang inalis ko lang naman d'un sa mga regalo eh 'yung BDSM kit na bigay nina Hank at Laura dahil hindi ko nga alam kung alin sa kanila 'yung mag-ti-trigger ng alarm sa airport. Hindi ko naman alam kung bawal pala magdala ng riding crop sa Maldives. Baka kung dalhin ko eh ako ang mahataw ni Mere sa puwet! Pero dala ko 'yung regalo ni Marlon sa 'kin na underwear na may trunk ng elepante kung saan ko puwedeng i-shoot si *Taho Boy*. Ang cute eh. Dala ko rin 'yung mga, ehem, sexy items na regalo nina Lester at Alessa. 

Naupo ako sa tabi niya sa sahig at ibinaliktad ni Mere sa carpet 'yung paper bag. Nalaglag 'yung mga laman.

"O," sabi ko na itinuturo ang maliliit na lalagyan ng massage oils na regalo nina Paul at Pia. "Hindi mo na kailangang manghingi sa spa mamaya! May massage oils na!"

"At dala mo talaga 'to ah!" Inangat ni Mere 'yung packs ng edible underwear.

"Snacks! Baka magutom tayo sa biyahe eh." Kinuha ko 'yun mula sa kanya. "Hindi ka ba curious kung ano'ng lasa nito?" tanong ko na tumataas-baba ang mga kilay. "Lalo na pagsuot ng asawa mo habang kinakain mo?"

"Sige, ikaw ang magsuot ah!" tawa niya na inaagaw 'yung pack.

"Hoy!" protesta ko pero binasa niya 'yung label ng edible g-string saka niya binuksan  'yung supot. Pumilas siya na ng piraso 'tapos maingat niyang tinikman. Pinanood ko siya, nag-iisip na kung ano nga ba 'yung emergency number dito at kung paano ko ipapaliwanag sa first responders na kumain siya ng underwear kaya siya maoospital.

"Parang cherry licorice na may halong flavor ng kandile," sabi niya na kunot ang ilong habang ngumunguya. Inabot ko 'yung pack at nakitikim na rin. Oo nga. Hindi siya gan'un kasarap. Lasang matamis na kandila nga... O baka dahil hindi gan'un ang expectations ko sa kanya kaya na-disappoint ako.

For the Rest of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon