one

14K 652 153
                                    

Papasikat na 'yung araw sa labas. Mula sa hinihigaan ko, kita ko nang nagliliwanag 'yung langit. Mapungay 'yung mga mata ko pero ayoko nang matulog. Hihintayin ko na lang na tuluyan nang magliwanag o kaya magising 'yung asawa ko, kung ano ang mauna.

Ang ganda, ganda, ganda rito sa Maldives. N'ung unang lumapag 'yung sinasakyan naming sea plane sa dagat, parang sa dinurog na aquamarines, perlas at diamante kami nag-land. Parang imposibleng gan'un kaganda 'yung lugar. Hindi na kami dumaan sa reception area nila kasi dito na kami pinatuloy sa villa namin na parang nasa gitna ng dagat. Pinakadulo siya at pinaka-pribado at halos sing laki ng bahay namin. Dito na nila kami pinag-check in at ipinaghanda ng tanghalin, 'tapos eh halos buhatin ko 'yung tatlong staff ng hotel para paalisin na sila, para ma-sampolan na ng honeymoon 'yung king-size bed.

Di pa kami bumabangon mula n'un.

Nilingon ko 'yung asawa ko na mahimbing ang tulog sa tabi ko. Nakadapa siya, natatakpan ng kumot 'yung kaseksihan niya at nakayakap 'yung isa niyang braso sa baywang ko. Magulo 'yung buhok niya, may linya siya sa pisngi, rashes sa gilid ng leeg at chikinini sa kurba ng balikat. Siya 'yung pinakamagandang babae sa balat ng lupa at langit sa 'kin.

Maingat kong nilapit 'yung mukha ko para halikan siya sa noo. Umakyat sa dibdib ko 'yung braso niya at kahit tulog siya, kumurba sa batok ko 'yung palad niya. Ngumiti ako at muling tumingin sa nagliliwanag na kalangitan sa labas.

Tahimik ang paligid. Hindi lang dahil umaga pa lang pero tahimik talaga dito sa lugar namin. Ang naririnig ko lang eh 'yung paghinga ni Meredith, 'yung tibok ng puso ko at 'yung mga alon.

Unang umaga ko pa lang, ayoko nang umuwi. Thank you sa honeymoon, Daddy Eman! At thank you rin po para sa anak niyon.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako ulit hanggang sa maramdaman kong may kumakagat-kagat sa balikat ko, sa gilid ng leeg at sa panga ko. Pinigil ko 'yung ngiti ko.

"Susko, baby girl, parang awa mo na. Wala na akong katas."

Napabangon ako sa double nipple twist niya. Malakas siyang tumawa kaya nilundag ko siya, niyakap siya sa baywang saka siya inihiga sa kama at dinaganan. Sumubsob ako sa boobs niya sabay ungol kasi ang lambot... 'tsaka ang bango... 'tsaka ang lambot.

"Ash," tawag niya habang hinahaplos 'yung buhok ko. "Gugutom ako."

"Teka, patigasin ko muna."

"Sira!" tawa niya sabay tulak sa 'kin.

"Bakit? Di ba healthy breakfast 'yun? May fructose, phosphorus, potassium, amino acids, citric acid... hindi mo na kailangang bumili ng supplements kung i-jlow bob mo ako araw-araw."

Bumungisngis siya. "Ang generous mo talaga."

"Siyempre, mahal kita eh."

Gumulong siya para makabangon. Medyo malayong gulong kasi malaki 'yung kama.

"Gusto ko ng totoong pagkain."

Dinampot niya 'yung T-shirt kong nasa sahig at 'yun muna ang isinuot. Sa kanya lang talaga ako natutulala kahit pa 'yung gawin lang naman niya eh hilahin mula sa ilalim n'ung T-shirt 'yung buhok niya. Bumangon na rin ako at naghila pasuot ng shorts saka ko siya sinundan papunta sa private deck sa likod ng villa namin.

Malaki rin 'yun, may isang banda na may sofa at coffee table, may lugar na may isang bilog na mesa at dalawang upuan para kung gustong doon kumain, may duyan, may lounge chairs, at may jacuzzi sa isang banda na kasya ang anim na tao. Paglampas ng deck, may mga baitang pababa ng dagat.

"Ash!" masayang tawag ni Mere na inaabot 'yung braso ko. "Oh, my gosh. Manta ray ba 'yun?"

Pati ako natuwa. Bumaba kami d'un sa mga baitang para panoorin siya. Di siya masyadong lumapit sa 'min pero di rin naman ako bababa sa tubig para subukan siyang hawakan ano. Baka bigla akong saksakin n'ung buntot niya, nalintikan pa 'yung honeymoon ko. Pinanood lang namin siyang mag-swimming d'un. Tuwang-tuwa si Mere sa kanya. At tuwang-tuwa naman ako kay Mere. Nang makalayo na 'yung manta ray, tinulungan ko nang tumayo si Mere at inaya ko na siyang magbihis para abutan namin 'yung breakfast buffet.

For the Rest of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon