three

9.6K 430 52
                                    

A/N: Paki-excuse po muna mga errors dito. Unedited po at di ko pa talaga siya binabasa. Gusto ko lang talaga mag-update ngayon. Thank you!

• • • • •

DAHIL kilala ko ang misis ko, alam kong dalawang linggo pa lang, naiinip na siya sa kawalan ng ginagawasa honeymoon namin. Hindi naman sa hindi siya busy kasi kung gising naman siya, kumakain, namamasyal at nakikipag-sex siya sa 'kin. Pero alam mo 'yun? Alam kong gusto na niyang magtrabaho.

Nagbabasa na siya ng business news sa Internet. Ilang beses na rin siyang mabilis na nagta-type sa phone niya. Gan'un lang naman 'yun kapag nag-re-reply sa email. Hindi ako magtataka kung si Sheri ang kausap niya.

Inihilig ko 'yung balikat ko sa hamba ng pinto at ikinrus ang mga braso ko sa dibdib ko habang pinpanood siya. Nakaupo siya sa sofa, nakataas ang mga paa sa coffee table habang mabilis na nag-ta-type. Seryoso ang mukha niya na may VP look pero nakasuot lang siya ng bra top ng isa sa baon niyang bikini at cut-off shorts, kaya nakalantad sa 'kin 'yung makinis at kasalukuyan niyang tanned na balat.

Paka-sexy talaga nitong misis ko.

Nang matagal na pero hindi pa niya ako napapansin, lumapit na ako. Binigyan lang niya ako ng mabilis na ngiti bago binalikan 'yung screen niya. Sinimulan niyang umusog para maka-upo ako sa tabi niya pero isinilid ko 'yung mga braso ko sa ilalim niya para buhatin siya. Napatili siya at tumawa bago ibinalot ang mga braso sa leeg ko, pero inupo ko lang siya sa kandungan ko na para bang naubusan kaming dalawa ng upuan.

"Sige lang," sabi ko sa kanya nang maka-ayos na kaming dalawa ng upo. "Tapusin mo lang 'yang ginagawa mo."

Mabilis niya akong hinalikan sa panga saka binalikan 'yung phone niya. Isinandal ko lang 'yung ulo ko sa pader sa likuran ng sofa habang yakap si Mere, 'tapos pumikit ako. 'Yun lang, masaya na ako.

Saglit lang, ibinaba na niya 'yung phone niya 'tapos eh nagsumiksik na siya sa 'kin.

Nakapikit pa rin ako n'ung haplusin ko 'yung buhok niya. "Bored ka na, baby girl?"

"Of course not," sabi niya na parang pabuntong-hininga na inaantok na.

N'un ako dumilat para tingnan siya. Nakapikit na rin siya pero humahaplos sa balikat at batok ko 'yung isa niyang kamay.

Dumilat na rin siya at tumingala sa 'kin para ngumiti. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Ayoko na nga umuwi eh," dagdag niya. "Kaya lang medyo na-gi-guilty rin ako kasi ito na 'yung pinakamatagal kong bakasyon... na okay lang naman kasi it's our honeymoon."

Tumungo ako at hinalikan siya sa mga labi. "Gusto mo nang mag-set up ng work station dito?"

Nagliwanag ang mukha ni Mere. "May I?" Napangiwi siya. "Pero mag-che-check lang ako ng email and stuff. Hindi ako magtatrabaho." Saglit siyang tumigil pero biglang umiling. "No. Honeymoon natin. Hindi puwede. Ayokong may istorbo."

Mahina akong tumawa. "Okay lang talaga, baby girl."

Ano lang naman 'yung isa o dalawang oras sa isang araw kung 'yun talaga ang gusto niya? Hindi naman ako maramot. Isa pa, alam ko kung gaano siya kahalaga sa opisina nila.

"Sige. Two hours a day lang, max. Emails at tawag lang kay Sheri. No meetings. Ayoko pa maki-meeting. 'Tsaka ikaw na rin. Mag-check ka na rin kay Kuya Lex."

Kahit di na. Kaya na niya 'yun.

Joke lang.

"Buti pa nga. Sige, one to two hours a day lang. At bawal ang meetings."

"Deal," masaya niyang sabi sabay yakap sa 'kin 'tapos di na siya tumuwid ulit. Huminga ako nang malalim at niyakap lang siya nang mas mahigpit.

Mayamaya, hinalikan niya ako ulit sa panga saka siya tumayo mula sa kandungan ko. "I'll order lunch," masaya niyang sabi. "'Tapos work lang ako saglit ah, baby boy."

For the Rest of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon