A/N: Rated SPG... although baka mas may alam pa kayo kay Ash tungkol sa pag-uusapan nila dito. XD
---
ILANG araw matapos 'yung insidente kung saan nag-weaponize ako ng upuan para mag-disable ng manyak, inaya kami ulit nina Kuya Fernando Jose at Ate Marimar na lumabas. Pauwi na kasi sila sa Spain kinabukasan kaya gusto nila kaming kasama sa isang last dinner out at dancing daw. Pumayag kami ni Mere. Kahit hindi kami masyadong nagkaka-intindihan, ayos naman silang kasama. Medyo nakaka-intindi naman ako ng Spanish—medyo lang—at medyo nakaka-intindi rin sila ng English.
Nagpasundo kami kay Kuya Koya sa bahay bago mag-sunset, at dumating kami d'un sa isa sa mga bars ng resort na nasa beach bago lumubog ang araw. May pa-seafood buffet sila d'un at tequila-all-you-can. Kaya n'ung nagkita-kita na kaming apat, kumuha na muna kami ng pagkain. Nag-hoard ako ng oysters kasi mahilig ako d'un pero iniwasan ko lahat ng pagkaing may tulya.
N'ung maka-upo na kami, nagkuwentuhan na ulit sina Ate Marimar at Mere habang kumakain naman kami ni Kuya FJ (Fernando Jose). Jose naman kasi talaga ang pangalan niya 'tapos medyo si Marlon ang naaalala ko sa kanya kasi mabuhok din siya. Si Ate naman eh Maria ang pangalan. Apat 'yun actually, pero Maria daw ang nickname niya.
Nagsindi na ng mga ilaw 'yung mga attendants. Pati 'yung mga kandila sa mesa namin, sinindihan na rin nila. Nagsisimula na rin naman kasi magdilim. Orange na 'yung langit at halos lumubog na 'yung araw.
Pag uwi namin ni Mere, mamimiss ko 'yun, 'yung makita ang sunset sa dagat. Pero alam mo, miss ko na rin naman ang Maynila. Sobrang ganda rito sa Maldives, sanay na ako na paggising ko sa umaga, gugulong lang ako, dagat na, presko ang hangin, at kaming dalawa lang ni Mere lagi, pero iba pa rin kasi 'yung bahay mo, siyempre. Kaya nga rin isang buwan ang honeymoon namin. Tatlong linggo kaming nakabasyon dito, 'tapos isang linggo kaming magkukulong sa bahay namin kasi ayaw pa namin parehong pumasok sa trabaho agad pag-uwi namin. Advantage 'yun na anak siya, at ako naman eh kapatid ako, ng mga CEO ng mga pinapasukan namin.
Nagsimula na rin 'yung music kaya may mga nagsasayaw na sa dancefloor. Kuntento na akong naka-upo sa tabi ni Mere habang sunud-sunod na nagpipiga ng lemon slice o kaya naglalagay ng hot sauce sa fresh oysters sa pinggan ko bago ko 'yun kakainin. Nag-angat ako ng isa, idinikit 'yung dulo ng shell sa labi ko saka ako tumingala para dumulas 'yung talaba sa bibig ko.
Sarap pa ng nguya ko nang pumunta sa hita ko 'yung isang kamay ni Mere. Napalingon ako sa kanya kasi medyo malapit kay Taho Boy—na matagal nang hindi natataho—'yung mga daliri niya, pero hindi naman siya sa 'kin nakatingin kundi kay Ate Maria. N'ung tumingin ako sa tapat, nakatingin din sa 'kin si Ate bago siya nag-ehem, tumungo sa pinggan niya bago mabilis na nilingon 'yung mister niya na masayang kumakain ng king crabs. May mabilis siyang sinabi na hindi ko masyadong naintindihan. May kinalaman sa "dance"? Ngumiti si Kuya, tumango, nagpunas ng bibig, 'tapos tumayo silang dalawa.
"Excuse us!" cheerful na sabi ni Ate bago sila naglakad papunta sa dance floor. Tama pala ako.
Tumungo ako ulit sa pinggan ko at nagpiga ng isa pang lemon slice sa isa pang oyster pero mas tumungo ako kasi bigla kong naramdaman na pinisil ni Mere 'yung hita ko. Lumingon ako ulit sa kanya. Nakatingin na siya sa 'kin.
Alam ko 'yung ekspresyon na 'yun sa mukha niya. Gan'un lagi ang ekspresyon niya bago niya ako i-seduce.
Umangat 'yung isang sulok ng mga labi ko. "Huwag mo kong tingnan nang ganyan, miss. May asawa na 'ko," biro ko pero hindi siya tumawa.
"Alam mo bang ang hot mong kumain ng oysters?" tanong niya na nakatingin lang sa 'kin na medyo kunot pa 'yung noo.
Natawa ako. "Hot? Talaga?"
BINABASA MO ANG
For the Rest of Forever
General FictionON HOLD --- Ang kuwentong walang katapusan (aka Falling for the Billionairess Book 3) Mature content. Reader discretion is advised