Author's Note

8.9K 500 200
                                    

You're still here! Yay! Thank you!

Lagi ko po sinasabi na 'tong kuwento nina Ash at Mere 'yung therapy ko. Kapag malungkot ako, iisipin ko lang 'yung kalokohan ni Ash at 'yung mga reaksyon ni Mere, gumagaan na 'yung loob ko. Kaya unang-una na ako sa mga dahilan kung bakit ipapagpatuloy ko itong kuwento na ito. Dahil kailangan ko para sa sarili ko.

Sa inyong mga nandito pa rin, thank you. Thank you mula sa kaibuturan ng puso ko. Pero huwag ninyong isipin na kailangan n'yo 'tong basahin ah kasi hindi. Alam n'yo naman po ang policy ko. Wala pong pilitan. Kung ayaw na po ninyo at sawa na kayo, no hard feelings. Feel free to stop reading. Basta ako po, hangga't kailangan ko at hangga't kaya ko, magkakasama po kami nina Ash at Mere.

Isa pa po, malamang itong book na 'to ay maging koleksyon na lang po ng mga kuwento ng pang-araw-araw nilang buhay mag-asawa. Wala pong major theme itong libro, walang komplikadong plot (at least as of when I started it) at walang karimarimarin na kontrabida at kagilagilalas na plot twist. Kung 'yun po ang gusto ninyo, marami pong ibang books dito sa Wattpad. This book is just me enjoying the characters who have helped me with my mental health. Si Ash po ang emotional support panda ko.

Lastly, this is not a priority story so hindi po mabilis at regular ang updates nito, although subukan ko rin naman po. Ang priority ko po kasi ngayon ay si Marlon at 'yung manuscripts ko for MSV.

Kung okay po kayo sa lahat ng sinabi ko, then okay! Thank you po.

Again, I would like to say how humbled I am by your support and how grateful I am for everyone of you who loves Ash, Mere and the rest of the gang as much as I do.

Maraming salamat po.

Elise

For the Rest of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon