"Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin" linya ng awitin na tumutugtog sa mall. Ang sarap marinig para akong bumalik sa pagkabata ko. Bumalik sa panahong alam ko pa ang salitang mag-mahal. Ang dami ng nagbago sa paglipas ng panahon lalo sa akin.
Napadaan ako sa isang books store at nag-tingin ng mga libro. Sa dulong bahagi ay may nakakuha ng atensyon ko ang isang nobela na isinulat ni Nobela De Maria. Kinuha ko ito mayroon pa rin pala nito sa mga books store, ang buong akala ko kasi hindi na ito ibinebenta pa. Pagkakuha ko nito ay dinala ko na sa cashier at binayaran.
"Sigurado po kayo rito Ma'am" tanong sa akin ng cashier na para bang takang taka na binili ko ang libro. "Yes, sigurado ako." mahinang sagot ko. Kaya ibinalot na ito ng cashier at nagbayad na rin ako. Pagkatapos nito ay umuwi na rin ako sa bahay. Pumasok na rin ako agad sa kwarto ko at duon nalang binuksan ang librong binili ko.
Iba yung pakiramdam ko ng umpisahan kong basahin ang libro. Bawat salita at pahina at may mga bagay na bumabalik sa akin. Binuksan ko ang cabinet ko at kinuha ang isang malaking kahon. Binuksan ko rin ito at kinuha ang flash drive na laman nito. Isinaksak ko ito sa laptop ko at tila naibalik akong muli sa aking nakaraan. Di ko namalayang bumabagsak na pala ang mga luha ko.
Paano ba ako umabot sa ganito? Bakit naiba na ang lahat? Bakit ang mga akala kong permanente naging panandalian lahat? Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro ang daming masayang pangyayari ng libro at bawat pahina ay may aral lalo't higit sa mga kabanata nito.
Ngunit iba talaga ang dalang damdamin nito sa akin. Kahit na masaya naman ang mga pangyayari ay napapaluha pa rin ako. Gusto kong bumalik nalang ulit sa nakaraan sana maari pang ibalik lahat ng ito. Itong librong ito hindi ko na maisip na ako, ako ang sumulat nito. Librong puno ng saya pero bakit tila ipinagkait sa akin ng mundo.
Nag-bukas bigla ang pintuan ng aking kwarto at pumasok si Eli ang aking kapatid. "Ate may book fair ngayon tara sama ka sa akin bumili tayo ng libro" pangaaya niya sa akin. "Kabibili ko lang kanina sa mall tsaka may kailangan pa akong tapusin sa trabaho ko." pagtangging sagot ko at agad na siyang lumabas at umalis.
Wala na akong interes sa mga book fair sa ngayon. Samantalang dati ay iniiyakan ko pa si mama para pasamahin at payagan akong magpapirma ng libro sa mga paborito kong manunulat. Isa rin kasi sa pangarap ako ang maging sikat na manunulat at mailimbag ang mga isinulat ko. Ngayon ay wala na akong interes ngayon nalang din ako bumili ng libro.
Ifinocus ko na ang sarili ko sa pag-tatrabaho at malayo ito sa hilig ko. Kinalimutan at tinalikuran ko sa loob ng ilang nagdaang taon ang mundong simula pagkabata ay naging tahanan ko. Binura ko at ibinaon sa limot si Nobela De Maria. Inilagay ko rin sa kahon lahat ng alaala at mga bagay na parte ng pagsusulat ko. Ayoko ng muling magsulat hindi ko na kaya pang magsulat ng masayang libro kung ako mismo ang nakabaon sa lahat ng sakit at pagdurusa.
"Ang dating tamis ng pagsasama, nasa'n na ba't sa 'ting dal'wa, ako na lang ang natira" kailan ko kaya muling masisilayan ang iyong mukha. Bakit ako nalang ang naririto at ang dating matamis na pagsasama at napalitan ng sakit at pait. "Kung nasa'n ka man, nawa ay masaya ka na" ang tanging hiling ko ay muli kang makasama pero tila hindi na maaari kaya't sa tuwing maririnig ko ang awiting ito ay labis ang sakit na dulot sa akin.
Ngunit baligtad ng nasa awitin ang nagyari sa akin. Ako naiwan mag-isa at kailangang tumanggap at magpaalam. Kailangan tiisin ang sakit at mag-patuloy ngunit kahit anong pilit ay nag-iintay pa rin ako sa kanyang pagbabalik. Ilang taon man ang lumipas ilang sakit man ang pinagdaanan.
Nakailang sulat ako ng mga librong tungkol sayo habang nag-iintay sa pagbabalik mo at nagtatanong sa sarili ko kung nasaan ka naba. Hanggang sa umabot na sa ayoko ng mag-sulat pa. Tila wala na rin naman itong saysay pa dahil hindi mo na rin naman ito mababasa. Ngunit matapos man ang ang mga nobela at liham pa sa iyo ang pagmamahal ko ay hindi matatapos.
Ipinagpatuloy ko ang pag-babasa ng libro habang patuloy ang pag-iyak ko. Kinuha ko pa ang isang libro sa aking kahon at bigla nalang nahulog ang isang sobreng may liham. Tuloy lang ang pagbagsak ng luha ko habang binabasa ang liham na ito. Isa sa alaala mo sa akin pati na rin ang librong ito na sabay nating isinulat na hanggang ngayon ay wala pa ring wakas ito ang mga naiwan mo sa akin at ang aking sarili na umaasa pang magwakas ang ating istorya na gaya sa nobela isinulat ko ay nagwakas sa masaya.
YOU ARE READING
Hold You In The Sky
Teen FictionThe well-known introverted fiction writer Lilliana, who authored numerous well-known books, was not well-known by her true identity. "Nobela De Maria" was the pen name by which she was known. She kept her identity hidden out of fear of the outside w...