"Ang swerte mo naman ngayon lang ako nakakita ng hand signed niya na libro" nakangiting sabi niya sa akin. Sa haba ng napagusapan namin ay hindi ko manlang alam ang pangalan niya. Nakaalis sila ng hindi ko nalalaman ang pangalan niya.
Finn Dustine sent you a friend request
"Siya ba ito?" tanong ko sa sarili ko. Inistalk ko pa talaga to confirm na siya ito. I accept him mukha namang hindi makalat sa social media. Besides sobrang private ko naman sa social media wala akong masyadong post. Kaya I think okay na rin na inaccept ko siya.
Nakakainis hanggang ngayon hindi pa rin ako makausad usad sa kwento na ito. Bahala na talaga matagal pa naman ang bakasyon matatapos ko rin naman siguro ito. Kaso siguradong sesermunan nanaman ako ni mommy nito. Gusto na niyang matapos ko ito as soon as possible. Iniisip niya kasi na naghihintay na ang readers ko. Hindi ko nga kasi alam ang tunay kong dahilan bakit hirap akong makausad sa kwento na ito.
Kinabukasan bumalik ulit sila Dustine kasama si Theo kaya agad nanaman itong lumapit sa akin. "Ate Lily I have something for you... Chocolates" habang inaabot sa akin ni Theo ang mga dala niyang chocolates. "Thank you Theo" nakangiti kong sagot sa kanya at tyaka ko siya binuhat at dinala sa may pool para makapaglaro na. "Mas gusto pa ng kapatid ko sayo kaysa sa akin" sambit ni Dustine. "Nasanay eh madalas din kasi siya dalin ng mommy at daddy mo sa office" sagot ko.
Itinuloy ko ang pagsusulat habang nasa garden silang lahat. Lumapit sa akin si Theo at nagtanong "Ate, what's that you look so stressed" "I need to finish it kasi agad" sagot ko sa kanya. "Nagsusulat ka" gulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. "Ahm, oo pero for fun lang naman ito" pautal kong sagot. "Theo, let's go na mag-babye ka na kay ate inaantay na tayo nila mommy sa labas" sambit niya kay Theo habang pinupunasan ito ng pawis at inaayos ang gamit. Pagkatapos ay umalis na sila.
Sa wakas nakatapos din ako ng isang chapter ng sinusulat ko. Kaso pakiramdam ko hindi ko gusto ang part na ito ng kwento. Pumasok si mommy sa kwarto ko at tumabi sa akin habang nasa study area ko ako. "Lily, ang baba ng reads ng story mo... Sana anak hindi ito mag-patuloy masisira ang career mo" habang ako ay tahimik lang. "Ayoko lang naman anak na matulad ka sa akin na sumikat na lumubog pa dahil hindi ko pinagisipan ang mga ginagawa ko" dagdag niya habang nakatayo sa harap ng bookshelf ko. Ako ay nanatiling nakatahimik lang. Naging sikat na writer si mommy nuong pagkatapos niyang mag-graduate ng college pero isang libro lang ang naipublished niya dahil nagkaroon na siya ng pamilya.
"Anak, sana maintindihan mo na gusto ko ituloy mo ang pangarap ko... Ayokong matulad ka sa akin alam mo iyan tsaka anak I told you, you should tell everyone about your identity for them to know na anak kita" dagdag niya sa mga pangaral niya sa akin. "Mom, masaya na po ako sa ganito tsaka nag-top naman po ang mga books ko sa mga book store so siguro naman po okay na iyon" sagot ko sa kanya habang patuloy lang na nagsusulat sa notes ko. "Anak naman kasi sinasayang mo ang opportunity mo... Lots of signing events ang pinalagpas mo" habang inaayos niya ang mga libro ko. May mga bagong libro rin siyang binili at inaayos niya ito sa shelf.
Lumabas na si mommy ng kwarto at ang pumasok naman ay ang maldita kong kapatid. "Busy ako kung mag-sesermon ka rin lumabas ka" inunahan ko na siya bago pa siya magsalita. "Grabe ka ate ano ako second copy ni mommy." sagot niya sa akin. "You know ate mapapadalas na talaga si Theo dito they will buy ata yung house near us... Yung binebenta sa may kabilang street" kwento ng kapatid ko habang binabasa ang isa mga libro ko. "Kaya pala sila madalas dito" sagot ko. "Ahm, oo ata kasi hinehelp ni daddy iprocess yung pagbili sa house" dagdag ng kapatid ko.
Ibig sabihin nito hindi lang si Theo ang madalas kong makikita pati rin ang kapatid niya. Pagkalabas ng kapatid ko ay nag-scroll lang ako sa social media ng biglang may nag-message sa akin.
YOU ARE READING
Hold You In The Sky
Teen FictionThe well-known introverted fiction writer Lilliana, who authored numerous well-known books, was not well-known by her true identity. "Nobela De Maria" was the pen name by which she was known. She kept her identity hidden out of fear of the outside w...