"Ate, kailan mo ba balak sabihin na ikaw si Nobela De Maria"
Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng plot ng bagong kwentong sinusulat ko habang paulit ulit si Eli sa mga sinasabi niya. Tuloy lang din ako sa sa mga ginagawa ko ng ihampas niya sa akin ang notebook na nasa mesa ko.
"Ano ba ate kanina pa ako nagsasalita, pero ikaw wala lang parang walang nakikita" malditang sambit ng kapatid ko. "Nakita mo namang may isinusulat ako diba at paulit ulit ka" iritang sagot ko. "Pero ate ilang araw ka na sa kabanata nayan ng isinusulat mo ang tagal mo naman ata" pagtatanong niyang habang nakakunot ang noo. Hindi ko nalang siya pinansin at lumipat ako sa aking kwarto.
Hindi naman ako tinigilan ni Eli at sumunod pa rin siya sa akin. "Don't tell me ate kaya hindi ka makatapos kasi iniisip mo pa rin yung ex mo" sambit niya habang nakatayo sa harap ko at nanghuhusga ang mga mata. "Hindi mahirap lang dugtungan yung part ng story ko, tsaka manahimik ka kasi ng makafocus ako" iritang sagot ko sa kapatid ko.
Lumabas nalang din siya ng kwarto ko at ako naman ay nagpatuloy nalang sa ginagawa ko. Nakakairita rin kasi ang kapatid ko palagi nalang nakasermon ng nakasermon akala mo namang siya ang mas nakakatanda. Hindi lang din naman ako makafocus sa ginagawa ko dahil sa bibig niyang walang tigil.
Wala na talaga akong maisip isulat kaya tumigil na ako at nagpahinga muna bumaba ako sa may kusina at nagmeryenda. Pagkatapos ay tumambay muna ako sa balcony ng kwarto ko at dito ako nag-isip ng isusunod sa kwentong isinusulat ko. Bigla namang tumawag si Krizelle sa akin at like what I expected ito nanaman ang irereport niya. "Hey sis, I saw him at ibang girl nanaman ang kasama" bungad niya sa pagsagot ko ng call. "Please, tama na ayoko ng makarinig ng kahit ano tungkol sa kanya" sagot ko. "Okay okay fine hindi na sinasabi ko lang naman just to inform you kung gaano ka red flag yung ex mo, ikaw lang naman kasi ang hindi nakakakita at patuloy na pinatatawad siya" panenermon nito sa akin. "Okay na, wala na kami itinigil ko na" malungkot na sagot ko bago ko ibinaba ang call.
Lahat sila ay gusto akong ipagamot dahil may sakit na raw ako sa pag-iisip at sobrang labo na ng mata dahil sa hindi ko nakikita ang mga maling ginagawa ng ex ko at patuloy pa rin ako sa pakikipagrelasyon sa kanya. Hindi na raw ako natuto lalo ang kapatid ko palagian pa niyang sinasabi na ang green flag ng mga character sa nobela ko pero sa totoong buhay ay red flag enjoyer ako. Sinabi ko naman sa kanila na simula ngayon aayusin ko na hinding hindi na talaga ako magiging marupok.
Nagbabasa ako ng books at nanunuod ng movies to get some inspiration for my stories. Hayst, wala na talagang pumapasok sa isip ko medyo mahirap na kasi talagang dugutungan ang part na ito. Naiwala ko rin kasi ang unang plot na isinulat ko para rito. Ang kalimutin ko kasi hindi ko malaman kung saan ko nailagay o saan ko ito naiwan. Naging on the spot tuloy ito habang nagsusulat ako ay isinusulat ko din sa notes ko ang plot nito. Naging bago tuloy ito sa akin dahil sanay na akong tapos na ang mga dapat mangyari sa istorya tsaka ko palang ito isusulat.
Isang tambak na ng mga punit punit na papel ang nakakalat sa kwarto ko kakaulit. Samantalang dati ay madali lang ito para sa akin, siguro ay dahil plinano ko ang istorya na ito na maging tungkol sa buhay ko at magkaroon ng masayang wakas. Inis na kasi ako sa lahat ng lalake kaya gusto ko rin na idamay pati ang nasa nobela ko.
Umalis pala ang kapatid ko nalaman ko nalang ng walang pakatok siyang pumasok sa kwarto ko dala ang sandamakmak na libro. "Ano yan panic buying ng libro" pagtatanong ko sa kanya. "Nope, pinabili ni mommy yan para daw matapos kana dyan kasi baka daw next year mo pa masubmit sa publishing company yang story mo" sambit niya habang isa isang nilalabas sa paper bag ang mga librong binili niya. "Kaya ko namang tapusin ito tsaka kahit naman malate mapupublish pa rin naman ito" sagot ko sa kanya habang tinitignan ang mga librong dala niya.
Dumating rin si mommy at pumasok sa kwarto ko. "Kwarto pa ba ito ng babae, tignan mo namang Lily ang mga papel na nasa sahig" pasigaw nitong sambit sa akin habang pinupulot ang mga nakakalat na papel sa sahig. Nanatili naman akong hindi umiimik at tinatanaw lang sila ng kapatid ko. "Lily, nakikinig ka ba ang tagal na niyang sinusulat mo nag-iintay ang mga readers mo sa update mo sa platform mo at sa bagong libro mo" sambit sa akin ni mommy at halatang galit siya sa akin. "Mom, matatapos ko po ito mahirap lang po talaga yung part niya ngayon" mahinang sagot ko.
YOU ARE READING
Hold You In The Sky
Teen FictionThe well-known introverted fiction writer Lilliana, who authored numerous well-known books, was not well-known by her true identity. "Nobela De Maria" was the pen name by which she was known. She kept her identity hidden out of fear of the outside w...