CHAPTER 19
AFTER WHAT happen to the hospital ay mas lalong di na umaalis sina kaelum sa tabi ng prinsipe. Laking pasasalamat nila na wala ang duchess amanda upang pagalitan sila.
Napag alaman nilang false alarm lang rin ang pag tunog ng fire alarm, sinadya upang maging paraan sa pagkuha ng prinsipe na hindi naman na tuloy.
Ang babaeng nurse naman ay under protection na ng government, dahil may posibilidad na babalikan ito ng taong nag utos rito.
Laking katanungan pa rin kay kaelum kong sino ang may pakana ng lahat ng pangyayari sa buhay ng prinsipe. May hinala syang iisa lang ang mastermind ng lahat, at sumusunod lang ito sa utos. He can’t help but wonder that there is really a traitor within them, but for now he remain silent and keep on observing.
“You look good in your cloth, chico” agad na napatingin si kaelum sa prinsiping papalapit sa kanya habang suot nito ang pang royalty na kasuotan.
Napatingin naman sya sa sarili nya na suot ang puting eleganting tuxedo, para na rin syang galing sa maharlika na pamilya dahil sa suot nya. Kahit mismo sa sarili nya ay di nya maitatangi na bagay nga sa kanya ang kasuotan.
“and you look good too, your highness” magalang na sabi ni kaelum.
Nasa silid na kasi sila kung saan gaganapin ang welcome party, at marami na syang nahahagilap ng official at mga Journalist na umaaligid lang sa loob. Naka stand by na rin ang mga kasamahan ni kaelum.
Pa simple lang nakikipag halubilo sa mga bisita ngunit kinikilatis bawat isa. Bantay sirado ang bawat galaw ng lahat.
He can’t act shamelessly here, at baka pag pyestahan pa sila ng media.
Simple lang ang disenyo sa loob, pero makikitaan naman ng pagka elegante, habang may maalon na tugtug upang pang pa dagdag sa kaligayahan ng mga bisita. Lahat ay may kanya kanyang ginagawa habang hinihintay ang pag dating ng presedente kasama ang duchess amanda.
“Come on, stop being serious and respectful around me, it feels like you are seducing me” mapang larong sabi ng prinsipe.
‘sana pala ay binalian ko muna sya ng buto, para hindi sya malayang makakapag lakad ngayon’ sabi ni kaelum sa sarili kahit na ang makikita sa mukha nito ay kalma lang.
Pero alam naman ni kaelum na kahit walaan nya ng kakayahang makapag lakad ang prinsipe ay di naman nito mapipigilan ang bibig nito na kahit ano na lang ang mga salitang binibitawan.
Siguro kong sila lang dalawa ay kaya nyang sabayan ang hirit ng prinsipe, pero hindi nya magawang gumawa ng bagay na maaaring ikakapahamak nito.
Naging seryoso naman si hage ng wala syang makuhang sagot kay kaelum.
He is now starting to hate this party. Hindi na nagugustuhan ng prinsipe ang nakikita nya.
The prince thinks that if Kaelum will only act cold and not talk with him like how they used to, then he might just leave even though the party isn't starting yet.
Agad namang napa alerto si kaelum ng bigla na lang lumapit sa kanya ang prinsipe, mabilis naman itong napa tingin sa paligid at laking pasasalamat nya at walang nakatingin ngayon sa gawi nila.
“what do you think you're doing your highness?” mahina ngunit may diin na pag kakatanong ni kaelum sa prinsipe at sumubok na itulak ito palihim pero napitlag sya ng bumulong pabalik sa kanya ang prinsipe na puno ng awtoridad at kalamigan.
“once the duchess arrive, we’ll leave this party after I give my greetings.” pagkasabi nito ng prinsipe ay ito na mismo ang kusang lumayo at nag lakad patungo sa ibang mga opisyal upang makipag usap.
BINABASA MO ANG
HANDS UP, YOUR HIGHNESS!
RandomBxB Taglish A good-looking and straight-as-uncooked-spaghetti military policeman, Kaelum Zephyr Buendia, thought his military leave would be fun, but it was disrupted when he was immediately summoned to their headquarters for his new assignment. He...