CHAPTER 35

190 8 0
                                    

CHAPTER 35


NAGISING SI SAMUEL na katabi parin ang binatang si caleb. Saglit nyang pinasadahan ng tingin ang binata ngunit agad rin na binawi at inabot ang kanyang cellphone na nasa bedside table. Tinignan naman nito ang oras at pasado ala-una na ng umaga. He only has three hours of sleep.

Maingat naman sya na umalis sa pag kakahiga upang di magising ang binatang si caleb. Ngayon na nailagay na nya ang mismong tracking device kay caleb ay wala na syang dapat ipag alala kung mawala man ng bigla ang binata dahil mabilis nya lang itong ma tratrack.

Tumingin naman si samuel sa gawi ng higaan ni zeke, ngunit wala na doon ang binata. Bago maispang umalis sa silid ay uminom muna sya ng tubig at tinignan ulit si caleb na mahimbing parin ang tulog.

Tahimik nyang tinahak ang daan papunta sa kwarto ng prinsipe. Nang marating nya ito ay minabuti nyang walang nagbabantay sa pintuan sa kwarto ng prinsipe. Isang katok lang ang ginawa ni samuel at maingat na binuksan ang pintuan.

Nang tuluyan na nga syang makapasok ay nakita nya ang prinsipe at si zeke katabi si rune at lyn na naka upo na sa sofa.

"Glad to see you back, raf." bati ni samuel kay rafael ng makita nya itong naka tayo malapit sa kina uupuan ni Hage. "akala ko ay mahabang oras pa ang byahe mo bago ka makarating rito" karugtong pa nito at umupo na rin sa bakanting upuan.

"There is no time to waste, when the prince needs my assistance" sagot naman ni rafael kay samuel na kinatango lang ng binata bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Rafael.

"Mamaya na yang pagbabati nyo, pag usapan na natin kung paano mahahanap si kaelum" singit na sabi ni Lyn na kina sang ayon naman ng lahat.

"Nilagyan ko na ng tracking device si caleb, I really hope na di nya iyon mamalayan" samuel said with full of hope and seriousness.

"Hindi parin ako makapaniwala na traydor si caleb" malungkot na sabi ni lyn at ang tingin ay nasa kawalan lang.

"Ako rin," pag sang ayun ni zeke at tinignan ang binatang si samuel "But are you okay with this, sam?" tanong nito.

Nakunot naman ang noo ni samuel sa tanong ni zeke sa kanya "what do you mean?" tanong nito pabalik kay zeke, ngunit sa halip na si zeke ang sumagot ay mismong ang prinsipe ang sumagot.

"Among the four of you, you are the closest to Caleb, and just by looking in your eyes, I can tell that you admire him. Are you really willing to take our side to capture him, or will you follow after him?" Puna ng prinsipe.

Samuel was too stunned to answer, but he knew the weight of his answer could change everything. Hindi nya aakalain na sa kanya pala mag sisimula ang usapan, pero naiintindihan naman nya na naninigurado lang ang prinsipe.

Samuel tried to maintain his composure, "I know Caleb better than anyone," he finally said, his voice steady. "I know his strengths and his weaknesses. If he truly is a threat, then I'll do what's necessary to stop him."

Tiniganan naman sya ng maigi ng prinsipe at ni rafael at kalaunan ay napatango na rin ang dalawang binata, "very well, then let's start with our plan" pag putol ni rafael sakatahimikan na namayani sa silid ng prinsipe.

"Sooner or later Caleb will surely go somewhere that could lead us in finding kaelum." turan ng prinsipe habang ang iba ay nakikinig lang ng maigi, hinaayaan na mismong ang binata lang ang mag salita.

"So samuel, you need to keep on tracking about caleb's where about every single time" utos ng prinsipe sa binata na nakikinig lang. "We really don't have much time, so we have to move quickly" rugtong pang sabi ni Hage sa kanila.

HANDS UP, YOUR HIGHNESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon