CHAPTER 32

95 4 1
                                    

CHAPTER 32

"ANO SABI NI BOSS?" bungad na tanong ni zeke kay samuel na kakapasok lang sa kwarto nilang tatlong lalaki, ngunit ngayon ay kasama nito si lyn na naka pukos ang tingin sa nilalaro nitong baraha.

"Ang tagal mo atang nakabalik sam" sabi naman ni lyn ng di inaalis ang tingin sa braha nya.

Deretso namang humiga si samuel sa kama nya at nakatingin lang sa kisame sabay buntong hininga.

"Lyn, Kaelum wants you to follow Lady Yuna." turan nito sa dalaga sabay bangon sa pag kakahiga at nanatili nalang naka upo sa kama at tinignan si zeke na nakikipag laro rin kay lyn. "Samahan mo si lyn, zeke" sabi naman ni samuel rito.

"Noted"

"Okay"

Sabay sabi ng dalawa at nag patuloy na sa pag lalaro. Kumunot naman ang noo ni lyn ng maalala nyang di pa sya sinasagot ni samuel sa tanong nya nito kanina.

"So bat ka natagalan sa pag balik?" tanong ulit nito kay samuel na naka upo lang sa kama at ang tingin ay nasa kanila na nag lalaro.

"Nakipag harutan pa kasi si kae sa prinsipe nyang ungoy, pinag antay ako ng mahigit dalawang oras sa palace ground" busangot na sabi ni samuel sa dalawa na kina tawa nina lyn.

Sa isipan ni lyn, kaya pala tila wala sa mood si samuel dahil nag antay ito ng matagal kay kaelum, sa kanilang apat si samuel ang walang pasensya sa paghihintay. Ayaw na ayaw nito ang mag intay ng matagal, pero dahil si kaelum ang kakausapin nya ay wala ito magawa kung hindi mag timpi at mag antay.

Napatingin naman si samuel sa kabuuhan ng kwarto at napa kunot ang noo ng malamang wala si caleb sa silid.

"Where's caleb?" tanong nito sa dalawa.

Napatingin naman si zeke sa kanya bago ito sinagot, "sabi nya ay maglilibot lang sya sa palasyo at humanap ng makakain" sagot nito kay samuel.

"Nang umalis ka kanina ilang minuto ang nakaraan ay umalis rin sya, akala ko nga ay mas mauuna syang babalik rito dahil mag lilibot at pagkain lang naman ang sadya nya" sabi naman ni lyn rito.

"You shouldn't let that dog escape. Alam nyo naman na umiiwas yong mautusan" pailing iling na sabi ni samuel at tumayo na sa higaan sabay lapit sa dalawa.

"Tigilan nyo na yan at gawin nyo na ang inutos ni kaelum" sabi naman ni samuel, nakina busangot ng dalawa.

Nagsitayuan naman sina zeke at lyn at si samuel ang pumalit sa pag kakaupo ng dalawa, habang labag sa loob na tinungo nila lyn ang pinto balabas upang simulan ang utos na binigay sa kanila ni kaelum.

Sa halip na buksan ni lyn ang pintuan ay nauna na itong magbukas galing sa labas. Bumungad sa kanila si caleb na may bitbit na ibat-ibang pagkain habang ang bibig rin nito ay puno at may kagat pa itong tinapay.

Napatampal naman sa noo si lyn sa nasaksihan niya 'ang takaw talaga nito' turan ni lyn sa kanyang isipan. Habang si zeke naman ay natawa ng mahina dahil sa itsura ni caleb.

Nginitian naman sila ni caleb, "hseicbynmqymcunzg" turan ng binata sa dalawa

"Ha?" lutang na sabi ni lyn, sinusubukang intindihin ang sinasabi ni caleb.

"Pumasok ka na nga lang, may gagawin pa kami" sabi ni zeke at tinulak na papasok ng silid si caleb at di na pinakingan ang pinag sasabi nito dahil wala naman silang maintindihan.

Isinawalang bahala nalang ni caleb ang dalawa at naglakad patungo sa coffee table upang malagay nya ang dala ng pagkain at umupo sa tabi ni samuel.

"Gusto mo?" tanong ni caleb kay samuel sabay lahad ng tinapay na may kagat na nya.

HANDS UP, YOUR HIGHNESS!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon