CHAPTER TEN
MULING kinatok ng nasa labas ang bintana ng kotse ni Ingrid kaya napilitan siyang muling idilat ang mga mata. Subalit talagang si Earl Miguel ang naroon. Sumenyas itong buksan niya ang pinto sa driver’s side. Tumalima naman siya kahit naguguluhan pa rin. Saka pa lang niya napansin na kotse nga nito ang muntik na niyang mabangga. Nakatabi na iyon sa gilid ng kalsada.
“Move over, Ingrid,” utos na naman nito na sinunod pa rin niya.
Lumulan nga ito at isinunod nito ang kanyang sasakyan sa likuran ng kotse nito.
“Come here,” anito pagkuwan, nakabuka ang dalawang bisig na nag-aanyayang pumaloob siya roon.
Doon na siya tila nahimasmasan. “No.”
“You’re upset,” anito matapos siyang mapag-masdan. “No wonder na muntik mo na akong mabangga. What’s wrong? Kagagaling mo lang sa pag-iyak.”
“Ano’ng ginagawa mo sa lugar na ito?” ganting-tanong niya rito.
“Papunta sana ako sa inyo. Ang akala ko’y nakauwi ka na nang hindi kita dinatnan sa opisina n’yo.”
“Bakit?”
“I want you to have this,” sabi nitong inilabas mula sa bulsa ang isang maliit na velvet case.
Napakagat-labi siya. “Ano pa ba ang gusto mong palabasin?” galit niyang saad. “Ikakasal na kayo ni Olene pero gusto mo pa akong lokohin.”
Ito naman ang nagulat. “Sino’ng maysabi?”
“Siya!” singhal niya rito. “Dinig na dinig ko kanina sa gym ang sinabi niyang magpapasukat na siya ng gown kay Rajo by the end of this week. Magpapakasal na raw kayo dahil you are madly in love with each other. At ‘tapos eto ka at bibigyan ako ng engagement ring? Lubayan mo na ako, Mig.”
“So, kaya ka pala upset. Kaya ka wala sa sarili ay dahil nasaktan kang malaman na ikakasal na ako sa iba.”
Nanghihinang itinuon niya ang tingin sa labas ng bintana. “Iwan mo na lang ako, please.”
“I can’t do that. Unang-una, hindi naman ako ikakasal kay Olene. I’m sure nag-iilusyon na naman ang babaeng ‘yon. Hindi niya kasi matanggap na iba na ang mahal ko at ako pa ang nagbitiw ng salitang tapos na ang lahat sa amin.”
Napatingin siyang muli rito. Kinuha niya ang kahitang nakaumang pa rin sa kanya at ibinaba iyon sa dashboard. “Paano kita papaniwalaan?”
Malungkot itong tumitig sa kanya. “I guess I can’t prove that to you hangga’t hindi lumilipas ang mga araw at wala pa ring nagaganap na kasalan sa aming dalawa. Sweetheart, you have to believe me. Gustung-gusto ko nang magkaroon ng sariling pamilya pero hindi ko pinatulan ang pakikipagbalikan sa akin ni Olene simply for the sole reason na hindi ko na siya mahal. I got over her because of you.” Tila desperado na itong maipaintindi iyon sa kanya.
It was liberating to know pero nasa isip pa rin niya ang alinlangan.
“You love me, too, don’t you?”
“Yeah...” Ni hindi siya nagtangkang maglihis ng tingin.
For once ay ayaw na niyang itago ang katotohanang iyon sa harap nito. Kung gagamitin nito ang bagay na iyon upang pagmalakihan siya nito at tapakan nito ang kanyang pride, so be it. Hahayaan niyang lumobo ang ego nito kung mangyayari man iyon. Mas makakaluwag iyon sa dibdib niya kaysa ang patuloy siyang magkunwari na hindi siya nito apektado.
“Mahal nga kita. I tried not to...” May bumikig sa lalamunan niya sa pagkakataong iyon.
Punung-puno ang dibdib niya sa mga nag-uumalpas na emosyon. Palalayain niya ang mga iyon ngunit natitiyak niyang hindi lahat ay mapalalabas niya. “Dahil nariyan lang si Olene na minahal mo for several years already, at dahil na rin sa napagkasunduan nating drama. But it’s hard not to fall in love with you. Kaya nga hindi mahirap sa ‘kin ang magpanggap. Dahil hindi naman talaga ako nagpapanggap lang.”
YOU ARE READING
Baka Mahalin Kita by Dawn Igloria
General FictionBAKA MAHALIN KITA by Dawn Igloria Published by Precious Pages Corporation "You are great... beautiful inside and out... and so easy to please. With you, I can be myself. Just looking at you brings me so much happiness. Now tell me, paanong hindi kit...