CHAPTER ELEVEN
NAGDAAN ang isang linggo na hindi nga nakipagkita kay Ingrid si Earl Miguel. Ngunit nakikita niya itong nakatanaw sa kanya mula sa malayo kapag lumalabas siya ng kanilang bahay sa umaga, ganoon din kapag lumalabas siya mula sa kanilang office building sa hapon.
Nang sumunod na weekend ay nakita pa niya ito sa Paete, Laguna, na nagkataong lugar ng kanilang latest assignment para sa Cruising. Talaga yatang hindi ito makatiis na hindi siya makita. Hindi naman ito lumapit sa kanila kahit kinawayan ito ni Bing. Gumanti lang ito ng kaway at lumayo na.
She already missed him so badly that she thought what she had suggested was sheer stupidity. Pinahihirapan lang niya kapwa ang kanilang mga sarili. Lumipas ang isang buwan ay ganoon pa rin ang ginagawa nito. Nang umabot ng dalawang buwan ang panahong hindi sila nagkakausap, lalo pang tumindi ang pangungulila niya rito. But he maintained his distance.
Lumalakad na sa tatlong buwan ang hindi nila pag-uusap ay hindi na siya nakatiis. Hindi siya makokontentong patanaw-tanaw lang sila sa isa’t isa gayong maaari naman silang magkasama nang mala-pitan. She had to do something bago pa siya mabaliw.
Nagpaabiso siyang hindi papasok kinabukasan nang umaga sa opisina. Tumawag din siya sa isang kilalang flower shop at nagpa-deliver ng isang bungkos ng puting anthurium at iniimbak niya sa refrigerator. Madaling-araw pa lang kinabukasan ay ginising na niya ang kanilang maid at nagpatulong ditong magluto ng almusal. Maaga rin siyang naligo at nag-ayos ng sarili. Tulog pa ang kanyang mga magulang nang umalis siya ng bahay, bitbit ang mga nilutong almusal.
Pumuputok pa lamang ang araw sa silangan ay nagdo-doorbell na siya sa harap ng tarangkahan nina Earl Miguel. Napakalaki at napakaganda ng mansiyong iyon. No wonder na hangarin nitong magkaroon ng maraming anak. And how she loved the idea of having lots of children from him. Isang katulong ang humarap sa kanya.
“Good morning,” nakangiting bati niya rito.
“Good morning din po.” Napagaya rin ito ng ngiti. “Ano po’ng kailangan nila?”
Hindi na niya nasagot ang tanong nito dahil may isang pigura na nagmamadaling lumabas ng front door patungo sa kanila.
“Ingrid...?” usal ni Earl Miguel na bahagya na lang niyang narinig. Hindi makapaniwala ang ekspresyong nakapinta sa mukha nito.
“H-hi, Mig. Good morning.” Agad siyang ninerbiyos nang magtama ang kanilang mga mata.
Pinagpawisan siyang bigla ngunit nanlalamig naman ang kanyang mga kamay. Pinapasok na nito sa loob ang katulong at ito na ang nagbukas ng gate para siya makapasok.
“Is there something wro—” Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang makita ang tangan niyang pumpon ng white anthuriums at paper bag.
“For you—” Buong tamis na nginitian niya ito habang iniaabot dito ang mga bulaklak. “A-and I... I brought you some breakfast.”
Napatitig ito sa ibinigay niya. “W-what’s the meaning of this?” Nahawa na yata ito sa pagkautal niya.
Napabuntong-hininga siya upang kalmahin kahit paano ang nerbiyos niya. “There’s really no easy way to tell a man that I love him and that I want to marry him,” mabilis niyang bigkas bago pa siya panawan ng lakas ng loob.
“Right now?” mabilis din namang tanong nito.
Napatitig siya rito. “What do you mean about ‘right now?’”
Unti-unti nang nagliliwanag ang anyo nito. Napunit na rin ang isang masuyong ngiti sa mga labi nito. “Papayag kang magpakasal na tayo ngayon?”
“P-puwede ‘yon?” nauutal na namang sagot niya.
Nagulat siya sa bigla nitong ginawa. Inalis nito sa kamay niya ang paper bag at inilapag iyon sa pavement. Ipinatong din nito roon ang pumpon ng mga bulaklak. At pagkatapos, walang sabi-sabing binuhat siya nito kasabay ng isang malakas na sigaw. “Yahoo!”
Sandali lang nito iyon ginawa at kaagad din siyang ibinaba. Ikinulong nito sa magkabilang kamay ang kanyang mukha. “Sweetheart, do you really mean what you said?”
Hindi niya ito masisisi kung hindi pa rin ito makapaniwala. After all, hindi nga naman conventional na may babaeng nagpo-propose ng kasal at sa ganoong saksakan pa nang aga!
“Yeah. Alam mo namang mahal kita, ‘di ba? Pero ngayon, tiyak na akong gusto ko ring pakasal sa ‘yo. If your offer still stands, that is.”
Idinikit nito ang ilong sa kanyang ilong at pinagkiskis iyon. “Silly, alam mong wala akong ibang iniisip sa loob nang mga nagdaang buwan kundi ang makasal tayo. Tapos na nga ang bahay na titirhan natin—”
“Wait, ‘di ba dati ka nang nagpatayo ng bahay n’yo ni Olene?”
“Matagal ko na pong ibinenta ‘yon. I sold it after I said I love you. Iyon ang inasikaso ko no’ng pagkagaling natin sa Corregidor.”
Hinaplos ng mga salitang iyon ang puso niya.
May kinapa ito sa bulsa at inilabas nito ang kahitang ibinibigay nito sa kanya noon. “Lagi itong nasa bulsa ko just in case na dumating ang mga ganitong pagkakataon.”
Bahagya siyang natawa dahil medyo gasgas na nga ang velvet case niyon. Nang buksan niya ang kahita, isa iyong pink diamond na noon pa lang siya aktuwal na nakakita. Sa pagkakaalam niya ay isang Hollywood actress pa lang ang mayroong ganoong engagement ring. “I-I thought na ang laman nito ay ang singsing na ibinigay mo kay Olene noon.”
“Hindi na naman tayo nagpapanggap ngayon. At hindi ko ide-degrade sa ganoong paraan ang aking future wife.” Kinuha nito ang singsing sa kahita at isinuot sa kanyang daliri. Hinagkan nito ang daliring iyon.
“You have no idea kung gaano kahirap sa akin ang umasa at maghintay these past few months,” anas nito na pinagdikit naman ang kanilang mga noo. “But I love you with the love na kahit pa ilang taon ay magagawa kong maghintay for as long as I knew that you love me, too.”
At nang maglapat ang kanilang mga labi in a soul-shattering, heartbeat faltering, core-rocking kiss, wala na siyang duda na nagsasabi nga ito ng totoo.
“Sweetheart...” humihingal nitong sabi nang saglit silang magkalas. “Puwede tayong sumaglit ngayon sa office ng kakilalang judge ng father ko... for us to get married today.”
“Yes!” sang-ayon niya, habol din ang paghinga.
“Pero siyempre, kakainin muna natin ang breakfast na inihanda mo.”
She nodded, beaming to the most loving man she would love to wake up with for all the mornings of her life. Akmang hahalikan na naman siya nito nang makarinig sila ng tinig sa kanilang likuran.
“Mamaya na ‘yan, mga anak. Pagsaluhan na muna natin sa komedor ang almusal na dala ng mamanugangin ko at nang maaga tayong makapunta sa judge.”
Sabay silang nagkatawanan ni Earl Miguel. Natitiyak niyang may katagalan nang nanonood sa kanila ang mama nito. “I like your mother, darling.”
“Much better than your strict father, sweetheart?”
Nagsalo silang muli sa malulutong na halakhak. Saka na nila iintindihin ang kanyang ama. Kung kasal na sila ni Earl Miguel ay tiyak na wala na itong magagawa pa.
“Don’t worry,” bulong nito dahil malapit na ang kanilang distansiya sa ina nito.
“Pakakasal naman tayo ulit sa simbahan. Pero pagkatapos na ng honeymoon, siyempre.”
At wala siyang balak munti man na tutulan iyon.
•••WAKAS•••
YOU ARE READING
Baka Mahalin Kita by Dawn Igloria
General FictionBAKA MAHALIN KITA by Dawn Igloria Published by Precious Pages Corporation "You are great... beautiful inside and out... and so easy to please. With you, I can be myself. Just looking at you brings me so much happiness. Now tell me, paanong hindi kit...