Chapter Eight

487 7 0
                                    

CHAPTER EIGHT

“P-PAPA, do you have a minute?” Hindi maiwasan ni Ingrid na sagian ng kaba nang mag-angat ng tingin ang kanyang ama.

Pumasok siya sa loob ng study nang walang imik nitong hinihintay ang sasabihin pa niya sa halip na sumagot. Tulad ng dati ay pormal na naman ang anyo nito. He seemingly loomed larger than life habang palapit siya sa kinauupuan nitong swivel chair sa likod ng oak desk nito. Pasimple siyang humugot ng hininga matapos maupo sa leather couch na nakaharap dito. Pinihit din niya ang engagement ring na matagal nang ibinigay sa kanya ni Earl Miguel.

Kahapon lang niya nakuhang isuot iyon. “It’s about... about E-Earl Miguel, Papa. Ahm, b-boyfriend ko na siya.”

Nakita niya ang pagpitik ng kalamnan nito malapit sa panga. Nadagdagan tuloy ang nararamdaman niyang kaba sa dibdib. Ilang sandali pa itong hindi umimik. Narinig lang niya ang tinig nito nang tumayo ito mula sa swivel chair at lumapit sa picture window na nakaharap sa kanilang hardin sa likod-bahay.

“Kailan ka niya pakakasalan?”

Hindi niya inaasahang iyon ang itatanong nito. “Kasasagot ko lang po sa kanya. Hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa kasal.”

“Then, sa susunod na magkita kayo, alamin mo sa kanya kung kailan ka niya pakakasalan.”

Matigas ang tinig nito na waring nagpipigil na magtaas ng boses.

“Pero, Papa, hindi ko po magagawa ‘yon.”

Hinarap siya nito na galit ang anyo. “At bakit hindi?”

Pilit niyang itinaboy ang dumagsang kaba sa dibdib niya. Tila iba ang nararamdaman niya sa tono nito. Parang may iba pa itong ikinagagalit. “Siya po ang lalaki. Sa kanya dapat magmula ang pag-aalok ng kasal. Nakakahiya naman po—”

“Niligawan ka niya nang wala siyang intensiyong ituloy iyon sa kasal?” bulalas nito sa mataas na tinig. “Oy, Ingrid, ayoko nang makakarinig ng sumbong ng kung sino na nakipagkita ka sa lalaking ‘yon nang hindi ko alam. Baka akala mo’y hindi ko alam na nagpupunta kayo sa kung saan-saan ng lalaking ‘yon?”

“Papa, kung si Monchito ang tinutukoy n’yong nagsusumbong sa inyo—”

“Don’t ever deny that you and Earl Miguel are going out behind my back, Ingrid!”

Hindi siya nakaimik sa bantang nakita niya sa mga mata nito.

“As soon as he confirmed to you kung kailan ka niya pakakasalan, I’ll be expecting na magsasabi kayo sa amin ng mama mo kung kailan mamamanhikan dito ang mga magulang ni Earl Miguel.” May diin at pinalidad sa bawat salita nito.

“I-itinataboy n’yo na akong mag-asawa, Papa?” lakas-loob niyang tanong. Iyon ang unang sumagi sa isip niya sa mga sinabi nito.

“I am just making sure na hindi ka lolokohin lang ng lalaking ‘yon.”

“I thought okay naman po sa inyo si Earl Miguel...”

“But that doesn’t mean na magtitiwala na akong kasa-kasama mo siya habang hindi pa kayo nakakasal.”

“D-don’t you trust me anymore, Papa?” tanong niya ritong may kalakip na sama ng loob.

“Sa iyo, mayroon. Pero sa lalaking iyon at sa kahit sinong manliligaw n’yo ni Gretchen, wala!” pananalampak naman nito.

Wala siyang nagawa kundi ang magpaalam na rito. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang mentalidad ng kanyang ama. Kung bakit ganoon na lamang ito kawalang tiwala sa mga lalaking lumalapit sa kanila ng kanyang kapatid. Hindi niya masisisi si Gretchen nang ipagtapat nito sa kanya na isang taon na lang ang hihintayin nito at ni Marlo. Kapag hindi pa rin daw pumayag ang ama nila sa relasyon ng mga ito, magtatanan na lang ang dalawa.

Baka Mahalin Kita by Dawn Igloria Where stories live. Discover now