Chapter Nine

525 8 0
                                    

CHAPTER NINE

KINABUKASAN nang umaga, abala si Ingrid sa pagrebisa ng mga pictures na kinunan niya sa Kalinga. Pinipili na niya roon ang mga kuhang dapat niyang ibigay kay Igor na pagpipilian nito para sa ilalathala nilang issue ng Cruising.

“May taong naghahanap sa ‘yo, Ingrid,” pagbibigay-alam ng kapapasok na si Igor. “Nando’n sa outer office.”

“Sino?” usisa niyang hindi ito tinitingnan.

“Malay. Ipinasabi lang naman sa akin ni Bing.”

Sinamsam muna niya ang mga larawang napili at ibinigay ang mga iyon dito. Almost coffee break na at nais naman niyang may matapos na trabaho bago dumating ang oras na iyon. “Eto na ‘yong sa Kalinga, napili ko na.”

“Thanks.”

Nasa pintuan pa lang siya ng outer office nila ay bumagsak na ang loob niya nang makita kung sino ang taong naghahanap daw sa kanya—si Olene. Kasabay sa pagpapanatag sa sarili, pasimple siyang humugot ng hangin sa dibdib bago niya ito nagawang lapitan. Friendly ang pagkakangiti nito sa kanya. And to think na napakaabala nitong tao—natitiyak niyang mahalaga ang sadya nito para pag-aksayahan siya nito ng panahong makausap—lalo na ang sadyain pa siya roon.

“Hi,” bati agad nito nang makalapit siya. “I’m Olene Salvador. We weren’t introduced last night but I know you’re Ingrid Sta. Maria.” Inilahad nito ang kamay sa kanya.

Gumanti naman siya ng ngiti at pakikipagkamay. “So, what can I do for you, Miss Salvador?”

“‘Olene’ na lang, please. And may I call you ‘Ingrid’?”

“Sure.”

“Maaari ba kitang makausap kahit sandali lang?”

“Okay. Sa canteen na lang tayo.

Kapwa black coffee ang in-order nila nang makarating sila sa canteen. She thought they would need the perk of strong coffee. Mataman niya itong pinagmasdan habang humihigop sa tasa ng kanyang kape. Tila nawala ang confidence na laging kakambal nito ngayong magkaharap sila. Ramdam niyang hindi nito masimu-simulan ang sasabihin.

“Alam kong tungkol kay Earl Miguel ang dahilan ng pakikipagkita mo sa akin, Olene,” diretsahang saad niya.

“Yeah...” Lumamlam ang mga mata nito. “A-alam ko na pagkatapos ng breakup namin, sa ‘yo nabaling ang pagtingin ni Earl. In a way, I was thankful for that. At least, hindi naging napakabigat ng guilt na naramdaman ko sa aming paghihiwalay.

“You see, I was heading to the top nang hilingin niya sa aking magpakasal na kami. Alam kong masakit sa kanya na pinili ko ang aking career over him but I have no choice. Hindi rin niya ako maintindihan. Kaunting panahon pa sana ang hinihingi ko para maghintay pa kami. And so we decided to p-part.”

Kitang-kita niya kung paano mangislap sa luha ang mga mata nito. Naglisya siya ng mga mata. Nahinto naman ito sa pagsasalita. Talaga palang mahal niya si Mig.

Nagpatuloy na rin ito mayamaya. “Pero mahirap palang pangatawanang makipaghiwalay nang matagal sa taong mahal mo. Nakakapag-isip ka. Nakakapag-timbang. And I realized how important Earl to me was. Wala palang halaga kahit mapunta man sa akin ang pinakamataas na maaabot ng career ko, if the person I was hoping to share it with is not beside me.

“I love Earl Miguel, Ingrid...”

Napatitig siyang muli rito nang marinig niya ang pagmamakaawa sa tinig nito. Nakaamba pa rin ang mga luha sa mga mata nito ngunit halata ang pagsisikap nitong kontrolin iyon.

“I still love him... Deeply,” patuloy nito. “Minahal din niya ako. For over three years he has been loving me faithfully. And I was stupid to let that love go.”

Baka Mahalin Kita by Dawn Igloria Where stories live. Discover now