Chap: Seventeen (Pain)

2 0 0
                                    

Third Person Pov—

Natutulog ng mahimbing ang dalaga sa loob ng sasakyan, nang makarating sila sa kanilang destinasyon ay dali-dali nilang binuhat ang dalagang mahimbing na natutulog.

Pumasok ang mga ito sa loob, at inakyat ang dalaga sa silid at inihiga sa kama. Pero bago ito ay itinali nila ang kamay at Paa para maiwasang tumakas ito, lumabas ang isang lalaki na Naka Man in black. Pumunta ito sa opisina ng kanyang amo at kumatok ng tatlong beses.....

"Come in" malamig na tinig ang narinig nya. Pinihit nya ang doorknob at pumasok sa loob.

"Boss, andito na ang babae na pinapahanap mo!" Magalang na saad nito. Ngumisi ng nakakaloko ang lalaki at sininyasan na umalis na ito, tumango ang lalaki at lumabas ng opisina.

'You can't run and hide from me, darling!' Saad nito sa isipan.

Nagmumuni-muni sya mag-isa ng May kumatok sa pintuan nya.

"Come in!" Malamig na usal nito, bumukas ang pinto at iniluwa roon ang mga kaibigan nya.

"Ey pre! Wassup" pangunguna ng isa, binigyan n'ya lang ito ng malamig na titig, mahina namang natawa ang kaibigan dahil sa pakikitungo nito.

"Why are you here?" Takang tanong nito. Umupo ang mga ito sa sofa at tinignan ang lalaking walang emosyon na nakatingin Sakanila.

"Binibisita ka namin, masama bayun?" Saad ng isa!

"Tsk" sagot ng binata sakanya.

"Pre, bat mo ba pinadukot yang asawa mo? Wag mong sabihin May feelings kajan!" Panunukso ng kanyang kaibigan, binigyan n'ya lang ito ng malamig na tingin....

Ang asawa na tinutukoy nya ay si M, at ang nagpadukot dito ay walang iba kundi Si Theo. Dahil nung umalis ang dalaga ay sya ring pagbisita ng kanilang pamilya..

.

.

.

.

.

Flashback

Nung umalis ang dalaga sa bahay nila ng kanyang asawa ay sya ring pagbisita ng kanilang pamilya, kakauwi palang nun ng binatang si theo, nang madatnan nya ang kanyang mga magulang kasama ang kanyang byanan...

"Ijho! Salamat naman at dumating Kana, nasaan naba ang asawa mo?" Nakangiting wika ng kanyang ina. hindi ito nakasagot kaagad.

"I think, she's in her room!" Kabado bente nyang sagot sa ina, tumango lang ito at ngumiti... Nagpaalam siya sa kanyang magulang at byanan na magbibihis lamang sya, tumango ang mga ito at naglakad na sya paakyat...

Pumasok sya sa kanyang silid at kumuha ng damit sa kanyang closet at nagsimulang magbihis, lumabas sya ng kwarto at nagtungo sa silid ng kanyang asawa. Ngunit kumunot ang noo nya ng makitang May siwang ang kanyang pinto.

Dahan-dahan nyang pinihit ang busol ng pinto, nang mabuksan ay inikot nya ang kanyang paningin sa loob ng silid, hindi nya ipagkakaila na namangha sya sa kulay at disenyo ng silid...

Pero nadako ang paningin nya sa aparador ng dalaga dahil nakabukas ito. Naglakad sya patungo rito at binuksan ang aparador, nagulat sya ng makitang walang laman ang mga ito, halos isang damit ay wala kang makikita.

Napamura sa isipan ang binata habang tumatakbo pababa ng sala kung saan andoon ang kanyang magulang. Nang makababa ay dali-dali nyang sinabi ito sa kanyang magulang na nawawala ang kanyang asawa.

I Was Never YoursWhere stories live. Discover now