"What happened?" I asked, looking at the commotion in the Emergency Room.
"A car accident, I heard the victims are Filipino."
Mga Filipino? Sabagay, maraming Pinoy dito sa Canada.
I wanted to have a look but the place was too crowded so I went back to my ward instead. Aabutin ako ng umaga dahil ngayon palang ang start ng shift ko. Ika-apat na taon ko na ngayon sa Canada bilang isang Nurse Practitioner. Wala akong sariling pamilya rito, pero may sinusustentuhan ako sa Pilipinas, si Papa at ang kapatid ko.
"Sis, want mo ba nito? May binebenta yung friend ko, branded!" Alok ng katrabaho ko.
"Pag-iisipan ko, send mo nalang yung picture sa akin."
I love bags like those, because I couldn't afford them before. I remembered how much I pretended to afford original brands of backpacks when I was a kid just to fit in. Little did they know, I couldn't even afford duplicates of it. But I can buy them now, hindi ko na tinitipid ang sarili ko.
"Good morning, Canada," I whispered to myself as I sipped my first cup of coffee for today.
"Next week's your vacation leave, right?"
"Oo, bakit? Iistorbohin mo na naman ba ang buhay ko?"
So much for a great morning, tinawagan ako ni Kaito. Long-time best friend ko. He's a businessman who owns different resorts, restaurants, and other franchises, I can't name all of them.
"Do you have plans?"
"Wala pa, at kung meron man, wala ka na ron."
"Let's go to Japan."
"Ano? Hoy-"
Pinutol kaagad ni Kaito ang linya. Palibhasa napakaraming pera, kung makapag-aya sa Japan, parang inaya ka lang pumunta sa palengke. Pinagiisipan ko pa kung pupunta ba ako sa Vancouver or Montreal para sa leave ko, pero sige, Japan nalang. Kabilang ang bansang 'to sa listahan ng mga dream countries na gustong mapuntahan ng mas batang ako.
Nang matapos ang shift, bumili muna ako ng groceries ko para sa linggong 'to. Sumakay ako ng taxi papunta sa apartment ko. Ako lang mag-isa ang nakatira rito, mas tipid pero minsan nakakabaliw. Wala akong kausap kung hindi ang mga indoor plants na binili ko.
I sighed when I saw some of my plants were already dead because of the weather. Tinanggal ko ang jacket na suot, at binuksan ang heater. Winter ngayon dito, for sure winter din sa Japan. Binuksan ko ang laptop kong nakapatong sa counter habang nag-aayos ng groceries sa kusina.
"Problema mo?" tanong ni Kaito. Tinawagan ko siya ngayon pero laptop ang gamit ko.
"Ano bang plano? Saan tayo magkikita?"
"Excited ka naman masyado."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Uh, baka mangyari ulit yung disaster last year? Bigla mo akong hinila papuntang airport, kahit sabi mo dito lang tayo gagala sa Toronto."
The last thing I knew, nasa eroplano na ako papuntang Saudi! Wala akong dalang gamit noon kung hindi ang isang shoulder bag na may lamang passport, wallet, at panyo.
Tinawanan lang ako ng kausap ko. Lumapit ako sa laptop at mas nakita kung nasaan siya ngayon. Naka suot siya ng makapal na jacket, dahil glass yung nasa likod niya, nakita ko kaagad na may snow.
"Nasa Canada ka ba?"
"Sa Mall of Asia lang, beh. Ice skating." sarkastikong sabi nito, bago pa ako magsalita ay binawi niya kaagad ang sinabi. "May business meeting, okay? Kakarating ko lang dito sa Toronto three days ago."
YOU ARE READING
Wandering Versions
RomanceTequila Ruth Suaze's way of being accepted by people, is to be like them. Copy this, pretend like that, and lie about what her life really was. She ended up being hated by people, but one eventually loved her-Yeon Ferrer. Did he really love her? Or...