Kabanata 5

2 0 0
                                    

Hindi ako kasama sa honor students ng Grade 8 dahil kinulang ng .2 ang general average ko. Hindi rin naman ako nag-expect dahil marami akong absences this school year at hindi ako nakahabol sa mga requirements na kailangan.

Babawi nalang ako sa Grade 9.

"Recognition pala sa Hiraya High, bakit hindi ka kasali?" tanong ni Tita.

"Hindi po umabot general average ko," sagot ko habang tinutulungan siya maglinis ng salas.

"Aba, bumawi ka sa susunod. Hindi na pwede yung puro absent o t'saka barkada. Mas magandang mataas ang grade mo ngayong high school ka palang," aniya.

Kabaligtaran ni Tita ang Papa ko, si Papa ay proud na sa akin basta makatapos ako ng 2nd year. Binilhan pa niya ako ng bagong rubber shoes para raw sa paglalaro ko ng volleyball at reward ko na rin.

Bumalik ako sa kwarto pagkatapos maglinis at binuksan ang phone, wala pa silang chat! Wala nga palang signal sa gym kung saan nagaganap ang recognition ngayon. Ang tagal ng update ha?

"Congrats!" sigaw ko kaagad pagkatapos i-accept ang video call ng group chat.

"Thank you, Ruthenium!" saad ni Maki, kita kong naglalakad siya sa parking lot ng school.

Kahit na nasa Hiraya High sila ngayong tatlo, magkakaiba naman ang background nila.

"Tara na kasi sa Olive's, Suaze. May handa kami sa bahay!" si Hao, nasa loob siya ng kotse.

"Hindi ako pwede, guys. Ayaw ako payagan ni Tita." Totoo naman! Nagpaalam ako kanina na pupunta ako sa Olive's para makikain sa bahay ng mga kaibigan ko, kaso nagconclude siya kaagad na puro ako barkada.

"Sa Sabado pupunta ka ba? Last na laro na natin 'yon bago umalis si Yeon pabalik ng Japan," si Maki.

"Oo, pupunta ako," nakapagpaalam na ako kay Papa last week.

"Ayan, kapag volleyball pupunta agad siya," umirap pa 'tong si Haoran.

Huling sumali sa video call si Yeon, nakasakay din siya sa kotse. Nakita ko pang nagsuot muna siya ng earphones.

"Hi, Yeon! Congrats!"

"Suaze bakit ako wala?!" ang lakas ng boses ni Haoran. Pinagsabihan tuloy siya ng kasama niya sa kotse na 'wag sumigaw.

"Oo na," sabi ko.

"Hindi siya pupunta sa Olive's, Yeon," si Maki na ang nagsabi.

"Dalhan ka namin ng food, gusto mo?" offer ni Yeon.

"Huwag na! Sa Sabado nalang, magcelebrate ulit kayo. Congrats, everyone!" I cheerfully said.

"Congrats din for surviving, Tequila," sabi ni Yeon.

Dumating ang araw ng Sabado, hinatid ako ni Papa sa entrance ng Olive's Subdivision. Dumiretso ako papunta sa court at naroon na nga ang mga kaibigan ko. May kalaban kami ngayon, mga bata lang din na rito nakatira. Four against four, ako lang ang nag-iisang babae.

"Wow new shoes! Binyagan na 'yan," si Haoran.

"Class A lang 'to, pre," sabi ko.

"Ano naman? Ang ganda kaya!"

Ipinatong ko ang bag sa tabi ng mga gamit nila at sumabay sa warm up ni Maki. Si Yeon naman ay naroon at  nag-aayos ng net.

"Tumatangkad ka na yata?" sabi ko kay Yeon. Siguro nasa ear level ko na siya ngayon, dati kasi ay nasa shoulders lang.

"How I wish," he sarcastically said.

Our opponents arrived after a few minutes.

"Nasaan na ang isa niyong player?" tanong ng lalaki.

Wandering VersionsWhere stories live. Discover now