Kabanata 6

2 0 0
                                    

"Your hair looks pretty," Yeon said and touched the ends of my short hair. "It suits you."

"Talaga? Thanks! Ikaw din, pogi mo lalo," I said and scrunched my nose. "Suot ko pala 'to, yung bigay mo. Okay lang ba?" Ipinakita ko sa kanya ang kwintas na nakatago sa uniporme ko.

"Of course, glad you liked it."

We went outside to catch up with our friends. May binigay sila sa aking mga souvenirs galing sa pinuntahan nila noong bakasyon, uuwi na naman akong may dalang paper bag. Bumalik kami ni Yeon sa classroom, may ilang mga kaklase na nagpakilala sa amin bago magsimula ang klase.

"Yeon, kapag tayo ang pipili ng upuan, seatmates tayo ah?"

"Yeah, as if I have a choice? Even if we our seated according to our heights, I'll end up sitting beside you at the back," he said.

"Tama, wala kang kawala sa akin," I stick out my tongue. "Pero kapag may reklamo ka sa ugali ko, o baka may actions ako na mali pala, i-call out mo ako, ah?" I said to Yeon before the class started.

"As if there's one," he shrugged.

The different student organizations of our school opened this first week of the academic year. They gave us the whole Friday to explore and find clubs that spark our interests. Kumbaga, parang may fair sa school then may booths sa buong field. Since magkaiba ang schedule ng Mozart at Da Vinci, kami lang ni Yeon ang magkasamang lumilibot.

"Nakakapanibago pa rin talaga, mas matangkad ka na sa akin. Feeling ko tuloy, ang liit ko na," I pouted.

"You're still tall, Teq. There's the Volleyball Club's booth," he pointed somewhere.

"Sasali ka ba? Ano palang clubs ang sasalihan mo?"

"Stuck between Volleyball or Journalism."

"Ako rin! 'Yan ang pinagpipilian ko."

We ended up joining the two clubs just like what Maki did. It was my first time joining organizations and I signed up for two, how great is that? Daming time! Naabutan pa namin si Sir Hunter, siya na pala ang bagong adviser ng Journalism Club.

"Ferrer! Suaze! Kumusta? Wow, mga dalaga at binata na talaga," aniya.

"Okay naman po, Sir. Sayang hindi ka po namin teacher sa English this year, wala yung annual question niyo sa introduce yourself," sabi ko.

Tumawa siya. "Sa Grade 10 abangan niyo lang! Nasaan yung dalawa mo pang kaibigan, Ferrer?"

"Nasa ibang section po ang mga kaibigan namin," he looked at me as if he corrected what Sir Hunter said.

We went back to our classroom afterwards for our Math Class. Nakapatong ang notebook ko sa tapat ni Yeon dahil tinuturuan niya ako. Unang lesson palang, kailangan ko na agad ng guidance niya. Pwede na siyang Lord ng Math.

"You need to divide this here, and, hey are you listening?"

I blinked twice. I got busy looking at Yeon's thick glasses! Napansin ko lang na bago yung frame nito, parehas pala sila ni Maki na nagpalit ng eyeglasses.

"Sorry, na-distract ako. Pwede paulit?" I apologized.

Ganun pa rin ang pagtuturo niya, kalmado kahit na umulit sa umpisa. Minsan lang may libreng tutor sa Math, Tequila! Focus!

"Thank you! Ako na sa susunod na mga items," inilagay ko sa desk ko ang notebook at nagsagot na ng akin.

"Hello, ako si Honey, narinig ko kasi na nagtuturo ka. Pwede kayang magpaturo rin? Naguguluhan ako eh," narinig kong sabi ng isa naming kaklaseng babae.

Wandering VersionsWhere stories live. Discover now