Kabanata 4

4 0 0
                                    

Yeon Ferrer created a group chat. 

Yeon Ferrer added you, Haoran Lim, and Maki Ernest to the group. 

Haoran Lim changed the name of the group chat to: 'VBALL SA SABADO'

"Napindot niya lang siguro," sabi ko sa sarili at umalis sa group chat. 

Tequila Ruth left the group chat. 

Maki Ernest added you to the group chat. 

Kumunot ang noo ko, hindi talaga nila ako nilulubayan! 

Haoran: Sabado, ah! Vball sa Olive's Subdivision. 

Yeon: Bawal ako

Maki: Sa Olive's ka lang din nakatira, tol.

Tequila: Hindi nga ako naglalaro ng volleyball tapos kasama agad ako sa plano? 

Haoran Lim changed the name of the group chat to: 'VBALL TRAINING SA SABADO'

Unbelievable!

No matter how many times I tried to leave, they kept on adding me back. I just muted the group chat instead. Since when did they even considered including me in the things that they want to do? We just ate samgyupsal for Pete's sake!

"You will be working by pair for today's activity. After our period, everyone must submit their output together with the compiled scratch papers, okay class?" Our Math teacher said.

"Pwede bang individual nalang?" bulong ko sa sarili.

"Anong ginagawa mo, Maks?" tanong ni Haoran sa isa kong katabi. Busy siya sa pagpunit ng papel, tapos may sinusulat siya rito.

"Here, pick one," My brows furrowed, looking at Maki's hand who's showing three folded papers. "Bumunot ka ng ka-pair mo, then yung matitira, sila na ang pair."

"Bakit ako?" tanong ko.

"Bumunot ka na, Suaze. Sayang time oh," saad ni Haoran. Pumili ako ng isang papel. Nang binuksan ko 'to, si Haoran ang nabunot ko. Nagkatinginan kami dahil nasa likod ko lang siya at nakita rin niya ang papel na hawak ko. 

"Nakinig ka ba sa lesson ni Sir?" tanong ni Haoran.

Umiling ako. "Hindi ko gets kaya tinamad ako makinig."

"Gagi, ako rin. Pili ka ng iba, bawal tayo magsama," aniya. Tumango ako at humarap ulit kay Maki. Ang sama ng tingin niya sa amin. "Balanced dapat ang groupings natin, Pre."

Kumuha ako ng panibagong papel, si Yeon ang nakuha ko. It was my signal to get my notebook, pen, and calculator, and approach him in the first row where he's sitting.

"Ako ka-pair mo, sorry," sabi ko bago umupo.

"Ito yung output ko," aniya at ipinatong sa tapat ko ang yellow papers.

"Tapos mo na agad?!"

"Habang nagdidiscuss si Sir sinagutan ko na. Naintindihan mo ba lesson kanina?"

I watched him writing my full name under his. I think he was already waiting for someone to approach him here. It's either Maki or Haoran, but it was me all along. I felt sorry for him, wala akong ambag! Umamin ako kaagad na hindi. 

"Hindi, 'wag mo na ilagay name ko. Wala naman akong sinagutan." 

"Tuturuan kita, saan ka ba nahihirapan?" Ipinatong niya ang notebook niya sa desk ko, hindi niya tinanggal ang pangalan ko sa yellow paper. 

"Huh? Sure ka?"

"May recitation daw next meeting tungkol dito, by pair yung points kaya dapat alam mo rin. Start tayo sa problem number 1," aniya. 

Wandering VersionsWhere stories live. Discover now