Emillie
nagising rin ako ng maaga dahil nga sa niyaya ko sila lola kagabi.
"ahh kahit inaantok pa me go na bes!" sambit ko sa sarili ko upang mas magising ang diwa ko. siyaka ako tumayo at nagtungo sa banyo para makapag hilamos and also do my morning routine.
di pako naligo mamaya nalang pagkakain ko.
pababa nako ng makita ko si ate quinnie at si manang terresa silang mag-ina na nag p-prepare ng food for breakfast.
"ate quinnie, si lola at lolo po? gising naba." pagtatanong ko kay ate quinnie.
tumingin ito saakin siyaka nagsalita.
"ah oo, nasa garden nag didilig sila ng halaman." sambit ni ate saakin.
lumapit ako kay ate quinnie siyaka ito siniko ng marahan sa balikat niya.
mas matangkad ako kay ate ng konti kahit siya yung mas matanda saakin.
"naks naman haha" sambit ko sakaniya ng makita ko na ayus na ayos ito ngayon.
ganiyan ba yung naka move on sa ex? hahaha nag g-glow ah.
"huh bakit?" takang tanong nito saakin na pasimple pang hindi alam ang tinutukoy ko.
tumawa ako siyaka ito kiniliti.
"wala haha, sama ka samin nila lolo?" pagyayaya ko rito dahil nakaayus narin naman siya and i guess wala naman sana siyang gagawin.
naka porma siya e, diko alam kung may gagawin to or wala. may lakad ba or wala, may date or wala haha.
"ah baket?" sambit nito siyaka inayos yung mga pinggan sa lamesa.
tumingin ako sakaniya siyaka nagsalita.
"wala, mamamasyal lang" sabi ko
tumingin ito saakin siyaka ko nakitang kung papaanong magningning yung mga mata niya.
"oh? bakit parang ang saya mo naman ata ngayon quinnie annixa manabat cruz." pagsasabi ko sa buong pangalan niya haha
tumingin ito saakin siyaka ako nito niyakap.
"wala lang makakatakas narin ako sa utos ni nanay haha" natatawang saad nito na ikinatawa ko lang rin.
"huy! babaita anong takas-takas ha" biglang sabi ng padating na si manang terresa haha
humiwalay ng yakap saakin si ate quinnie para mag dahilan kay manang.
"wala ma, pwede po ba sumama kila millie? lalabas sila nila lolo." masayang sambit nito
tumingin si manang sakaniya siyaka ito tumingin saakin.
"millie niyaya mo ba ang isang ito?" tanong saakin ni manang na ikinatawa ko.
"ah opo haha" pagsasabi ko ng totoo.
tumingin ito kay ate quinnie.
"oh siya, isama mo siya ng hindi magmukmok dito sa bahay. basta kapag makulit iwan mo nalang kung san man kayo pupunta." birong saad ni manang na ikinatawa ko at ikina puot ni ate quinnie.
makulit kase talaga ang isang to. kaya maski si manang na nanay niya dina gusto yung kakulitan at ka hyper-an niya, pero minsan naman ay seryoso rin si ate. pero madalas na makulit at madaldal.
diko nga alam kung bakit laging tulog to tuwing darating ako ng bahay e.
diko tuloy nakausap, meron rin akong pasok kaya diko na siya naaabutan na gising haha.
YOU ARE READING
He's Monterieal
RomansaHe's Monterieal (ongoing story) Mayroon talagang mga bagay na hindi na dapat ipilit pa kapag hindi na talaga pwede. Maybe we need to accept that all of our plans and goals is not rolling like what we had planned. well, people tend to say that we're...