Capítulo Uno

1 0 0
                                    

Tercer Punto De Vista

Maliwanag na ilaw mula sa gasera ang tumambad sa dalaga. Rinig niya ang malalakas na tinig ng mga tao sa labas ng silid na kinaroroonan niya. Wala siyang ideya kung nasaan siya.

"Malapit na pong maganap ang piging. Ikagagalak ko po kung kayo'y magiging panauhin ko sa araw na iyon. Mag-iingat po kayo." sambit ng boses na may kaedadan na.

"Wala pong problema. Kami ay dadalo buong pamilya." ang sagot ng kabilang panig at nagsipagpaalam na sila sa isa't isa.

Nagtataka ako sa mga pinag-uusapan ng mga taong nag-uusap sa labas ng silid na pinaglalagyan ko.

Unti-unting nagbukas ang kahoy na pinto ng silid at iniluwa ang isang lalaki na may kaedadan na, matangkad, moreno, at nakasuot ng pormal na kasuotan at may saklob sa ulo na fedora. Walang kaemo-emosyon ang kaniyang mukha kung kaya't ako'y nabahala.

"Paumanhin, binibini. Hindi ko nais na matakot ka, hinahanap ka ng iyong ina upang kausapin ka patungkol sa mga nangyayari sa iyo nitong mga nakaraang araw." wika ng lalaki at pumasok sa silid.

"Halika na at ihahatid kita sa iyong ina." dagdag pa ng lalaki. Hindi nakasagot ang dalaga dahil wala siyang ideya kung ano ang nagyayari. Ipinahabol pa ng lalaki na magbihis siya upang magpunta sa bayan kung saan nariyon ang kaniyang ina.

Naglibot-libot ang paningin niya upang makita ang lahat ng nasa paligid. Isang silid na may mga aklat, aparador na gawa sa kahoy na lagayan ng mga damit.

Tumayo si Hera at ginawa ang sinabi ng lalaki. Hindi maisip ni Hera kung paano siya napadpad sa ganitong lugar.

"Malalaman ko lamang ang mga nangyayari kung ako ay makakalabas sa silid na ito." mahinang sambit niya sa sarili.

Talon ng Dolor - Short story [COMPLETED]Where stories live. Discover now