Capítulo Tres

2 0 0
                                    

El Punto de Vista de Hera.

Sino siya? Nasaan nga ba talaga ako? Ano ang ginagawa ko rito?

"Sumunod ka sa akin, baka mawala ka." sambit ni ama at lumapit sa maliit na butukan. Nakasunod lamang ako sa kaniya.

Hindi ako pamilyar sa lugar na ito. Iniuli ko ang mga mata ko habang naglalakad at nakakita ng iba't ibang kagamitan na ipinagbibili ng mga tao sa kani-kanilang butukan.

Nakakita ako ng iba't-ibang makukulay na ipit. Narahuyo ako sa ganda ng isang ipit doon. "Ama." tawag ko. Nais kong makuha ang kakaibang ipit na iyon.

Nasaan na siya?

Hindi ko namalayan na wala na siya sa aking tabi. Napapaligiran ako ng mga tao. Hindi ako sanay sa ganitong paligid.

Iniuli ko pa ang aking mata sa paligid, nagbabakasakaling matanaw si ama. Nasaan na siya? Pinilit kong makawala sa nagdadagsaang tao. Malapit na ako sa sulok ng pamilihan. May malakas na pwersa ang tumabig sa akin na naging dahilan ng malakas na pagbagsak ko sa lupa.

Sa halip na tulungan ako ng mga dumaraan, nagsipagtinginan lamang ang mga ito. Nagkaroon ako ng gasgas sa palad at tumama rin ang aking tuhod, mahapdi ang mga ito. Patayo na ako nang may biglang umalalay sa akin.

"Binibini, ayos ka lang ba?" tanong ng lalaki.

"Bitaw." mariin kong sambit. Ayaw ko na kinakapitan ako ng kung sino-sino lamang. Hindi siya bumitaw.

"Kumakandili lamang ako, binibini. Wala akong masamang intensyon." mahinahon niyang sagot.

"Kaya ko ang aking sarili, bumitaw ka." wika ko at marahang inalis ang kamay niyang nakaalalay sa akin. Muntik pa akong mapaupo kaya't napahawak ako sa kaniya. Maging ako ay nagulat kaya't agad akong bumitaw sa pagkakahawak sa kaniya. Kumapit ako sa kawayan na malapit sa akin.

"Hayaan mong tulungan kita at dalhin kung saang destinasyon mo kailangang pumunta." walang alinlangan niyang sambit at mabilis na kinuha ang umaalalay kong kamay at ipinahawak sa kaniyang braso.

Hindi na ako nakaangal pa dahil nagsimula na siyang maglakad. Sinagot ko siya na hindi ko rin alam kung saan ako patungo.

"Mabuti pang i-pasyal kita sa bayan. Madami kang makikita rito." wika niya habang dahan-dahan kaming naglalakad.

Madami siyang iniimik na hindi ako pamilyar, ngunit kahit papaano ay nauunawaan ko siya.

"Kung napapagod ka na ay huminto muna tayo sa paborito kong butukan." sambit niya at biglang huminto. Naglabas siya ng pilak at iniabot sa matandang babae sa maliit na butukan. Kapalit nito ay isang nakabalot na tela. Binuksan niya ito at inilabas ang bilugang kulay dilaw.

"Ano iyan?" tanong ko. "Eres bonita, binibini." nakangiti niyang wika at binigyan ako ng isang piraso. Nag-aalinlangan pa ako na tikman ito.

Masarap at tila natutunaw sa aking bibig ang lasa ng matamis na ito. Kami ay nagpatuloy na at kalaunan ay nakarating na sa wari kong palabas na muli ng bayan.

Huminto siya kaya't ganoon din ako. Nakarinig ako ng malakas na sigaw na tumatawag sa pangalan ko.

"Hera! Hera, anak!" napalingon ako sa gawing kanan at nakita ang isang babae na kumakaway. Katamtamang tangkad, mestisa, at nakasuot ng magandang kasuotan ang babae.

"Ina." mahinang sambit ko nang masilayan ko ang maaliwalas na mukha ng aking ina. Nagsimulang tumulo ang aking luha dahil sobra akong nangungulila sa aking ina.

Patakbo akong lumapit sa kaniya at niyapos siya nang mahigpit. "H-hindi ko inaasahang mayayakap kitang muli, ina."

Talon ng Dolor - Short story [COMPLETED]Where stories live. Discover now