Sa bayan ng Ilaran ay nakatira ang dalagang si Hera. Siya na lamang ang bumubuhay sa kaniyang sarili sa kadahilanang iniwan na siya ng kaniyang mga magulang. Wala rin siyang kapatid na makakasama dahil nag-iisang anak lamang siya.
Sa likod ng paaralan ni Hera ay mayroong tagong talon na kung saan namamalagi ang dalaga. Doon siya nag-aaral at nagpapalipas ng oras. Pagkatapos ng klase ay dumiretso siya sa talon na kaniyang pinamamalagian. Dala-dala niya ang kaniyang bag na naglalaman ng mga librong hiniram mula sa silid-aklatan.
Nakaupo siya sa malaking bato at nagmumuni. Magsisimula na sana siyang mag-aral subalit nabaling ang tingin niya sa umaagos na tubig. Kumikinang ang malinis na tubig nang tamaan ito ng sikat ng araw. Ang tunog ay nakakakalma sa tainga. Tila bang binubulungan at inaakit siya ng tubig. Napatayo siya sa kaniyang kinaroroonan. Ibinaba niya ang hawak niyang mga gamit at lumapit.
"Katamtaman ang lamig ng tubig, nais kong lumusong." sambit niya nang haplusin ang tubig. Tinanggal niya ang saplot at agad na lumusong sa tubig. Habang nakalubog sa tubig si Hera ay bigla na lamang tumulo ang kaniyang luha. Nagtaka rin siya kung bakit kaya agad niya itong pinunasan. Lumangoy siya patungo sa kung saan nanggagaling sa itaas ang tubig. Bigla na lamang siyang nagtaka nang biglang bumigat ang pakiramdam niya. Hindi ito ang unang pagkakataon na naramdaman niya ito. Pabalik na sana siya upang isuot muli ang saplot ngunit para bang hinihila siya ng tubig sa talon. Pilit siyang lumangoy pabalik sa tabing talon ngunit hindi siya nagtagumpay. Hindi makagalaw ang mga paa at nawalan siya ng lakas. May kung anong pwersa ang humigit sa kaniya pailalim ng tubig na dahilan upang siya'y hindi makahinga at pilit niyang kumawala sa kung ano man iyon. Hindi kinayanan ng dalaga ang pwersa na naging dahilan ng pagkawalan ng malay niya.
Sa paggising ng dalaga, ang mundo ay ang katotohanan na magmumulat sa kaniyang nakaraan. Ang mga tanong ay aapaw ngunit walang kasiguraduhan kung ito ay magkakaroon ng kasagutan. Ang mga pangyayari na hindi nararapat mangyari ay magaganap at tuluyang babaguhin ang kasalukuyan niyang buhay.
YOU ARE READING
Talon ng Dolor - Short story [COMPLETED]
Детектив / ТриллерAng mundo ay ang katotohanan na magmumulat sa nakaraan. Ang mga tanong ay aapaw ngunit walang kasiguraduhan kung ito'y may kasagutan. Ang mga pangyayari na hindi nararapat mangyari ay magaganap at tuluyang maaapektuhan ang kasalukuyan.