El Punto de Vista de Hera
Kasabay ng pagkawala nila ay ang pagpapakita ng iba't-ibang imahe.
"Ate! Bilisan mo, baka pagalitan tayong muli ni ina." sigaw ni Felina. Ang katawan ko ay kusang gumagalaw at hindi ko kontrolado.
"Heto na, ingat ka sa paglalakad mo." sabay kaming tumawa ni Felina habang kami ay basang-basa at nagmamadaling tumakbo pauwi sa kanila. Itinakas ko rito si Felina sa kadahilanang nais naming maligo sa talon na pinamamalagian namin.
Muling nagbago ang nasa harap ko at nag-iba ang kasama ko. Ang kasama ko naman ngayon ay si Allen.
"Eres preciosa, mi amor." puna ni Allen. "Salamat." wika ko at ibinigay ang pinakamatamis kong mga ngiti. Nag-uumapaw ang kasiyahan sa puso ko. Tila ayaw ko nang umalis. Hinawakan niya ako sa aking pisngi at nginitian.
"Tumatalon ang aking puso kapag nasisilayan ko ang iyong mga ngiti." dama ko ang sinseridad niya nang sabihin niya iyon.
Muling nagbago ang imahe at napunta sa oras na kami ay sama-samang nag-uumagahan. Si ina ay nagdadalang tao noon kay Kaira.
"Palabas na po ba ang kapatid ko, ina? Bakit niyo po siya ipinasok sa tiyan niyo po?" inosenteng tanong ng batang ako. Tumawa lang si ina.
"Hera, pumasok ka muna sa silid mo." ang wika ni ama.
Sinunod ko siya at dumiretso sa silid. Pagbukas ko ng kahoy na pinto ay bumungad sa akin ang iba't-ibang mga alaala na tumatak sa puso ko noong ako ay naroroon pa.
Isa lamang ang ibig sabihin nito. Hindi iyon ang una kong pagpunta roon sa lugar na hindi ako pamilyar.
Ang mga taong iyon, parte sila ng buhay ko. Humagulgol ako sa pag-iyak dahil sa mga alaalang iyon.
"Huwag mo akong iwanan muli, binibini." paulit-ulit na naririnig ko.
Sa pagmulat ko ay tumambad ang nag-aalalang si Tiya Selfa. Tinanong niya kung ayos lamang ako, sumagot ako na ayos lang ako.
Namumuo ang pawis sa aking sintindo at binabanas kahit malamig ang simoy na hangin. Nag-iinit ang pakiramdam ko at nanlalabo ang mga mata.
Nag-aya na akong umuwi dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Sapat na ang mga nakita ko para maalala ang mga bagay na dapat ay alam ko.
Inihatid kami ng karwahe ng asawa ni Tiya Selfa. Alalang-alala si ama nang kami ay makarating kaya't napagsabihan ako. Pinainom ako ng isang basong tubig at bitbit ko ito hanggang sa silid.
Nagulat ako nang makapasok ako sa silid, naroroon na muli ang salamin. Kakaiba ang ipinapakita ng repleksyon. Isang matandang lalaki, siya yung nagturo sa akin ng daan pauwi ng bayan at nagbigay ng baguette. Kumunot ang noo ko sa nakikita ko. May kung anong ginagawa ang lalaki at bigla na lang lumingon sa akin mula sa salamin.
Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang ngumiti, nakakakilabot na ngiti. Nangitim ang kaniyang mga mata at mas lalong lumaki ang mga ngiti lampasan sa kaniyang mukha na ikinatakot ko.
Mabilis siyang nakalabas sa salamin. Humalakhak siya nang malakas na sobrang ikinatakot ko. Napasigaw ako at naibato sa kaniya ang hawak kong baso. Lumagpas sa kaniya ang baso subalit tinamaan nito ang salamin.
YOU ARE READING
Talon ng Dolor - Short story [COMPLETED]
Mystery / ThrillerAng mundo ay ang katotohanan na magmumulat sa nakaraan. Ang mga tanong ay aapaw ngunit walang kasiguraduhan kung ito'y may kasagutan. Ang mga pangyayari na hindi nararapat mangyari ay magaganap at tuluyang maaapektuhan ang kasalukuyan.