Carley's PoV"Avril bilisan mo!! Inaantay na nila tayo"
"Oo na eto na, masyadong atat eh"
Naglakad na kami papunta sa mini van Nila Von,
Nagplano kasi kaming magkakaibigan na mag bakasyon sa bahay bakasyonan Nila Von sa province, di na nga daw sila masyado pumupunta don ehKakatapos lang ng semester at talagang napagplanohan naming magbakasyon sa kabila ng stress sa school nong mga nakaraang buwan
Deserve naman namin to kasi halos igapang ko na yung araw araw ko sa college.
"Ohh nandito na pala tong dalawa eh, bilisan nyo namn, ohh Avril don ka sa tabi ng driver"
Utos ni Ruby, kaya naghiyawan agad ang mga kaibigan namin, si Ruby ang parang Ina sa grupo kaya sinusunod na din namin sya, nag Educ sya pero feel ko makakapatay to ng studyante kasi ang iksi ng pasensya
Matagal na kasing may gusto si Von Kay Avril, pero sa kasamaang palad, mukhang Wla atang gusto tong si Avril Kay Von
Aminado kaming Maganda talaga si Avril
At di na nakakapagtataka kung may nagkakagusto sa kanya pero ewan ko ba sa kaibigan naming yan plano ata talagang mag madre at prank lang ang pagpupursue nya ng NursingSumakay na ako sa likod, at katabi ko si Lauren na busy sa pag cecellphone, si Avril namn ay sinunod ang utos ni Ruby, tumabi nga sya Kay Von, dahil wala namn Syang choice dahil puno na kami dito sa likod
"Von ayusin mo pag da-drive empress us"
Masiglang hamon ni Gia na katabi lng si Lauren na kanina pa nag seselfie, Si Lauren ang pinaka active sa social media at full time Extrovert sa grupo namin marami yang followers sa IG kaya ang yabang lagi mag selfie
"Ofcourse, lalo na't katabi ko yung lakas ko"
Nag hiyawan ulit sila, di lng sya pinansin ni Avril at nakatingin lng sa bintana
"Kaso di ka gusto nyang lakas na sinasabi mo hahaha"
Pang aasar ni Xander, kaya di lng sya pinansin ni Von, at pina andar na ang van,
Tahimik lng kami, yung iba ay natutulog naSi Xander ang Gamer geek sa amin at talagang nakuha pa nyang mag adik sa online games habang nag E- engineering sobrang lakas talaga.
Tumingin na lng ako sa labas ng bintana,
At biglang may bumanggang paniki sa bintana kaya napasigaw ako, nanggugulat naman to"Anong nangyari sayo?!"
Agad na Tanong ni Avril
"May paniki kasi na biglang bumangga sa bintana, nagulat lng ako"
Sagot ko"Ahhhh"
Sagot Nila,
Ang weird, ang aga pa naman ah pero bat may paniki na? Ah baka naumagahanNasa kalsada na kami na may mga puno puno sa paligid, creepy sya pero nakaka relax at talagang mafefeel mo na malayo ka talaga sa bahay nyo AHAHAHA
"Alam nyo magpamusic kaya kayo" Sabat ni Kelsey at ngumuso, si kelsey ang tourism sa amin, sya ang pinaka maputi sa mga girls kaya minsan tinutukso syang multo, bago bago din ang mood nya kaya minsan gusto ko na talaga syang sikmuraan
"Ang OA talaga nito kakanta ka lang eh aabutan pa tayo ng ulan at baha sa daan" pang aasar ni Xander at humagalpak ng tawa ng makita ang pikon na mukha ni Kelsey
"AH TALAGA AH! SA TINGIN MO NAKAKATUWA KA?!" sigaw ni Kelsey at sinabunutan si Xander
"Aray! Hoy! Ikaw pikonin ka talaga! Aray ko!"
Tinawanan lang namin sila at ng makuntento na si Kelsey ay binitawan na nya si Xander"Bat ba kasi kayo parang mga aso't pusa?" Tanong ni Theo na nakasandal sa upuan at nakapikit, napaka attractive talaga ng taong to!
Bukod sa myembro sya ng isang sikat na banda ay talagang napaka gwapo nya ang ganda ng katawan ang tangkad ang tangos ng ilong at ang ganda pakinggan nga boses pag nagsasalita"Sorry master, si Kelsey kasi eh pikonin" Sambot ni Xander, Nag roll eyes lang si kelsey at naglagay ng earphone sa tenga nya
Tahimik na ang boung byahe at halos lahat ay nakatulog na, siguro dahil nadaan na kami sa mabatong daanan kaya parang nahehele sila, tatlong oras ang byahe namin bago kami makataring doon at di talaga ako natulog dahil gusto kong pagmasdan ang mga puno sa paligid nakaka relax ng utak talaga.
AVRIL's POV
"Guys, nandito na tayo"
Agad kaming tumingin sa labas, pero gate ang bumungad samin
"Sa gate, Hahaha"
Inirapan lng Nila si Von, bigla namang bumukas ang gate na nagpamangha sa lahat
"High tech"
Manghang sabi ni Xander,
"Papagawa ako ng ganyan sa future bahay ko pag nakapag asawa na"
-Ruby"Di ka pa nga sure kung makakapag asawa ka"
-Kelsey"Hahaha Basta ako, kahit sa bukid tumira, okay na sakin"
-Gia"Talaga?, Kailan ba tayo lilipat don?"
-XanderKaya naghiyawan kami, may naaamoy talaga akong kakaiba sa dalawang to eh,
Kulay rosas na ngayon ang pisngi ni Gia dahil sa pang aasar"So guys nandito na tayo"
Nagsisilip namn sila sa bintana,
Bumungad samin ang malaki pero lumang bahay, namangha agad ako at kinuha ang camera ko sa bag, sabay picture dun sa bahay,
Bumaba ako at nag patuloy lng sa pagkuha ng pictureNakaka amaze talaga ang ganitong mga lugar parang feeling ko bumalik ako sa lumang panahon
Nakita ko naman silang nagsilabasan na sa van kaya tinutok ko na sa kanila yung camera at
"Guys smile!"
Sigaw ko, kaya agad silang nagtabi at nagwacky,
Agad ko namn silang pinikturan
At nag thumbs up ng matapos na Binaba ko na ang camera"Do you like it?"
Napaigtad ako ng maramdaman ang hininga ni Theo sa batok ko,
Sinamaan ko sya ng tingin sabay batok"Oo!, wag ka ngang nanggugulat kupal ka"
"Sorry namn, maliban sa kamay ni Von, yung camera na lng kasi ang hawak hawak mo boung byahe"
Tama nga sya, pero mas better pa to kesa sa kamay ni Von bruh, HINDI KO NAMAN HINAWAKAN YUNG KAMAY NI VON! assumero sya
"Wag ka nga"
Tinawanan lng nya ako, ewan ko ba dito kay Theo minsan hindi ko sya maintindihan grabe naman magbigay ng mixed signals ang ulupong na to!
"Guys, uso kasi tumulong"
Sabi ni Ruby habang nakapa- meywang na naka tingin samin,
Kaya nag lakad na kami papalapit sa van at tumulong na magbuhat ng box na ang laman ay can goods, para sa isang linggong pananatili namin dito at sobrang excited na ako sa mga activities na pwede naming gawing magkakaibigan dito.
YOU ARE READING
LARAWAN
Mystery / ThrillerAng kwentong ito ay tungkol sa mag babarkadang nagbakasyon sa isang cabin malayo sa kabihasnan Ang akala nila'y masaya at memorable na bakasyon ay nauwi sa brutal na mga pangyayari.